Chapter 20

291 22 0
                                    

Cindy's pov

Naiihi ako kaya nag paalam muna ako kay Ate para may cr.

Nang matapos ako ay naghugas ako muli ng aking kamay at lumabas na.

Napa hinto ako ng makita ko na hawak ni Ate Althea ang aking cellphone at may kausap siya.

Tatawagin ko na sana siya para tanungin kung sino iyon pero nagulat ako ng mag salita siya na galit at may halong pagka sarcastico.

'Kausap niya si Kuya Zyde, bakit siya tumawag sa akin? alam na ba nila na nag uusap kami ni Hanz? h-hindi pwede....'

Nang ibaba niya ang cellphone ko ay humarap kaagad siya sakin ngunit hindi na siya na gulat pa.

Galit at lungkot ang makikita sa muka ni ate.

Pilit kong kumakalma ngunit sadyang malaki ang aking kabang nararamdaman.

Gusto kong maiyak at mag makaawa na pakinggan ang aking rason kung bakit ko yon ginagawa.

Matagal ko nang alam na pamilya ni kuya Zyde ang pumatay sa mga magulang ko pero hindi ko pa rin lubusang matanggap kung bakit iyon nangyari.

Nasasaktan ako sa tuwing maalala ko ang nakaraan.

Pilit naming tumatakbo sa problema ngunit sadyang minamalas kami.

Hindi ko inakala na ganon ang tindi ng galit niya sa nangyari at yon ang unang away namin.

Gusto ko mag sorry ngunit natatakot ako na lalong magalit siya sa akin.

Hindi ko gusto ang nangyayari sa amin.

Hindi namin ginusto ang nangyari, hindi namin matanggap.

Nakita ko si Ate na pababa na kaya dali dali akong tumayo.

Hindi niya ako pinansin.

'Ganon ba ang galit mo sakin para gantuhin mo ko?'

Na excited ako dahil makakasakay na ulit kami sa kotse ni Daddy.

Walang umiimik sa amin.

Ang awkward kaya tumingin na lamang ako sa bintana.

Hindi naman ganon kalayo ang pupuntahan namin kaya nakarating din kami agad.

Nagtataka ako dahil parang alam na alam ni Ate ang lugar na ito ngunit wala ako matandaan kung bakit kami na dito.

Sa may dulong parte ay may isang pinto.

Nang binuksan yon nang secretary ay unang pumasok si Ate.

Ganon nalang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang nasa harapan namin.

'Attorney ito ni Daddy o sabihin nalang natin na siya ang Attorney ng pamilya namin'

Ang tanda niya na, kulubot na ang katawan at muka, pumayat siya lalo at ang kanyang munting salamin.

Nabalik ako sa katinuan ko ng sikuhin ako ni Ate.

"Ano ba? kinakausap ka ni Attorney..." bulong ni Ate.

Dali dali kong nilingon si Attorney na naka ngiti sa akin.

"Ang laki laki mo na, nung huling kita natin ay ang liit liit mo hahahahaha" sabi ni Attorney.

"Long time no see Attorney musta na po?" tanong ko.

"Maayos iha tumatanda na, natatandaan mo pa ba si Caleb? yung kalaro mo non hahahaha ang laki na non napaka gwapo mana sa akin hahahahaha" sabi ni Attorney.

"Ah opo kamusta na po siya matagal na po ako walang balita don ah" sabi ko.

"Ayon nasa ibang bansa babalik pa yon ay sa next month, matutuwa yon kapag sinabi kong nagkita tayo" sabi ni Attorney.

Kababata ko si Caleb mas matanda siya sa akin ng isang taon, lumipat sila sa ibang bansa kaya nagkahiwalay kami at wala nang balita sa isa't isa.

"Attorney kaya po kami pumunta dito ay para ibenta ang bahay namin" sabi ni Ate at natigilan ako.

"Sigurado kaba jan? alam mo naman diba ang sinabi sayo ang iyong ama diba?" sabi ni Attorney.

Mukang malalim ang pag uusapan nila kaya nakinig na lamang ako.

"Opo masyado pong malayo ito eh kaya kailangan namin po ibenta para maka bili po kami ng panibago" sabi muli ni Ate Althea.

"Sige tatawagan ko na lang muli kayo kapag naasikaso ko na ang mga papeles" sabi ni Attorney.

"At may balita po ba kayo kay David yung tauhan po ng pamilya ng mga Cruz?" tanong ni Ate.

Natakot ako ng marinig ko ang mga pangalan at apelyido na iyon.

"Matagal na akong walang makuhang impormasyon sa mga iyon talagang magaling sila mag tago ng kanilang mga sarili" sabi ni Attorney.

"Dinukot kaming dalawa ni David at hinihingi ang tinatago naming bagay Attorney, tumakas kami sa kanila pero alam kong hinahanap kami nila" sabi ni Ate.

"Hindi talaga titigil ang pamilyang iyon walang kadala dala, sige aasikasuhin ko ang tungkol jan" sabi ni Attorney.

"May pupuntahan pa po kami Attorney tawagan niyo nalang po kami kapag may balita na, salamat po" sabi ni Attorney.

"Oh siya sige mag iingat kayo" sabi ni Attorney at nginitian na lang namin siya.

Sumakay na kami sa kotse at pupunta ata kami sa bayan para mag grocery.

Nang makarating kami ay ako na ang kumuha ng cart para mag tulak.

Nilagay ni ate ang iba't ibang klase ng mga gulay at prutas ako naman ay sa mga frozen foods at mga de lata.

Si Ate naman ay sa manok at isda.

Bumili pa den kami ng mga gamit sa bahay at ang last ay mga snacks.

Gummies, Candies, Chips and Softdrinks ang binili ko si Ate naman ay sa Chocolates.

Nag punta na kami sa cashier at si Ate ang nag bayad.

Naka uwi na din kami sa bahay at pagkatapos kumain ay sarisarili ng pahinga kaya natulog na ako.

💗

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now