CHAPTER 3: WEIRD....

8 7 0
                                    

A/N: Sorry po if may wrong typos.... Sana po maintindihan nyo.....😁😁😁






THIRD PERSONS POV

Malamig na hangin ang unang sumalubong sa magkakaibigan ng makababa sila sa bus. "Whooa.........ang presko...." ani Ivan at Leonard habang nililibot ang tingin sa paligid. Nasa bungad lang kasi ng San Martin ang Mt.Malaya.....
May isang palikong daan papasok sa Mt. Malaya kaya nasa gilid lang ng highway ang karatula.

Lumapit si Mang Dado sa malaking karatula upang kumpirmahin kung tama ang kanilang pinuntahan. Kapag ganitong nagsiservice sya sa mga batang itinuturing nya na ring anak ay inaasikaso nya ito para hindi mapahamak. Di man magkadugo ay pinapahalagahan nya ang mga ito kahit na minsan ay hindi sya nito sinusunod. Naaalala nya kasi ang kanyang kaisa-isang anak nya na nalayo sa kanya ng iwan sya ng kanyang asawa.

"Ang creepy naman dito,bat walang bahay?........puro puno lang baga....." napahaplos pa si Shane sa braso nya na animoy kinikilabutan. Pati si Ericka ay napayakap sa sarili nya dahil sa lamig ng hangin.
Totoo ang sinabi ni Shane.......tanging maliliit na damo,dahon at puno lang ang nakikita sa paligid.
"Oo nga.....ba't bihira sasakyang dumadaan dito?." takang tanong ni Leonard. Paisa-isa lang kasi ang nakikita nilang sasakyang papasok sa bayan ng San Martin. Di gaya sa ibang bayan na sunod sunod ang pagdaan ng sasakyan.
"Aba ewan ko........ba't ako ang tinatanong mo?." pabirong ani Mark kay Leonard na katabi na nya ngayon. "Dito ang daan papunta sa camp site...." turo ni Jimmy sa pasikong daan. Kanina pa nya pinagaaralan ang paligid at sigurado syang ito yung nakapost sa social media na nakita nya.
"Malayo pa ba tayo sa mismong pagka-campingan natin?." tanong ni Christine kay Jimmy na syang nagsuggest sa kanila ng lugar. "Ewan ko......." sagot ni Jimmy kaya naguluhan ang mga nakarinig. Ang iba kasi ay abala sa palilibot ng paningin sa paligid. "Wait........what do you mean?......you never been here before?." gulat na tanong ni Ghine na kanina pa kinikilabutan dahil sa kakaibang awra ng paligid.
Humarap sa kanila si Jimmy at napakamot ng ulo. "H-hindi pa ako nakakarating dito.....ngayon pa lang...." anito kaya nasa kanya na ang atensyon ng mga kasama nya na natigilan sa narinig. Si Mang Dado naman ay nakikiramdam sa paligid. Simula pa lang ng makita nya ang pusang itim ay hindi maganda ang kutob nya sa lakad nila. Pinili nya na lang rin na magpatuloy para masamahan ang mga bata.

"Eh bakit dito mo piniling  mag-camping tayo..." kunot noong sabi ni Thea. Napakamot nalang ng ulo si Jimmy. "Ano ba kayo.........exciting nga yung di pamilyar na lugar eh." depensa rin ni Jake dahil isa sya sa mga naunang pumayag na doon mag camping. Napatango naman sina Mark, Ivan, Shane, Leonard at Miquel biglang pagsang-ayon kay Jake. "Oo nga........" ani pa ni Shane. Nakahinga naman ng maluwag si Jimmy dahil may sumang-ayon sa kanya. Si Emman at Marjo naman ay napabuntong hininga nalang dahil sa hindi nila maintindihang dahilan. Si Ghine naman ay may pagaalinlangan rin dahil ang weird ng paligid para sa kanya pero nanahimik na lang ito. Si Ericka naman ay may kakaiba ring nararamdaman pero mas piniling sumang-ayon dahil sa kagustuhang makapag relax sa mga bagay na nangyari.

<<<<<<<*-----*>>>>>>>

Kaluskos lang ng mga patay na dahon sa daan na naiipit ng gulong ng bus at huni ng ibon ang naririnig nila sa paligid habang binabaybay ang daan patungo sa bundok ng Malaya. Abala ang lahat sa pagmamasid sa paligid habang hinihintay ang pagdating nila sa camping site. Mas maraming puno at mga tuyong dahon ang kanilang nakikita kaya imbes na maexcite ay nawi-weirduhan na sila sa paligid. Mukha kasing wala nang dumadaan dito pero nanahimik nalang sila kahit si Shane na madaldal. Hindi nya rin kasi magawang mag-ingay sa hindi nya maintindihang dahilan.

"Alam nyo ba kung saan ang mini office ng operator ng camping site nyo? Kanina pa tayo nagbibiyahe ah...." puna ni Mang Dado habang nasa daan ang paningin dahil mag-iisang  oras na silang umaandar pero di parin nila makita ang office na pinagbibigyan ng waiver. "Di nga po eh........through phone ko lang po sila nakausap,sabi  po puntahan na lang sila kasama ang  nagpapatunay na may permiso kaming mag camping mula sa magulang. Nag send lang po ng petsa kung kailan pwede......" paliwanag ni Jimmy na syang nakipag-ugnayan sa camp operator. Tumango nalang ang matanda biglang pagtanggap sa sagot ni Jimmy. Si Emman at Ericka naman ay napabuntong hininga nalang sa marinig.

DAWN SEEKERS (Completed)Where stories live. Discover now