Babaeng kay ganda isinilang ng Babaeng Ina
Babaeng sa atin ay nagsilang
Paghihirap ay tiniis upang mundo ay ating masilayanBabaeng naging Ate at Ina sa kapatid at anak
Bantay at kasama sa lungkot at galak
Babaeng naging mabuting asawa sa kanyang kabiyakBabaeng malambot ang puso
sa pamilya
Babaeng ibinigay wagas na pag-ibig upang itoy maging masayaBabaeng may pangarap
Babaeng may pusong busilakNgunit bakit ang Babae ay nagagawang saktan
Inaagaw ang dangal
Buhay ay sinasayangBabaeng pinaluluha
Babaeng binabalewaBabaeng laging biktima ng mundong makasalanan
Babae na dapat sana ay protektahanBabaeng sa atin ay nagsilang
Ngunit buhay ay sinisira langBabaeng dapat ingatan
at igalang
Babaeng dapat ikarangal
Babaeng dapat ay minamahalBabaeng may pusong busilak
Babaeng kayang abutin lahat ng kanyang pangarapBabaeng may tapang
na ipaglaban ang karapatan
Babaeng may paninindigan
Babaeng may dangal
Babaeng wagas kung magmahalwritist_j ❤
YOU ARE READING
LovelyPoems
PoetryThe Poems That I Write - writist_j Highest Rank #14 in Poetry #4 in Tula #5 in Poem