A/N: Sorry po if may wrong typos...... Sana po maintindihan nyo......😁😁😁
ERICKA'S POV
Biglang humigpit ang pagkakahawak nya sa braso ko kaya napasigaw ako sa sakit. "Ericka!!!!!!" dinig kong sigaw ng dalawa kaya buong pwersa kong tinulak ito. Na-out balance sya kaya nagkaroon ako ng pagkakataong tumakbo. Pero laking gulat ko ng hawakan nya ang paa ko at hilahin ako kaya padapa akong bumagsak sa lupa. "Ahhh!!!!." pilit ko syang sinisipa pero di sya bumibitaw. Humalakhak pa sya kaya nanindig ang balahibo ko. 'Sinasabi ko na nga ba't kaduda-duda ang babaeng to'
"Bitawan mo ako!!." nanggagalaiting sigaw ko pero umayos lang sya ng upo habang hawak pa rin ang paa ko. Walang tigil naman ang pag-sipa ko sa kanya. "Get off her!!." bigla nalang nabitawan ng babaeng nagpakilala sa aming camp operator ang paa ko. Napagulong ito palayo habang dumadaing sa sakit. Inalalayan naman akong tumayo ni Emman. "Ayos ka lang?." napatingin ako kay Emman na sinusuri ako at puno ng pag-aalala. Tumango lang ako bilang sagot saka nilingon si Marjo na hawak ang maliit nyang bat na sa tingin ko'y ginamit nyang pamukpok sa babaeng yun. "Tara na!." anito na tinanguan namin.
Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa inasta ko kanina. Mutik na akong mapahamak sa katangahan ko. "Saan tayo pupunta?." tanong ko ng tumakbo kami patungo sa ibang direksyon. Hawak-hawak ni Emman ang kamay ko kaya nagpapahila nalang ako sa kanya. "Hihingi tayo ng tulong....." ani Marjo kaya napatigil ako pati na si Emman. Tumigil rin si Marjo saka kunot noong tumingin sa akin. "Iiwan natin sila?.." di makapaniwalang sabi ko at bumuntong hininga naman sya. "Hihingi tayo ng tulong para mailigtas sila....." mahinahong aniya pero di yun dapat para mabawasan ang nabuhay na inis sa akin. "At saan naman tayo hihingi ng tulong?..... Sa bayan pa?.... Paano kung pagbalik natin eh huli na ang lahat?....." inis na sabi ko at binitawan naman ni Emman ang kamay ko. Nakikiusap ang mga mata nyang tumingin sa akin. "Ericka kailangan nating magmadali.......nauubusan na tayo ng oras.... Baka mas lalo lang mahuli ang lahat kung di pa tayo kikilos...." nakikiusap na anito. Napapikit ako sa inis.
"Pero di ko maatim na iwan sila....." naluluhang sabi ko. Naghahalo nanaman ang inis at pangamba kong may mangyaring masama sa kanila. Napabuntong hininga si Emman at saka hinawakan ang pisnge ko na labis kong ikinagulat. Di ako nakakilos sa kinatatayuan ko. "Sige ganito nalang......babalik ako doon para iligtas sila pero ipangako mong hihingi kayo ng tulong at iingatan mo ang sarili mo. Ayaw kong mapahamak ka.....at pangako......iingatan ko sina Christine at Ghine para sayo." gulat na gulat ako sa mga sinabi nya at sa ginagawa nya. Ngumiti sya sa akin pero nanatili akong nakatanga sa kanya habang nakawang ang bibig. Anong nangyayari sa kanya?
Binitawan nya ang mukha ko at humarap kay Marjo kaya na tauhan ako. "Mag-iingat kayo....." aniya na sinulyapan pa ako kaya napaiwas ako ng tingin. "Sige....pero dalhin mo to.....mag-iingat ka rin...." ani Marjo na tinanguan ni Emman. Kinuha nya ang inabot na mini bat ni Marjo bago ako muling sulyapan at ngitian sa huling pagkakataon bago tumalikod at tumakbo pabalik. Naiwan akong nakapako ang tingin sa kanya habang papalayo.
"Tara na......nauubusan na tayo ng oras....." natauhan ako ng marinig ko si Marjo. Flashlight na lang ang hawak nya ngayon at sakbat ang kanyang bag. Naalala kong nakakakuryente ang flashlight ko kaya agad kong kinuha ang dalawa sa bag ko at inabot sa kanya. Tinaasan nya naman ako ng kilay. "Ang sabi ko tara na, wala akong sinabing kailangan ko ng flashlight...." masungit na aniya kaya napabuntong hininga ako. "Pwede mo itong ipangkuryente kung sakaling may panganib...." sabi ko at kinuha nya naman ito. "Edi tara na....." aniya na agad ibinalik sa bag ang flashlight nya kaya yung flashlight ko ang hawak nya. Tumango nalang ako kaya nagsimula nanaman kaming tumakbo.
"Saan na ba tayo pupunta?." napatigil kami pareho sa pagtakbo habang naghahabol hininga. Kanina pa kami tumatakbo pero wala pa rin kaming pinupuntahan. "Kailangan nating hanapin ang dawn......" aniya na ikinakunot ng noo ko. "Anong dawn?...." takang tanong ko. Pareho kaming nakahawak sa tuhod namin at hinihingal na iginagala ang paningin sa paligid. " Exit Dawn..... " aniya at napatango ako. "Pero wala tayong mapa.....sina Jimmy ang may dala nun at........." nagkatinginan kaming dalawa ng maalala namin si Mang Dado. "Si Mang Dado!." sabay na sabi namin. "Pero siguradong nasa laba------" agad kaming natigilan at gulat na tumingin sa paligid ng makarinig kami ng kaluskos. Napaayos kami ng tayo at gulat na nagpalinga-linga sa paligid. Nakiramdam kami hanggang sa lumitaw ang isang lalaking sa tingin ko ay late 30's palang ang edad sa may gilid ni Marjo kaya napadasig kami palayo. Nakangiti ito habang nakatingin samin.
YOU ARE READING
DAWN SEEKERS (Completed)
Mystery / ThrillerIsang grupo ng kabataan ang naisipang mag camping upang mabawasan man lang ang stress nila sa kanilang buhay. Pero hindi nila inaasahang may mas nakakastress pa sa mga problema nila.......... At yun ay ang pagtakbo upang mailigtas ang sarili nila. A...