A/N: Sorry po if may wrong typos...... Sana po maintindihan nyo.......😁😁😁
ERICKA'S P.O.V
Nabalot ng sigawan at paghihinagpis ang paligid. Ako naman ay nablangko ang utak at tulalang lumuluha habang nakatingin sa walang buhay na katawan ni Miquel. Bahagya itong nakatungo habang patuloy na tumutulo pababa ang dugo. Hindi ako makapaniwalang nagawang saksakin ng lalaking yun ang walang malay at walang kalaban-labang gaya ni Miquel. Tatlong beses syang sinaksak nito. Una sa leeg, sunod sa dibdib, at sa sikmura. Tumatawa pa ang demonyong lalaking yun habang ginagawa ang kahayupan nya. Nagawa pa nyang sahudin ang dugo nito sa timba at nilaplap nya rin ang kilay at labi nito na mas ikinapanlumo ko.
Hindi ko nga nagawang panoorin ang lahat ng iyon. Si Christine ay nasuka sa nangyari.
"Iluluto natin ito?...." lumuluha kong tiningnan ang babaeng kalbo at ang demonyong lalaki na nag-uusap. Nakaturo ang babae sa timbang itim na sinahudan ng dugo. Nakangiti pa ito na parang nananabik. Lalo lamang nag-alab ang galit ko. 'Paano nila nagagawang ngumiti pagkatapos ng nangyari?.'
"Feeling ko hindi magandang iluto yan.....mas maganda kaya kung buhay....." nakangising ani ng babaeng nagpanggap na camp operator nang lumapit ito sa dalawa. Nanlisik ang mga mata ko. "Mga hayop kayo!!!!." galit na galit na sabi ko. Nilingon naman ako ng tatlo. Pati ang mga kasama ko ay napatingin sa akin. "Ericka...." lumuluhang tawag sa akin ni Emman. Pero wala na akong pakialam. Napakahayop nila! Wala silang awa!
"Greg oh....galit ata sya...." nagsusumbong na ani ng babaeng kalbo. "Tsk! Iluto mo yan at di na yan makakasigaw...." ani ng babaeng nagpaggap na camp operator. "Mga bwisit kayo! Ano bang ginawa namin sa into at ginaganito nyo kami!?. Sino ba kayong mga hayop kayo!?." puno ng galit na sabi ko. "Ah-aww....." napatingin ako kay Marjo ng marinig ko ang mahinang pagdaing nito. Nakaangat na sya ng ulo pero nanatiling nakapikit ng mariin. Gulat namang napatayo ang lalaking kanina pa tahimik na nakatitig sa kanya. "Gising na sya!!! Gising na sya!!!" nagulat ako sa pag sigaw nito habang nagtatatalon na akala mo'y tuwang-tuwa. "Gising na sya! Gising na ang mahal ko!." tuwang-tuwang ani nito.
MARJO'S POINT OF VIEW
Nanatili akong nakapikit pero may naririnig akong ingay sa paligid. May mga pagsasalita na hindi ko maintindihan. 'Naapektuhan na ata ng kuryente ang utak ko'. Ramdam ko ang kirot sa bawat parte ng katawan ko. Pakiramdam ko'y nangingimi ito. "Gising na sya! Gising na ang mahal ko!." unti-unting luminaw ang aking pandinig. Naramdaman ko ring may humawak sa mukha ko.
"Marjo!!!!."
"Oh my gosh don't touch her!!!."
"Marjo!!! Hayop ka bitiwan mo sya!!!."
"Marjo!!! Tigilan mo sya!!!."
"Marjo open your eyes!!!."
"Wag mo syang sasaktan!!!!."
"Mahal ko gising......."
Unti-unti kong iminulat ang mata ko dahil sa mga naririnig ko. Feeling ko ay nagwawala na sila sa sobrang pag sigaw nila. Ilang beses akong pumikit-pikit dahil malabo ang paningin ko hanggang sa luminaw ito at mukha ng isang hayop ang nakita ko.
"Ahh!!!!!!!.... Layuan mo ako!!!!!." nagpumiglas ako upang bitawan nya ang mukha ko. Hindi ko maatim na ang lapit ng dangerous species na'to sakin. At what the pak to the highest pak!?.. Bakit Mahal sya ng Mahal!? Andito si Mahal!?..
"Marjo!." dinig kong sigaw ni Ericka pero di ko sya pinansin. Patuloy ako sa pagwawala. 'At lintek lang talaga.....hanep sa nakagapos pala ako.' "Mahal!!." errr!!!!! Ako ba ang tinatawag nyang mahal!?. Kung oo bwisit sya!!! Matapos nya akong kuryentehin gaganyan sya sa akin?. Hindi pa ako hibang para pumatol sa mga sinto-sintong gaya nya.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Misterio / SuspensoIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...