writist_j
HESUSAng mukha mong maamo
Ang kamay mong laging bukas palad.
Kapangyarihan mong kay lakas.
Puso mo kung umibig ay wagas.Sinakripisyo ang buhay para sa sanlibutan.
Upang ang tao ay maligtas sa kasalanan.
Upang magkaroon ng buhay na walang hanggan.Umagos ang dugo mula sa krus ng paghihirap
Ngunit tiniis upang pag-ibig sa mundo ay mapalaganap.Walang hihigit sa iyong kapangyarihan.
Walang katulad ang iyong pagmamahal.Ang salita mo ay para sa kabutihan
Ang yakap mo ay lagi kaming handang damayan.
Sa pagsubok ang iyong puso ng pagmamahal ang siyang sandigan.Ang iyong kamay ang dapat hawakan.
Ang iyong paa ang dapat na sundan.
Upang matahak landas ng kabutihan.
Hindi mo kami ililigaw.Pagkat ikaw ay Diyos Hesus.
Si Hesus na puso nyay tahanan ng kabutihan.
Si Hesus na daan sa katotohanan, kaluwalhatian ngayon at magpakailanman.
Si Hesus na dapat purihin, sambahin ang ngalan.
Si Hesus na sa sangkatuhan ay nagmamahal.Pagkat ikay si Hesus.
Ikaw ay Diyos.writist_j ❤
YOU ARE READING
LovelyPoems
PoetryThe Poems That I Write - writist_j Highest Rank #14 in Poetry #4 in Tula #5 in Poem