A/N: Epilogue na po tayo!!!!!...… Sana po magustuhan nyo!!!!....😉😉😉😉
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW
"Ahhhhh!!!!!!...." napatili ng malakas si Marjo ng makita ang nakakakilabot na ekspresyon ng mukha ng lalaking paulit ulit syang tinatawag na mahal. Natauhan naman si Leonard kaya dali-dali nyang hinanap ang malaking flies. "Shit! Shit! Shit!...." Natataranta sya kaya di nya magawang magfocus sa kung ano ba talaga ang kukunin nya.
Nawala naman ang ngisi ng lalaki ng makita nyang yumuko si Marjo para pulutin ang flashlight. Nagtiim ang bagang nya saka dali-daling lumapit kay Marjo.
Napulot ni Marjo ang flashlight at gagamitin nya sanang pangkuryente pero nanlumo sya ng makitang hindi ito ang ibinigay sa kanya ni Ericka kanina. "Pucha..." mahinang mura nya at napa.. "Ahhhhh!!!!!!...." napatili sya ng maramdaman nyang may humawak ng mahigpit sa braso nya. Takot na takot sya ng makitang nakangisi na naman ang lalaki sa kanya. "Leonard!!!!!....." sigaw ng dalaga habang nagpupumiglas at lumuluha sa takot. Oo nga't malakas ang loob nya dahil sa mga ipinapakita nyang ugali sa iba....ngunit ang lahat ng iyon ay kabaliktaran sa loob nya. Mas natatakot pa sya kaysa kay Leonard at aminado sya roon.
Napamura pa sa inis at takot si Leonard habang lumuluha dahil ang tagal nyang makuha ang kailangan nya. Nang makuha nya ito ay agad syang tumayo para sugurin ang lalaki. "Hiiyahh!!!!.. Ta----na mo!!!." malakas nyang pinalo ang braso ng lalaki na nakahawak ang kamay sa braso ni Marjo. "Ahhhrr!!..." napaatras naman ang lalaki habang dumaraing ng sakit at hawak-hawak ang brasong pinalo ni Leonard. "Bilis!..." isenenyas ni Leonard ang bukas na pinto ng bus na naisip nyang magliligtas sa kanila mula sa lalaki. Umiiyak namang tumakbo papasok si Marjo habang dumadaing pa rin ang lalaki. Sumunod sa kanya si Leonard na bagama't lumuluha ay nabuhayan ng lakas ng loob. Nasa unang baitang palang ang binata ng hagdan paakyat ng bus ay may bagay na tumama sa binti nya kaya natumba sya. "Ahh...." may kamay agad na humila sa paa nya pababa " Hindi nyo ako matatakasan!..." tuluyan syang nakaladkad palabas. "Ahh!!..." daing nya habang nakahawak sa mukha na nauntog sa sahig ng bus.
"Leonard!!!!...." napasigaw si Marjo ng makitang kinaladkad ng lalaki si Leonard palabas. Lumuluha syang bumalik sa may pinto kung saan nakatayo sa bukana ang lalaki na may malawak na ngisi sa labi. Nakatalikod ito kay Marjo kaya di nito napapansin ang dalaga, at dahil na rin sa nakatutok ang atensyon nya sa binatang namimilipit sa harapan nya. "Itatakas mo pa ang mahal ko!..." tinadyakan
nito sa sikmura ang binata kaya napasigaw ito sa sakit. "Ahh!!!!..." napakagat ng labi si Marjo para pigilan ang kanyang paghikbi.Humanap sya ng maaari nyang magamit sa lalaki at nakita nya ang walang buhay na si Mang Dado. Napapikit sya ng maramdaman ang galit nyang muling nabuhay ng makita nya ang hitsura ni Mang Dado. "Ahh!!!." agad syang napatingin kay Leonard ng marinig ang daing nito. Muli nanaman kasi itong nakatikim ng sipa sa sikmura. Kumuyom ang kanyang kamao at walang alinlangang tinalon ang lalaki. Mabilis nyang ipinulupot ang kanyang dalawang braso sa leeg ng lalaki at ipinulupot nya rin ang kanyang dalawang hita sa beywang nito. "Uhmmm!..." napangiwi ang lalaki at muntik na silang matumba ngunit nakabalanse ito paatras. "Hhrrrrr!!!...." gigil na gigil si Marjo at mas lalong idiniin ang braso nya sa leeg nito. Napahawak sa braso ni Marjo ang lalaki.
"N-natutuwa a-akong....n-niya--yakap m-mo a-ako m-mahal.....p-pero b-bakit a-ang s-sakit a-ata...." hirap na sabi ng lalaki na nagawa pang ngumisi kahit nahihirapan. Napatiim bagang si Marjo at mas diniinan pa nya ang pag-ipit sa leeg nito. Bigla namang nagulat ang dalaga ng humampas ang likod nya sa pinto ng bus. "Ahh!!!!...." lumuwag ang kapit nya sa leeg ng lalaki na may malawak na ngisi sa labi. Nagawa kasi sya nitong iuntog si Marjo ng iatras nya ito patama sa bus. Kahit nasaktan ay nagawa pa ring sakalin ni Marjo ang lalaki.

YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Misterio / SuspensoIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...