Zeph's pov
'Did I do something wrong?'
Why is she smiling that I did something wrong? she smiled me but it was different, it's like there is something in that smile..... sadness.
Naguguluhan ako sobra.
There she is in the stage dancing like it is her freedom and happiness.
I'm sorry Zari but my heart belongs to Cindy.
Dapat hindi ako nag pakita ng motibo kung hindi ko kaya panindigan.
Kailangan ko tupadin ang arrange marriage.....
Vince's pov
Tapos na ang dance competition kaya nag uuli na ang mga iba't ibang estudyante sa mga booths.
Eto ako ngayon sa marriage booth nag iintay sa aking magiging bride dahil pinilit ako ni Zeph at Hanz na ikasal kami ni Sheena.
Natanaw ko na sina Cindy at Zari na hawak hawak si Sheena na mukang naguguluhan sa nangyayari kaya napangiti naman ako pero ng idako ko ang tingin kay Carrissa ay nawala ang aking munting ngiti.
Sinenyasan niya ako na sundan siya kaya ganon ang ginawa ko.
Nang makarating kami sa wala masiyadong tao ay hinarap niya ako.
"Alam kong gusto mo maibalik ang ala ala ni Sheena at alam mo din na pede niya itong ikapahamak at muntikan kana non, alam mo bang delikado ang ginagawa mo ngayon? alam mo naman diba ang nakaraan niyo na muntik na kayong mag pakasal? at don nagsimula ang trahedya ni Sheena diba? tapos gusto mong maalala niya ito ngayon? alam mo ang possibleng maging reaction ni Sheena kapag na alala niya ang lahat..... Delikado.... " sabi ni Carrissa at umalis sa harapan ko.
Alam ko lahat ang tinutukoy niya pero nakikita ko lang si Sheena na nahihirapan maalala ang nakaraan niya ay nasasaktan na ako pede kong sabihin sa kaniya na ako ang mahal niya dati pero alam ko ang magiging buwis kapag nangyari iyon.
Mahirap din para sa akin ang lahat ng ito... mahirap......
Bumalik na ako sa booth na iyon at bumalik sa pwesto ko.
"Papunta na daw siya dito!" sabi ni Zeph.
Nag intay kami ng ilang minuto dito hanggang sa makita ko sina Sheena na naglalakad papunta dito.
Hindi ko maiwasan maalala ang nakaraan namin na masaya at puno ng pagmamahalan pero ako din ang may kasalanan kung bakit nawala ang mga iyon.
Naka suot siya ng dress na puti at may belo na nakasabit sa ulo niya at may design iyon na bulaklak.
Nakikita ko parin sa muka niya ang pag aalinlangan na pumunta sa harap ko pero ginawa niya parin.
Inalok ko sa kaniya ang aking kamay at kahit papano ay napangiti ako ng tanggapin niya iyon.
Sabay kaming humarap sa kumag na si Zeph na siya daw ang father sa kasal namin.
Hindi ko pinakinggan ang sinasabi niya dahil naka titig lang ako kay Sheena.
At na pabalik na lamang ako sa katinuan ng kuhitin ako ni Zeph.
"Vince Kyle Martinez tatanggapin mo ba si Sheena Avea Herrera bilang iyong kabiyak ngayong araw na ito at samahan mo siya sa lahat ng gagawin niya ngayong buong araw upang maging mabisa ang kasal niyo at para maipakita ang inyong pagmamahalan bilang mag asawa sa buong araw na ito?" tanong sa akin ni Zeph.
"I do..." sabi ko habang nakatingin ako kay Sheena na ngayon ay nakatingin din sa akin.
'I do Sheena, matagal na matagal akong naghintay para sa iyo, sana balang araw ay matupad natin itong kasal natin sa totoong simbahan at sana ay mapatawad mo ko balang araw, mahal na mahal kita....'
"Sheena Avea Herrera tatanggapin mo ba si Vince Kyle Martinez bilang kabiyak ngayong araw na ito at samahan mo siya sa lahat ng gagawin niya ngayong buong araw upang maging mabisa ang kasal niya at para maipakita ang inyong pagmamahalan bilang mag asawa sa buong araw na ito?" tanong ni Zeph kay Sheena.
"I do" sabi ni Sheena.
"Yown! inaanounce ko sa inyong lahat na si Vince at Sheena ay mag asawa ngayong araw na ito! you may kiss na bride!" masigalang sabi ni Zeph.
Naghiyawan naman ang mga tarantando.
Kinakabahan kong tinanggal ang belo niya sa ulo niya at dahan dahan ko ding hinalikan ang kaniyang noo.
"Wohooooo ayos pare!!!" sabi ni Zeph.
Nag ka titigan kami ni Sheena at sumilay sa akin ang ngiti.
"Tara kain tayo?" tanong ko sa kaniya.
"Enjoy kayo!" sabi ni Cindy.
Umalis na kami ni Sheena habang hawak hawak ko ang kamay niya at ayaw ko siyang pakawalan.
"G-gusto ko ng c-cotton c-candy..." sabi ni Sheena sa akin kaya hinila ko siya papunta sa cotton candy booth.
"Bigyan mo kaming tig isang cotton candy" sabi ko don sa nagbebenta.
Nang bigyan niya kami ng cotton candy ay hinarap ko siya at inabot sa kaniya isang cotton candy saka ako nagbayad at umalis na kami ni Sheena para mag uli pa.
A/N: vote naman kayo! and follow malapit na matapos ang book na ito!☹️❤️
YOU ARE READING
Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED
General Fictiona mysterious hidden work at Harvard University that will lead to freedom of both sides