CHAPTER 9: DAWN SEEKERS

7 5 0
                                    

A/N: Sorry po if may mga wrong typos.... Sana po maintindihan nyo.......😁😁😁











ERICKA'S POINT OF VIEW

"Saan na tayo pupunta?..." mahinang tanong ni Christine habang maingat na naglalakad habang nagmamasid sa masukal na bahagi ng gubat. "Oo nga....saan na tayo ngayon pupunta?...." naiiyak pero mahinang tanong ni Jimmy sa takot na mayroong makarinig sa amin. Tumigil si Marjo sa paglalakad at humarap sa amin kaya napatigil rin kami dahil sya ang nauuna. "S-si Mang Dado.....siguradong si Mang Dado ang tinutukoy nila. M-malamang na sa exit dawn sila pupunta......" mahinang sabi nya na animo'y natatakot sa maaaring mangyari. Nagkatinginan naman kaming lahat bago muling bumaling sa kanya. "Don't tell me you want us to go back to find where the hell is that Exit Dawn..." di makapaniwalang ani Ghine. Tumango naman si Marjo. Kung tutuusin eh may punto nga naman si Marjo. Andun rin ang bus na pwede naming gamitin upang makatakas. "Ano!?... Ayaw ko nang bumalik dun..." nagpi-freak out na sabi ni Jimmy pero pabulong.

"Yes... He is right.... I won't back to that hell....."

"Natatakot ako....baka mahuli ulit tayo..."

"Sa entrance nalang kami dadaan.... Wala namang harang dun eh..."

"Pero may point naman si Marjo eh..."

"Oo nga andun pati yung bus.."

"Pero andun din yung mga baliw..."

"Ano ba yan.... Kung gusto nyo dung bumalik... kayo nalang..., sa entrance nalang ako dadaan...."

"Oo nga...sa entrance nalang rin ako...."

"Ako rin...."

Napabuntong hininga ako ng pati si Christine ay umayon kay Ghine at Jimmy. "Kung ganon.....mas mabuting maghiwalay tayo...sumama kay Marjo ang gusto at kay Jimmy naman ay yung mga ayaw bumalik sa lugar na yun..." ani Ivan. Nagkatinginan kami ni Christine. "Ayos lang kung kay Marjo ka sumama....basta mag-iingat ka..." nag-aalalang sabi nya. Napabuntong hininga ako bago tumango. Nilingon ko rin si Ghine pero tumango lang rin sya sa akin.






































































"Ano ba...ba't dikit ka ng dikit?..." napatingin ako sa dalawa sa likod. Kami kasi ni Emman ang nasa unahan at sina Marjo at Leonard naman ang nasa huli. Apat lang kaming naglakas loob na tahakin ang dinaanan ng mga baliw na yun. Tinatahak na namin ang masukal na gubat upang hanapin ang Exit Dawn. Nakakunot ang noo ni Marjo habang si Leonard naman ay nakanguso. "Dumikit lang naman..." katwiran pa ni Leonard. Iiling-iling naman akong ibinalik ang paningin sa daan. "Dumikit lang na ano.... Kanina ka pa ah.... Kung takot ka kay Emman ka lumapit..." dinig ko pang singhal ni Marjo kay Leonard. "Di ako takot....baka ikaw...." dinig ko namang ani Leonard. "Tss....manahimik ka na nga..."

"Ba't ba ang sungit mo ata...."

"Eh ano ngayon?.... Di naman talaga tayo close eh..."

"Tsk!....may sinabi ba ako?..."

Sinulyapan ko si Emman habang patuloy sa pagbabangay yung dalawa.

"Wala...kaya nga manahimik ka na..."

"Ayos ka lang ba?.." tanong ko kay Emman habang nasa daan ang paningin. Ramdam ko ang pagtingin nya sa akin. "H-huh?... Ah..o-oo.." sagot nya at kita ko sa peripheral vision ko ang pag kamot nya sa ulo. "Uhm...yung mga sugat mo.....paano mo yan nakuha?... Bakit ka nahuli?...." tanong ko pa bago tumingin sa kanya. Nagtama naman ang paningin namin pero nauna syang mag-iwas ng tingin. "Bumalik ako sa camp site kanina.....pero malayo pa lang ay dinig ko na ang sigaw ni Shane..... Kala ko nga narinig nyo rin yun sa lakas ng bunganga nya..." natatawang aniya ngunit alam kong pilit lang yun. I know he just want to lightened up the mood. Napangiti ako ng konti at may halo pang pait dahil naimagine ko si Shane na sumisigaw na halos mapatid na ang litid sa leeg. Maliit lang syang babae pero grabe ang bibig. "Tapos nakita ko yung malaking lalaki na buhat-buhat ang walang malay na si Christine. Akala ko nga nung una patay na sya..."
Nawala ang ngiti ko at napalitan ng seryosong mukha. "Buti pa nga yun si Christine eh....isang pukpok lang ang inabot....eh ako tatlo....isa sa ulo, sa likod tapos pati sa batok..." sabat naman ni Leonard.

DAWN SEEKERS (Completed)Where stories live. Discover now