THIRD PERSON'S POV
Dala ang kanilang gamit........magkakasamang naglalakad ang magkakaibigan sa masukal na gubat kasama si Mang Dado sa paanan ng bundok ng Malaya. Dala nina Emman at Leonard ang cooler na pinaglalagyan ng kanilang inumin.Si Miquel at Mark naman ay dala ang cooler na naglalaman ng mga pagkain nila. Si Ivan naman ay dala ang water jag. Si Jimmy naman at Jake ay ang nauuna dahil dala nila ang mapa. Dalawa lang ang ipinirint ni Jimmy kaya sa kanila sumunod ang lahat dahil sila ang may alam. Gumagawa ng ingay ang mga dahong kanilang naaapakan pati na ang maliit na sanga. Tanging maliliit na damo at nagtataasang puno lang ang kanilang nakikita sa paligid.
"Ang creepy naman....." bulong ni Ivan kay Thea na katabi nyang naglalakad. Tumango nalang ang dalaga saka napahigpit ang hawak sa strap ng bag nya dahil maski sya ay kinikilabutan sa lamig ng hangin. "Ano na?...." bored na sambit ni Christine. "Asan na yung Puerta ritong sinasabi nyo?.....malayo pa?." matamlay na anito. Masyado kasi syang tinatamad maglakad kahit na hindi naman ganon kainit dahit sa mapuno ang lugar. "Mamaya malapit na-----------ayun!." napangisi si Jimmy ng makita nya ang punong may nakalagay na PUERTA RITO. Nagsipagtinginan naman ang lahat sa itinuro ni Jimmy. Nakita naman nila ang puno kaya agad silang nag-unahan sa paglapit rito.Nakasulat ito sa isang tablang nakapako sa puno na may mga lumot na. Halatang matagal nang hindi napapalitan.
"Ito na yung entrance?.... Nakakadis-appointed naman......." disappointed na sabi ni Shane. Tumango naman si Ericka bilang pagsang-ayon. "Oo nga.....akala ko bongga ang entrance...." sabi pa nito. "Bongga naman ah!,kita nyo nat nasurprise pa tayo." nakangiwing ani Jimmy na na disappoint rin sa nakita. Iiling iling namang iginala ni Ericka ang kanyang paningin at napagtanto nyang walang kakaiba o pakulo man lang sa sinasabing entrance. Natural lang ang mga puno at walang harang......kaya anong silbi ng exit kung kahit saan naman ay pwedeng dumaan?.............
"Dito nalang tayo mag tayo ng camp." ani Emman ng makita ang medyo malaking espasyo na tamang tamang pagtayuan ng tenth nilang lahat. Medyo malayo kasi ang pagitan ng puno kaya nagbigay ito ng espasyo. "Oo nga at nakakangalay na baga........." ani Miquel na kanina pa nabibigatan sa dala nyang cooler. Ang dala kasi nina Emman ay kinuha na ni Mang Dado dahil alam nyang mabigat ito. Ngunit di nya naman kayang pagsabayin ang dala kaya yung isa lang kinuha nya. "Oo nga...." reklamo rin ni Mark na katulong ni Miquel sa cooler. "Edi dito.......dami sa ano.." napapairap na ani Jimmy. Kanya-kanya naman silang hanap ng pwestong pagtatayuan ng kanilang tent.
"Ako dito...." ani Shane ng mag unahan sila ni Thea ng pwesto. "Oo na!." napapairap na ani Thea. Ngingisi-ngisi namang nagtanggal ng gamit si Shane. "Ay magpabilog tayo......." suhestiyon ni Jake. "Oo nga......" sangayon ni Jimmy. Nagkibit balikat naman si Erickang naglalapag ng gamit nya sa lupa. "Bumuo tayo ng circle......" ani Shane. "Uy Shane inenglish mo lang yung bilog....." nakangiwing singhal ni Jimmy. Inirapan naman sya ni Shane ng pabiro. "May tenth ka Manong?." tanong ni Jake kay Mang Dado ng makita nya itong tahimik na nagmamasid sa paligid. Tiningnan naman sya ng matanda bago umiling. "Sa bus ako matutulog." sagot nito. Tumango naman si Jake. "Dito po kayo kumain Manong ah,ako pa naman po ang magluluto." sabi ni Christine habang nagtatayo ng tenth. Napangiti naman ang matanda bago tumango. "Babalik ako mamaya.......ipaparada ko lang yung sasakyan sa labas ng exit." paalam ng matanda. Dali-dali namang inabot ni Jake ang mapa sa matanda. "Baka po kayo maligaw......" ani Jake na tinanguan ng matanda. "Sa exit na ako dadaan para sigurado,mas mabuting sundin ang babala." anang matanda sa makahulugang tinig. Nabasa nya kasi iyon sa nakapaskil na board. Tumango naman ang magkakaibigan bago nito tahakin ang ibang direksyon upang hanapin ang exit dawn.
Abala ang lahat sa pagtatayo ng tenth ng mapansin ni Ivan si Theang nahihirapan sa pag tayo ng tent nito. Itinigil nya ang kanyang ginagawa at lumapit sa dalaga. "Ako na...." nagulat si Thea ng agawin sa kanya ni Ivan ang hawak nyang stand ng tent. Mahinang tinabig sya nito para hindi makaharang sa gagawin nya. Wala namang nagawa ang dalaga kundi ang panoorin ang binatang ayusin ang tent niya.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Mystery / ThrillerIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...