Kahapon ay panaginip lamang

111 36 2
                                    

writist_j

Kahapon ay panaginip lamang
Paggising moy bagong umaga.
Tumayo at ilakad ang mga paa
Landas ng bagong umagay tatahakin na.

Luhang pumapatak punasan ng panyo.
Maduming damit palitan ng bago
Dugong dumaloy galing sa nasaktang puso
Pahiran ng pag-asang hindi na mabibigo.

Pagkat kahapon ay panaginip lamang.
Ang pagsubok na pinagdaanan ay nasa isip na lang
Panaginip lang na hindi na dapat balikan.
Mahalaga ay ang bagong araw na sisimulan

Kumuha ng libro basahin ang bawat pahina
Punuin ang isipan ng aral at kabutihan at itoy isagawa
Bawat pagkakamali ng kahapon ay itama
Punuin ang bagong araw ng saya, tagumpay at pag-asa

At ang bawat panaginip ay lagi ng kay ganda.

Pagsapit ng gabiy muling matutulog.
Araw na nagdaan ay panaginip na lamang muli sa iyo.
Ngunit sa bawat paggising may ngiting laging sisilay sa labi mo.

Sapagkat Tagumpay ay iyo nang laging taglay
Bawat araw saya sa puso ang laging mabubuhay.

writist_j ❤

LovelyPoems Where stories live. Discover now