Happy Independence Day 🇵🇭 #ProudtobePilipino
Akoy isang Pilipino
Magalang at may puso
May sipag at talino
Pilipino ang lahi ko.Akoy isang Pilipino
Masipag na mag-aaral
Sinisikap lagi tagumpay ay makamtam
Iniaalay ang tagumpay sa aking mga magulangAkoy isang Pilipino may mahusay na talento
Sa kahit anong larangan ay di patatalo
Kinikilala galing sa buong mundo
Pinagmamalaki ng lahing PilipinoAkoy isang Pilipino mabuti sa kapwa
Pagtulong ang laging isinasagawa
Pusoy puno ng pagmamahal kalinga at awa.
Sa Diyos ay laging ipinadarama pasasalamat at pagsambaAkoy isang Pilipino sa mananakop ay di padadaig
Ipagtatanggol lagi ang bansang iniibig
Handang ialay ang buhay sa bayan
Upang laging magtaglay ng KalayaanAkoy isang Pilipino Masipag Matapang,Matalino, May Talento
Pag-ibig ang laging nasa puso
Sa Buong mundo ay hinahangaan ako
Akoy Isang Pilipinowritist_j ❤
YOU ARE READING
LovelyPoems
PoetryThe Poems That I Write - writist_j Highest Rank #14 in Poetry #4 in Tula #5 in Poem