Kaarawan

61 28 0
                                    

Maligayang araw ng pagsilang
Maligayang kaarawan

Araw ng unang pagmulat sa ating mundo.
Nakita si Tatay Nanay Ate Kuya at Bunso.
Nadinig ang awit ng pagmamahal sayo
Natanggap ang regalo na galing sa puso ng mga minamahal mo.

Bawat Kaarawan ay biyaya
Bawat Kaarawan ay mahalaga
Bawat Kaarawan ay panimula
Bawat Kaarawan ay ipagdiwang kasama ang pamilya.

Ipagdiwang ng may sigla at saya.
Ang kaarawan na regalo ng Diyos na sayo ay lumikha.

Maligayang araw ng pagsilang
Maligayang Kaarawan.

writist_j

LovelyPoems Where stories live. Discover now