Hanging Madilim

263 47 13
                                    


writist_j

My first Poem is about Covid 19 Pandemic. Pray lang po at Mag-ingat lagi.

Hanging Madilim tila ayaw kang pahingahin
Di mo man lang makita, bigla ka na lang aatikihin.
Kalabang madaya, walang awang nais kang patayin.

Kumakalat at lumalaganap
Lunas nais na mahanap.

Bakit pagsubok na ito ay naganap
Bakit paghihirap dinanas
Kelan ba ito magwawakas

Imulat ang mata at piliting makita ang madilim na hangin.
Sa ating Diyos ay manalangin.
Pagmamahal sa kapwa ay pairalin.
Salita ng Diyos ay palaganapin.
Ang pagsubok ay magwawakas din.

Hanging Madilim, madaya mapamuksa't walang awa
Kahit sino ay puwedeng makadama

Ngunit liwanag ang dadaig sa kadiliman
Pagmamahal sa sarili, Diyos, pamilya at kapwa magpakailanman.

Ang buhay ay laging pahalagahan

Pagsubok ay manghihina
Hanging Madilim ay magliliwanag na.

Makikita tunay na Ganda
Buhay na kay Ganda
Pagmamahal ang siyang pinakamahalaga.

writist_j 

LovelyPoems Where stories live. Discover now