Pasko

59 11 8
                                    

Ang simoy ng hangin ay kay lamig
Sa Paskoy madarama ang pag-ibig

Ang Pasko ay kay saya kung kasama ang Pamilya at mga Mahal sa buhay na mahalaga

Sa paligid mga Parol at Christmas light ay nagliliwanag
Sa mga mata ay nagbibigay ng kislap
Sa puso ay nagbibigay galak

Ang mundo ay kay gandang pagmasdan
Sana laging Pasko araw-araw

Ang Pasko ay kaarawan ng ating Diyos na mahal
Ang umpisa ng misyon niyang iligtas ang Mundo sa kasalanan

Ang Pasko ay pagbibigayan ng regalo
Regalo ng pagmamahal na totoo

Mayaman ka man o mahirap o kahit sino
Basta pagmamahal ay nasa puso laging masaya ang Pasko

Sana laging ipagdiwang araw ng kanyang pagsilang
Alalahanin lagi pag-alay niya ng kanyang buhay sa sanlibutan

Ang Pasko ay para sa lahat
Ang Pasko ay pagmamahalan

Laging ipadama ang Pasko ng Pag-ibig
Ang Pag-ibig na tunay na magpapaligaya sa daigdig

writist_j

LovelyPoems Where stories live. Discover now