Ikaw ang pinagdasal
Ang aking hinintay ng kay tagal
Aalagaan ka at mamahalin
Hanggat may hininga giliwTanging ipadarama kaligayahan sa iyo
Itatangi ka ng aking puso
Ikaw lang ang mamahalin
Hanggang sa walang hanggan giliwMahal Kita, Mahal Kita
Walang hanggang sasabihin na Mahal Kita
Laging ipadarama pag-ibig na sayo lamang
Pag-ibig kong walang hanggan
Ikay aalagaan, Ikaw ay iingatan
Mahal Kita, Mahal Kita
Mahal Kita Aking SintaIkaw ang binigay ng Maykapal
Ang aking Pinakamamahal
Ikaw ay sasambahin
Hanggang tumitibok ang puso giliwTanging ngiti ipasisilay sa labi mo
Iingatan ka sa aking puso
Ikaw ay mamahalin
Nang walang katapusan giliwMahal Kita, Mahal Kita
Walang hanggang sasabihin na Mahal Kita
Laging ipadarama pag-ibig na sayo lamang
Pag-ibig kong walang hanggan
Ikay aalagaan, Ikaw ay iingatan
Mahal Kita, Mahal Kita
Mahal Kita Aking Sintawritist_j ❤
YOU ARE READING
LovelyPoems
PoetryThe Poems That I Write - writist_j Highest Rank #14 in Poetry #4 in Tula #5 in Poem