Cindy's pov
Nagulat ako ng sobra ng makita ko si ate na nakatali.
Hindi ako makaimik.
Masakit habang binubugbog ako sa harapan ni ate nakita ko ang sobrang pag aalala.
Mas masakit dahil puro pasa at dugo na ang katawan ko.
Sinasaktan din nila si ate.
Si David lang ang taong kinamumuhian ko dahil isa siyang mamamatay tao.
Nahimatay ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit ng buong katawan ko.
May gumigising sa akin.
Unti unti ko minulat ang mga mata ko at nakita ko si ate na nag aalala.
Sinabi niyang tatakas kami natatakot man ako ngunit mas nangibabaw ang pagkasigurado na aalis talaga kami.
Kami lang dalawa ang tao sa kwarto na ito at tanging munting sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa kwarto na ito.
Hindi man ako makatayo ng ayos pero kaya ko pa naman kahit papano.
Una akong lumabas sa may bintana.
May hagdan sa gilid ng building na ito dahil pang emergency ata.
Nakatapak ako don sa hagdan.
Tiningnan ko si Ate na nahihirapan sa pagbaba dahil walang nag aalalay sa kaniya.
Nang makababa kami pareho ay nagtanong ako kung saan kami pupunta.
"Ate saan tayo pupunta ngayon?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi ko alam ngunit sisiguraduhin kong magiging ligtas ka at walang sino man ang makakahanap sa atin" madiing sabi niya.
Natatakot ako para sa amin dahil sugatan na nga kami ay delikado parin ang mga daan kapag gabi.
Hawak ni ate ang aking kamay habang naglalakad kami.
Sumakay kami ng tricycle at hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Unti unti kong napagtanto kung saan kami pupunta.
"A-ate..." paiyak kong sabi.
Bumaba kami sa malaking gate na ito.
Sobrang tagal na ng panahon ng huli kong makita ito.
Nasa harapan kami ng malaking gate at nakatunganga lamang ng pindutin ni ate ang doorbell.
Nakikita ko ang ilaw sa malaking mansion na ito at nakita ko ang isang matandang babae na naglalakad palapit sa gate.
"M-madam...." sabi nung ale sa amin bakas sa muka niya ang pagka gulat.
"Sus maryosep ma'am! kayo nga yaan! halika at pumasok po muna kayo, anong nangyare sa inyo?!" gulat paring tanong ng matanda.
Pumasok kami sa mansion at pinaupo kami sa sala.
"Marcelita! kumuha ka ng first aid kit!" sigaw nung ale.
Dali dali lumapit sa amin ang babae.
"S-salamat manang" sabi ni Ate Althea.
"Nako naman ano ba ang nangyari sa inyo? bat ang dami niyong sugat?!" galit na sabi sa amin ni ale habang ginagamot ang sugat namin.
"Si D-david po manang...." malungkot at galit na sabi ni Ate.
Gulat ang matanda ngunit hindi na nagsalita.
"Kumain muna kayo may nakahandang pagkain jan" sabi ni Manang.
Kumain kami at walang nagsasalita sa amin.
Pina akyat na ako ni Ate sa kwarto ko dahil kailangan ko na daw mag pahinga at mag uusap daw kami bukas.
Naligo ako at tiningnan ko ang aking closet nagbihis ako at laking pasalamat ko may malaki akong damit na kasya pa sa akin.
Nahiga ako sa kama ko at hindi makatulog ngunit napa isip ako.
Hindi ko parin makalimutan kung ano ang nangyari sa amin dati.
Nasira ang pamilya ko dahil sa David na yan kundi sulsulan kami ng pera.
Bumagsak ang kompanya namin at wala kaming magawa doon.
Nasa kwarto ako non nung sumugod sina David at nakarinig ako ng madaming putok ng baril.
Pumasok si Ate sa kwarto ko at nag impake ng ilang gamit.
Aalis na sana kami daan sa bintana ng maalala ko ang mahigpit na bilin sa amin ng magulang namin.
"Ate yung diamond" sabi ko noon.
Naalala ni ate yon at kinuha niya ang pinaka mahalaga na diamond sa pamilya namin.
Hindi ko alam kung anong meron don ngunit mahalaga daw iyon ng sobra.
Nang makuha ni Ate ang Diamond ay umalis na kami sa mansion na ito at nagbagong buhay.
At ngayon lang ako muling naka balik matapos ang 3 taon.
Ito ang Mansion kung saan namatay ang mga magulang namin.
At hinding hindi ko yon makakalimutan.
Madami kaming pinag daanan ni ate simula ng umalis kami sa mansion na ito at nag bagong buhay.
Nakaranas kami ng pag tratrabaho para makapag aral.
Hindi ko pagsisisihan kung bakit kami pumasok sa Harvard University dahil doon ay nagbago kami at naging malakas.
YOU ARE READING
Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED
General Fictiona mysterious hidden work at Harvard University that will lead to freedom of both sides