A/N: Sorry po if may wrong typos..... Sana po maintindihan nyo.....😁😁😁
ERICKA'S POINT OF VIEW
Dala ko ang dalawa kong bag at tent ko para sa camping. Nasa waiting area na kami sa labas ng building ng apartment ni Jake. Nagiintay kami sa service naming bus. Busy sa cellphone si Christine at Ghine habang ako ay wala ng ganang nakatingin sa kanila. Sina Leonard, Miquel, Ivan at Mark naman ay abala sa pagkain ng chichirya. Tsk......wala pa man sa camping eh gutom na. Si Emman naman ay tahimik lang habang nakaupo sa cooler na sya ang nagdadala. Si Jake ay nakaupo rin sa isa pang cooler habang kakwentuhan si Thea. At si Shane.......
"Wag mong pakialaman yan Shane,...sasapakin kita" banta ni Jimmy kay Shane na kinukutingting ang mga pang make up ni Jimmy. Sa tabi naman nito ay ang water jag na may mineral na aming inumin. "Ay katarayan mo bakla.....magka-camping tayo hindi magpapageant." Nakangiwing sabi ni Shane. Inirapan naman sya ni Jimmy.
Napatingin naman ako kay Marjo na ngayon ay nasa pinaka tabi malayo samin. Nasa mga taong dumadaan ang atensyon nya. Napakunot ang noo ko. Totoong tahimik sya pag wala sina July at Glyds. Sya yung tipong kadalasan ay nagsusungit....pero marunong makipagbiruan. Pag seryoso sya ay makakaramdam ka ng kaba. Kaya nga weird sya para sakin. At ngayon.....ang weird nanaman nya. Kanina lang eh nagbibiro sya tapos ngayon.......aakalain mong lonely sya.
Lalapitan ko na sana sya kasi baka iniisip na naman nya ang parents nya ng biglang nagvibrate ang ang phone ko na nasa bulsa. Mamaya-maya lang ay kokolektahin na ito samin kaya sinusulit na nila.
Nangunot ang noo ko ng makita kong tumatawag si Nicole. Ang anak ng bruha kong step mother. Dalawang taon lang ang tanda ko sa kanya.Dati ay magkaayos kaming dalawa,para ko na nga syang kapatid eh. But like what I've said...... all things can change. Isa na sya ngayon sa kinasusuklaman ko. Dahil nasa first place ang mommy nya.
Sinagot ko ang tawag nya dahil nagtataka ako kung bakit sya tumawag. "What?..." inis na tanong ko.
"Where are you ate?" malumanay na tanong nya.
Ate her face!
"None of you're business.... "inis na saad ko. Dining ko ang buntong hininga nya sa kabilang linya." Daddy's looking for you ate. He keep on calling you but you didn't answering.." anito na ikinainis ko. At mukhang nasisiyahan pa syang tawaging Daddy si Dad huh.
"Then tell him na kaya kong mag isa. Wag nya na akong hanapin..." sabi ko at saka sya binabaan ng tawag.
Sakto namang dumating na si Mang Dado. Ang driver ng bus na palagi naming service. Tumigil ito sa tapat namin kaya nagsipasok na kami.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Christine ng makaupo kami sa loob. Napansin nya atang hindi maganda ang mood ko. Pandalawahan lang ang upuan dito at palaging si Christine ang katabi ko. Tumango na lang ako at tumingin sa bintana. Ako kasi ang nasa tabi ng bintana. Sa pangalawang upuan sa kaliwa kami pumwesto. Sa kanan naman ay solo si Ghine na palaging nakikinig sa mp.3 sa tuwing bibiyahe. Ng makasakay na ang lahat ay nagsimula nang umandar ang bus. Tahimik lang kami ni Christine.
Malamang na alam nyang hindi ako ok. Kilala nya na ako mula pagkabata. At sya rin ang unang tumanggap sa akin ng nagbago ako.
Sya ang tumatayong kapatid sa akin noon pa man. Sya ang kasama ko palagi. Si Ghine naman ay kamakailan ko lang nakilala. Pero kasundo ko sya. Yung mga tarayan namin sa isat isa ay bonding rin namin. Nagsimula namang umandar ang bus.
Nang mahimasmasan na ako sa aming paguusap namin ni Nicole ay nilingon ko na si Christine. Kaya lang.......tulog na sya. Yakap nya ang bag nyang maroon na ginawa nyang unan. Nasa paahan naman namin ang iba pa naming gamit kaya tumayo ako para ilagay ito sa taas.Mabagal lang naman ang patakbo ni Mang Dado dahil may katandaan na rin sya.Pero di pa naman sya 60's.Inuna ko ang gamit ni Christine na ilagay sa taas bago yung sakin.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Misterio / SuspensoIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...
