A/N: Sorry po if may wrong typos..... Sana po maintindihan nyo.....😁😁😁
THIRD PERSON'S POV
Panay ang paypay ni Jimmy sa mga nagbabagang kahoy upang manatili itong may sindi dahil nagsasaing sya ng kanin. Ang mga kasama nya naman ay kanya kanya ng pwesto sa kung saan. Si Emman, Leonard, Ivan, Jake, at Mark ay nakaupo malapit sa pwesto ng apoy at tahimik na pinagmamasdan ito. Si Thea at Shane na nagki-kwentuhan sa bungad ng tenth ni Thea. Si Mang Dado na nakaupo sa cooler nila sa gilid. Si Miquel na nasa tent nya nakahiga, at si Marjo, Ghine, Ericka, at Christine na nakaupo sa pinto ng tent nila at tahimik na nagmamasid.
"Anong magandang gawin?." Christine asked of nowhere. Nakatitig ito sa naglalagablab na apoy.
Alas-singko na ng hapon. Kanin nalang ang hinihintay nila upang makakain ng hapunan dahil kailangan pang bumalik ni Mang Dado sa bus dahil doon ito matutulog. Palagi naman itong doon natutulog pero sa ngayon ay may pagaalinlangan ang matandang iwan ang mga bata.
"Mag-star gazing kaya tayo...." suggestion ni Jimmy kaya agad bumalatay ang pagtutol sa mukha nina Ericka, Emman, Marjo, Mang Dado at Ghine. Sina Ericka, Emman, Mang Dado at Marjo ay tutol dahil sa di nila maintindihang dahilan habang si Ghine naman ay tutol dahil takot sya sa dilim. Nagdudulot ito ng matinding kilabot sa kanya. "Oo nga....." sang-ayon ni Shane sa sinabi ni Jimmy. "Bobo........wala nga kayong telescope....." ani Mark. "Oo nga!." ani Leonard na tumatango-tango pa. "Eh di mag-gala nalang tayo mamaya.........." masayang sabi ni Jimmy na agad sinang-ayunan ni Jake. "Nakakatakot naman yun......." ani Thea kaya nginiwian sya ni Shane. "Masaya kaya yun!!!!!." ani Shane kaya pasimpleng lumayo ng konti si Thea dahil masakit sa tenga ang boses ni Shane. "Oo nga.....sama-sama naman tayo....." pangungumbinsi pa ni Jimmy. "Baka mapano pa kayo, bukas na lang kayo ng umaga gumala...." pagsasalita ni Mang Dado sa maowtoridad na tono kaya napakamot sa noo si Jimmy at nakangusong ipinagpatuloy ang pag-papaypay. Si Jake naman ay napanguso rin dahil excited pa naman syang gumala sa gabi. Nag-tama naman ang paningin nina Emman at Ericka na parehong nakahinga ng maluwag,tumango si Emman at ngumiti naman si Ericka bago nagiwasan ng tingin. Napabuntong hininga naman si Marjo na naglilibot ang paningin sa paligid.
"Oh..........tirhan mo naman ako, sugapa ka namang timawa ka..." kunot noong singhal ni Jimmy kay Ivan. "Konti lang naman!." katwiran nito kaya nilagyan sya ni Jimmy sa plato ng isang hiwa ng maliit na karne. "Hype sa ang damot....." nakangusong anito pero sinamaan lang sya ni Jimmy ng tingin. "Pangatlo mo na yan eh!." singhal ni Jimmy. Nakanguso namang umalis ito at tumabing muli kay Mark. Nakapalibot sila ngayon sa pinaglutuan nila na ngayon ay bonfire na. Katam-taman lang ang layo nila sa apoy,sapat na upang maligamgam ang hanging dumadapo sa kanilang balat. Nasa harapan ni Jimmy ang kaldero at kawaling naglalaman ng pagkain kaya napupuna nya ang mga kumukuha. "Penge pa!." ani Shane na lumapit sa harap ni Jimmy kaya pinigilan nya ang paglapit nito gamit ang braso. "Oooops.........panglima mo na yan Shane!!." sita nito sa kaibigan kaya napanguso ang dalaga. "Grabe ka naman......pang-apat palang naman." katwiran nito kaya sinamaan sya nito ng tingin. " Hehh!....hampas lupa ka talaga kahit kelan!." inis na sabi ni Jimmy kaya natawa sila maliban kay Jimmy at Mang Dado.
"Tayo......." kamot ulong umalis si Shane at lumapit sa water jag para uminom. Nasa tabi ito ni Marjo na tahimik na kumakain. Yumuko at nagsalin si Shane sa kanyang baunan ng tubig kaya napatingin sya sa dalaga. "Tahimik mo naman ata Marjo......" puna nito habang hinihintay na mapuno ang lalagyan. Napatingin naman sa kanya ang dalaga bago tumango. Napakunot ang noo nya. Abala ang katabi ni Marjo na si Christine sa pakikipagkwentuhan kay Ghine at Ericka. Sa kabilang tabi naman ng jag ay si Ivan na kakwentuhan rin si Mark na nasa tabi nito. "Di ka man lang iimik?...." seryoso ang mukha pero sarkastikong tanong ni Shane habang pinipihit ang sara ng tubig. Tiningnan nya ito at walang emosyong mukha nito ang kanyang nakita. Umayos sya ng tayo pero nanatili sa pwesto nya para uminom. Ang mga mata nya ay nanatili sa dalaga na seryoso na ngayong nakatingin sa kanya habang sya'y lumalagok. "Masamid ka sana....." bigla syang nasamid dahil sa gulat sa biglaang pagsasalita ni Marjo. Umubo-ubo sya dahilan kung bakit naagaw nya ang atensyon ng mga kasama nito.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Misterio / SuspensoIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...
