CHAPTER 6: SHADOW

9 6 0
                                    

A/N: Sorry po if may wrong typos........ Sana po maintindihan nyo......😁😁😁















ERICKA'S POV

Di ko maintindihan kung bakit kumalabog ang puso ko ng makita kong dumaan ito harap ng tenth ko. Sinundan ko ito ng tingin dahil kita ko ang anino nitong naglalakad. Pinakiramdaman ko ito hanggang sa may isa pang dumaan sa harap ng tenth ko.

'Parang kilala ko to ah......'

Muli kong sinundan ng tingin ang isa pang dumaan. Naningkit ang mata ko ng may napagtanto ako.......

'Parang si..........'

Mabilis kong ibinalik sa loob ng bag ang mga inilabas ko at pagapang na lumapit sa may pinto ng tenth. Maingat kong binuksan ng maliit ang zipper nito, yung tipong ulo ko lang ang kasya bago sumilip sa labas. Nagunot pa ang noo ko ng matanawan ko si Jimmy at Jake na naglalakad palayo. Binuksan ko na ng bahagya ang tenth ko at kunot noong pinagmasdan ang dalawa. Sa pagitan nina Christine at Ghine siguro sila dumaan dahil doon ko sila nakikita. Naka-jacket si Jake ng blue habang si Jimmy naman ay nakaitim na sweater. Kapwa sila nakatalikod ngunit alam kong may dala silang mapa  flashlight na hindi naman nila binubuksan dahil nga siguro sa lakas ng  liwanag ng buwan.

'At talagang ngayon pa sila gumala....... Ano?...magi-star gazing o trip nilang mang-hunting ng alitaptap......o trip nilang sa gabi maglakad......'

"Chismosa......" gulat akong napatingin sa harapan ko. Napangiwi pa ako ng makita ko si Emman na naka-indian sit at nakanganga na nakatingin sa akin. Nakabukas ng bahagya ang tent nya at may hawak syang flashlight na nakatutok sa mukha nya kaya muntanga sya ngayon. Parang Halloween ang hitsura nya😂😂

Kung si Christine siguro ang makakakita sa kanya......malamang maski tulog na ibon ay magigising sa sigaw nya. "Pra kang tanga....." tumatango-tangong sabi ko. Isinara nya naman ang bibig nya at tatawa-tawang pinatay ang ilaw. "Sabi ko na nga ba't di ka pa matutulog eh...." aniya na inilagay sa gilid nya ang flashlight. Nagkibit balikat nalang ako. "Saan pupunta ang mga yun?." takang tanong ko. Nagkibit balikat naman sya. "Alam mo naman na gala ang mga yun di ba?." napairap ako sa sinabi nya. "Yun na nga eh.....gagala sila....kaya duda ako kasi di ka kasama..." sabi ko kaya ngumiwi sya. "Grabe ka naman....." nakangiwing aniya kaya ngumisi nalang ako. "Akala ko nga kung sino na yung aninong dumaan...." sabi ko kaya natawa sya pero agad din nyang tinakpan ang bibig nya ng marinig namin ang paggalaw ni Leonard na nasa tabi lang ng tenth nya. Napailing nalang ako. "Geh tulog na'ko." paalam ko at ngumiwi naman sya. "As if makatulog ka......" sabi nya na ikinataka ko. "At bakit hindi?." tanong ko at ngumisi naman sya. "Kasi ang mukha kong gwapo ang huling nasilayan mo...." taas noong aniya kaya napairap ako. "Baka nga kaya hindi ako makatulog dahil mukha mo ang huli kong nakita. " sabi ko at napanguso sya. Iiling-iling naman akong nag-sara ng tent. Pero bago ko tuluyan itong maisara ay nakita ko pa ang ngiti nya.

'Minsan talaga mukha syang timang......' napailing pa ako sa naisip ko. May pagkakataon talagang nakikita ko syang nakangiti habang tulala. Di ko rin maintindihan kung sa akin ba sya nakatingin o sa likod ko. Napabuntong hininga pa ako saka inilagay sa tabi ang nakakalat kong gamit. Inayos ko ang bag kong sya ring inu-unanan ko na kung saan nakalagay ang mga damit ko. Humiga na ako at saka nag-kumot. 'Saan nga kaya ang trip nung mga yun?...... Kung kelan namang gabi eh saka naglayas.....'

Pinilit kong matulog ngunit wala talaga akong antok. Kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa higaan ko pero wala. At wala pa rin sina Jimmy at Jake kaya mas lalo  akong napapaisip kung napasaan na sila. Inis kong tiningnan ang relo ko at nangunot ang noo ko ng mapagtantong 11:14 pm na.

'Aba'y napasaan na ang mga damuhong yun?.' 

Pinakiramdaman ko ang paligid ng makarinig ako ng kaluskos. Sa tingin ko ay may tao. Baka sina Jimmy at Jake na ito. Maya-maya ay isang napakalaking anino ang nakita ko. At sa pagkakataong ito.......sa tingin ko ay nasa likuran ito ng tenth nina Emman at Leonard. Nasa likod kasi ng tenth nila ang buwan kaya kung doon tatayo ang tao ay makikita mo dito ng malaki. Mukha tuloy kapre. Tumayo ito doon at nangunot ang noo ko ng makita kong nagpakiling-kiling ang ulo nito. Animoy pinagmamasdan ang mga tenth kung saan kami naroroon.

DAWN SEEKERS (Completed)Where stories live. Discover now