Chapter 48

198 19 1
                                    

Vince pov

Bumalik dito si Zyde ng kasama si Zeph na walang tigil sa kakaiyak kaya lumapit ako sa kaniya.

"Walang iyakan Zeph kaya mo yan, masusulusyonan natin yan" sabi ko habang tinatapik tapik ko ang kaniyang balikat.

Tumawag sa amin si Sheena at ibinalita ang pag alis ni Zari sa University at ang pag alis niya sa grupo nila kaya ganon nalang ang gulat namin dahil hindi namin inaasahan na aabot sa ganito ang pangyayari.

Kaya umalis kaagad si Zyde para hanapin si Zeph.

"Patawarin niyo ako kasalanan ko ang lahat sana nakinig ako sa inyo" sabi sa amin ni Zeph habang umiiyak parin.

Bigla namang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan.

"Hindi ko alam na uulan pala ngayon" sabi sa amin ni Yuan.

"Si Zari kailangan ko siyang hanapin baka wala siyang dalang payong" sabi ni Zeph at aakmang lalabas ng pinto pero pinigilan siya ni Zyde.

"Malakas si Zari alam kong nakahanap na yun ng matutuluyan saka tayo mag hahanap sa kaniya kapag tumila na ang ulan baka mag kasakit tayo" sabi sa ni Zyde.

"Mag pahinga ka muna" sabi ni Hanz kaya pumasok na si Zeph sa kwarto at naiwan kaming apat dito.

"Saan natin mahahanap si Zari?" tanong ko sa kanila.

"Tinawagan ko si Althea kanina dala daw ni Zari ang lahat ng gamit niya at wala silang alam kung saan siya pumunta" sabi ni Zyde.

"Delikado si Zari alam natin na pakalat kalat ang mga kalaban" sabi ni Yuan.

"Kailangan natin mahanap si Zari sa lalong madaling panahon para maiwasan natin ang problema" sabi ni Hanz.

"Mag pahinga na din kayo bukas na bukas din ay sisimulan natin ang paghahanap sa kaniya" sabi ni Zyde kaya nagsi pasok na kami sa kwarto namin at nagpa hinga.

~Kinabukasan~

Maaga kaming nagising, kumain at naligo para umpisahan ang paghahanap kay Zari.

Pero ngayon ay nandito kami sa Principal's Office para magpaalam na aalis kami ng University.

"Isa sa mga napaka husay na bata ay umalis na hindi ako makapaniwala" sabi ng Principal ng sabihin ni Althea na umalis si Zari ng grupo.

"Sige hahayaan kong hanapin niyo si Zari dahil nag aalala din ako sa kalagayan niya dahil marami tayong kalaban baka mapahamak siya, pero lumabas muna kayong lahat at maiwan ka muna Althea dahil may kailangan akong sabihin sa iyo" sa ng Principal kaya wala kaming magawa kundi lumabas ng opesina.

Nakatayo lamang kami dito sa corridor habang naghihintay at bumukas na ang pinto at lumabas si Althea na ang nakikita lamang sa mga mata ay galit.

"Anong sabi ng Principal?" tanong ni Zyde pero hindi manlang siya sinagot ni Althea at walang paalam na umalis sa harapan namin kaya sumunod kami sa kanya.

"Hoy anong problema?" tanong ni Carrissa kay Althea pero hindi parin si Althea sumagot at imbis ay tumigil siya sa pag lalakad at huminga ng malalim bago bumuntong hininga.

"Pasensya na pero hindi kayo pwedeng sumama sa amin may kailangan kaming puntahan" sabi ni Althea sa amin.

"Ano? bakit?" tanong ni Zeph.

"Hindi ko pwede sabihin pero hintayin niyo kami bukas ng gabi sa gate sa labas ng University at maghanda kayo ng mga armas para sa ating lahat" sabi muli sa amin ni Althea.

"Para saan? sabihin mo nga sa amin anong problema?" tanong ko.

"Malaking problema.... kaya inaasahan kong maghanda kayo at mag intay bukas ng gabi sa lugar na sinasabi ko, Hanz alam mo naman diba kung anong mga armas kami magaling? inaasahan kong maayos at kompleto ang mga armas" sabi ni Althea.

"Makaka asa ka Althea" sabi naman ni Hanz.

"Kung ganon ay kailangan na naming umalis tara na" sabi ni Althea kaya nagsi sunudan sa kanila ang tatlo.

"Mag ingat kayo" sabi ko.

"Sa tingin mo ano ang nangyayari?" tanong ni Yuan.

"Hindi ko alam pero inaasahan tayo ni Althea na gawin ang sinasabi niya kaya tara na at mag handa" sabi ni Zyde kaya sumunod kami sa kaniya pabalik sa apartment namin.

Naandito kami sa apartment namin sa  loob ng isang kwarto na puno ng mga armas.

"Sabi ng Principal ay cancel na ang huling araw ng College Intrams kaya free day ngayon ang mga estudyante" sabi ni Hanz.

"Ok na din yon para wala tayo masyadong asikasuhin" sabi ni Zeph.

"Kulang pa ito mukang malaking sabakan ang kailangan nating gawin eh uuwi tayo sa bahay" sabi ni Zyde kaya nagsi tinginan kami sa isa't isa dahil walang ibang bumabalot sa amin kundi ang excitement.

"Yon naman! tara na!" sabi ko at sabay kuha ng jacket ko at kumuha din sila ng jacket nila at pinasa naman ni Zyde ang susi sa akin.

"Ako ang magda drive?!" sigaw ko sa kanila.

"Sige kung ayaw mo wag ka sumama" sabi ni Hanz.

"Aaaa kala ko mag rerelax ako sa biyahe! tara na nga!" sigaw ko muli sa kanila at nagtawanan naman sila.

"Ayaw mo non magkaka bagong kotse ka, first time mo ngayon idadrive ang kotse mo" sabi ni Yuan kaya na patingin ako sa kanila habang nanglalaki ang mata ko.

"Talaga?! akin yung kotseng idadrive ko?!" sigaw ko muli sa kanila.

"Oo nga!" sigaw naman ni Zeph.

"Yon salamat! ano na?! tara na!" masigla kong sabi kaya nagtawanan ulit sila.

'Yes! naka buraot nanaman ako ng bagong kotse hanep! angas ko talaga shet'

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now