CHAPTER 1: HER FRIENDS

17 9 3
                                    

A/N: Sorry po if may mga wrong typos......sana po ay maintindihan nyo........😁😁😁






ERICKA'S POINT OF VIEW

"Yow......Ericka!" nakangiting salubong sa akin ni Christine. My best friend..... Sya ang nagbukas ng pinto.

"Hey......." nakipag tapikan pa ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa apartment ni Jake. Sumunod naman sya at umakbay pa sa akin.

"Akala ko di ka na makakapunta" nakangusong sabi nya kaya natawa ako.

"Ako pa...nauna na nga gamit ko eh........" may yabang na sabi ko. Natawa nalang kami pareho. "Parang criminal lang ah..." tumatawang sabi nya na sinabayan ko. "Whoaaah.....Ericka!!!!!! "
Napangiwi pa ako ng madatnan ko si Emman na dala dala ang isang malaking nova at cobra. May laman ang bunganga nito pero nagawa pang sumigaw.

"H-hey....." nag-aalangang bati ko. "Hey ka rin! Uy guyz!nandito na si Erickang umpogera!!" mas
napangiwi ako ng isigaw nya yun.

Nagtawanan naman ang mga balahura kong kabarkada.

"Papansin talaga sya...." bulong ni Christine kaya natawa ako.

Iiling -iling kong iginala ang paningin ko sa mistulang binagyong apartment ni Jake. Kalat ang mga balat ng chichirya.....may mga lata ng canned drinks....at higit sa lahat......nangangalat ang mga yagit sa paligid. Sina Marlo, Miquel, Leonard, at Ivan ay nag gi-games sa sulok. Halata mo na yan dahil hawak nila pahaba ang mga cellphone nila at nanlalaki pa ang mga matang tutok rito, maliban sa singkit. Si Emman ay gala ng gala na kala mo'y yung kulang ng tatlong katok sa bayan na nanghihingi ng piso, dalawa lang. Si Jake naman ay busy sa paglilinis tapos kakalatan ulit ni Lezly at Shane. Si Marjo, Glyds at July naman at parang luka lukang tawa ng tawa sa tabi. Anong chismis kaya nakalap ng mga yan?. At sina Thea at Jayne na picture ng picture sa gilid. Mamaya nakapost na yan with caption. At may pahabol pa.....si Mark at Rhenz na nagbabatuhan ng chichirya. Parang yagit na kinder lang. Tsk...tsk..tsk.....

"Yeeiiiii nandito ka na!!!!" nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni Aiko.
Di ko agad sya napansin kanina. Ito naman kasing babaeng to......... parang kabute.....sumusulpot nalang sa kung saan saan.

May hawak hawak syang piatos. At bahagya pang ngumunguya. "Oh?....Aiko!...di agad kita napansin." natatawang sabi ko kaya sinimangutan nya ako.

Umalis sa pagkakaakbay sakin si Christine at nakapamewang na hinarap ako. Oh oh..parang alam ko na kung ano ang naalala nito.
"Uy.....di pa nga pala kita nakakausap ng maayos kanina...ano nga bang naisipan mo't iniuntog mo si Mae?" taas kilay na tanong nya.
"Oo nga... Nakakagulat yun ah.." dagdag pa ni Aiko na tumatango pa at sumubo ng piatos.

Napabuntong hininga nalang ako saka nag cross arm at tinaasan rin sila ng kilay. Kailangan ko pa talagang mag-explain ha...... Magsasalita na sana ako ng........."Ericka!!!!!! " napatingin ako kala Marjo ng tawagin nila ako.

Ngiting ngiti pa ang tatlong bruha sa akin. Hmmmmm........tsk tsk tsk.... Mukhang magaala-reporter na naman ang mga ito.

"Upo ka dito....." makahulugang ani Glyds na isenenyas pa ang bakanteng upuan sa harapan nya.

Tsh.....binalingan ko ng tingin si Christine. At taas kilay naman syang tinitigan ako. Binalingan ko rin si Aiko na naghihintay rin sa paliwanag ko..

DAWN SEEKERS (Completed)Where stories live. Discover now