Malaya ka na Aking Mahal

92 18 3
                                    

Kailan naging mali ang pagmamahal
Bakit kailangang masaktan

Bakit hindi ka maaaring mahalin
Bakit hindi mo kailanman mapapansin

Pagpapalaya na lang ba ang magagawa
Upang maling pag-ibig ay maging tama

Ang maging masaya na lang na masaya ka sa piling ng iba

Pagpapalaya sa sarili upang matanggap ang itinadhana

Pero nais kong makapiling ka
Nais kong ibigin ka

Ngunit wala akong magagawa kundi sabihing Aking Mahal Malaya Ka Na

Malaya ka nang ibigin sya
Malaya ka nang alagaan sya
Malaya ka nang hagkan siya at yakapin

Baka sakaling akoy maging malaya na rin

Malaya sa pag-ibig na binigo ako
Sinaktan ang aking puso
Kahit lahat ay binigay sayo
Kahit mali na mahalin ka ay ipinagpatuloy ko

Kailan naging tama ang pagmamahal
Kapag ikaw ba ay nasaktan

Kapag ang iyong pinakamamahal ay pinalaya mo na
Kapag tanggap mo na ang itinadhana

Sugat ng pusoy maghilom man
Malaya na sa maling pagmamahal
Kailanman ay hindi malilimot ang nakaraan
Na ikay aking minahal ng lubusan

Ngunit Malaya na tayo aking Mahal
Tunay na saya na ang mararamdaman
Tunay na pag-ibig ay matatagpuan
Tadhana ko lang ay sadyang hindi ikaw

Malaya Ka Na Aking Mahal

writist_j

LovelyPoems Where stories live. Discover now