Ihalal Mo Ang Dapat

160 6 0
                                    

Bansa mo ay Mahalin
Ang Kapakanan ng bawat Mamamayan ay isipin

Nasa kamay mo ang Kapangyarihan
Pagpili sa Kinabukasan ng ating Bayan

Ihalal Mo Ang Dapat
Sa Tungkulin ay Tapat
Sa Bansa ay Hindi magpapahirap
Bawat Mamamayan ay Uunlad

Ihalal mo ang may Pagmamahal sa Maykapal at Bayan
Kapakanan ng Kapwa ay Isinaalang-alang

Ihalal mo ang sapat
Ihalal Mo Ang Dapat

Bansa mo ay Pahalagahan
Huwag sayangin ang iyong Karapatan
Na Piliin ang magbibigay sa Atin ng Magandang Kinabukasan

Kaya Ihalal Mo Ang Dapat
Pagtulong sa Mamamayan ang tanging hangad
Hindi Pansariling Kapakanan at Pag-angat

Ihalal mo ang may takot sa Maykapal
May paggalang sa Karapatan at Buhay ng bawat Mamamayan

Hindi paiiralin ang Kasakiman
Hindi paiiralin ang Kasamaan

Ang Bansa ay magiging Mapayapa
Ating Bansa ay magiging Dakila

Nasa iyo ang Kapangyarihan ang piliin ang Tamang Landas
Tungo sa Pag-unlad at Kapayapaan ng bansang Pilipinas

Ihalal mo ang Tapat
Ihalal mo ang Karapat-dapat

writist_j

LovelyPoems Where stories live. Discover now