Sheena's pov
Kakagising ko lang at nakita kong tulog pa yung dalawa.
Bumangon ako at inayos ang kumot nila.
Pumasok ako sa cr at naghilamos at nag toothbrush.
Nang matapos ako ay tumangin ako sa bintana at makikita mo yung gandang tanawin ng magandang dagat at maaliwalas na hangin.
'Nasan na ba kayo? sana ay mag pakita na kayo ng hindi kami nasasaktan at nag aalala para sa inyo'
Napabuntong hininga na lamang ako at tiningnan ang dalawa.
Kinuha ko den ang aking cellphone at tiningnan ang oras.
7 am palang
Napag isipan kong bumaba papunta sa kusina.
Bababa na sana ako ng narinig ko ang boses nina Hanz.
'Ano ang pinag uusapan nila?'
Lumapit ako sa pintuan sa may dulo.
Inilapit ko ang aking tainga sa pinto at nakinig.
"Bakit hindi mo agad sinabi ang tungkol dito Hanz?!" pa sigaw ni Zyde.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, litong lito ako..." sabi naman ni Hanz.
"Kahit pa Hanz, mali ang ginawa mo kung sinabi mo lang sana ng maaga sa amin ay wala tayong problema" sabi naman ni Yuan.
"Mahahanap natin sila agad kung sinabi mo yan ng maaga, hindi namin alam na nagtetext pala siya sa iyo" sabi naman ni Vince.
"Kaya pala ganyan ka kumilos nung isang araw" sabi naman ni Zeph.
'Tungkol saan ang pinag uusapan nila? anong nangyari kay Hanz nung isang araw?'
Pumasok sa isip ko ang inasta ni Hanz nung isang araw at may kakaiba nga, napapansin ko yon at nalalaman kong may tinatago siya o may tinatago sila sa amin.
'Sina Althea at Cindy ba ang pinag uusapan nila?'
"Hindi ito pede malaman ng Gunner" sabi ni Yuan.
Walang alinlangang binuksan ko ang pinto at masama ang tingin ko sa kanilang lahat.
Gulat, Kaba at Galit ang nakikita kong nararamdaman nila.
"Kelan pa?" mahinahon at nagtitimpi kong tanong.
Walang sumagot.
"Kelan pa..!" pikon kong sabi.
"Sheena...." sabi ni Vince.
"Kelan pa!!!" malakas kong sigaw sa kanila pero batid kong hindi ito rinig ng mga kasambahay at sa kabilang kwarto.
"Hindi ko alam na matagal ninyo na palang tinatago ang tungkol sa magkapatid na iyon" sabi ko.
"Ang akala ko ay magkakampe tayo sa paghahanap kay na Althea pero hindi lang kayo ang pede umalam ng tungkol jan kaibigan at ka grupo niya kami!" tuloy na sigaw ko sa kanila.
Biglang sumakit ang ulo ko sa di malaman na dahilan.
Matutumba na sana ako ng masalo ako ni Vince.
Lumalabo ang paningin ko at mas sumasakit ang ulo ko.
Masakit pero hindi ako pede mag tagal sa kwartong ito.
Umayos din ako ng tayo kahit pa ay nahihilo ako.
"H-hindi pa tayo t-tapos sasabihin niyo lahat ang nalalaman niyo tungkol sa magkapatid at k-kapag hindi sapat ang dahilan niyo sa amin ay kami na mismo ang hahanap sa kanila...." sabi ko at lumabas na ng kwartong iyon.
Naghalo halo ang kaba ko dahil nagawa ko yun sabihin sa kanila.
Bumalik na ako sa kwarto namin at nakita ko ang dalawa na gising na pala.
"Ayos ka lang? bat maputla ka? san ka galing?" sunod sunod na tanong ni Carrissa at nakatingin lamang sa akin si Zari.
"Ayos lang ako naggala lang ako sa labas, tara na kakain na daw" sabi ko at lumabas na.
Narinig ko pa ang buntong hininga ng dalawa at sumunod na din sa akin.
Bumaba kami at umupo sa lamesa.
Merong ham, egg, hatdog at bacon and fried rice sa hapag.
Sinimulan kong kumain ng matino at ni isa ay walang naimik sa amin.
Nag angat ako ng tingin sa lahat at nakita ko ang pag aalala ng dalawa samantalang ang Kingstern ay nakatitig sa akin na para bang inaalam ang buong pagkatao ko.
Namataan ko din si Zyde na nakatingin sa akin at dali dali akong nag iwas ng tingin.
'Wala ba silang balak sabihin ang nangyari kanina?'
'Hindi ko din malaman kung ano ang nalalaman nila sa magkapatid na iyon'
'Alam na ba nila kung nasaan ang magkapatid?'
'Ligtas ba sila?'
'Pagkakatiwalaan ko ba ang Kingstern?'
Puno ng tanong ang aking isipan at nang matapos ako kumain ay nag paalam akong lalabas.
Papunta ako sa harapan papalapit sa mahinahong alon ng dagat at huni ng mga ibon.
Hindi naman masyadong mainit kaya lumapit ako sa dagat at tinanggal ang tsinelas at binasa ang aking paa gamit ang alon ng dagat.
Ang sarap sa pakiramdam habang naglalakad lakad.
Nang uminit na masyado ay pumunta ako sa likod ng mansion kung saan makikita ang garden na pinuntahan namin ni Vince.
Bigla nanaman sumakit ang ulo ko ng masabi ko ang pangalang 'Vince'.
Umupo ako sa duyan.
'Kaano ano ko ba siya? hindi ko malilimutan kung ano ang pinag usapan namin noong dalhin niya ako dito'
'Nagtataka ako kasi kapag inaalala ko ang muka niya ay kung ano ano ang pumapasok sa isip ko'
'Hindi ko matandaan kung anong nangyari sa akin noon ngunit alam akong nagka amnesia ako noon'
'Hanggang ngayon ay pinipilit kong tandaan ang nakaraan ngunit wala talaga, maliban sa isang pangyayari..."
'Ang taong paulit ulit na nag papakita sa isip ko, hindi ko maaninag ang muka niya dahil lalong sumasakit ang ulo ko'
'Sina sayaw niya ako sa gitna ng isang malaking bahay at nakatingin lahat ang bisita sa akin na akala ay artista ang sumasayaw'
'Napaka saya namin ng ka sayaw ko habang sumasayaw sa isang napaka gandang musika'
'Ngunit bigla nalang niya ako iniwan noon at ang alam ko ay naaksidente ako matapos mangyari ang pagsayaw'
Hindi ko alam na nakatulog pala ako sa duyan na ito.
YOU ARE READING
Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED
Narrativa generalea mysterious hidden work at Harvard University that will lead to freedom of both sides