Zari's pov
Nandito ako sa mansion nagpaiwan dahil wala ako sa mood maggala pati kasama ko naman si Azy kaya may kalaro ako.
Wala ang mga lalaki dahil nasa meeting room ata nila, gusto ko makinig kaso bawal daw hmp.
Inakyat ko nalang si Azy sa kwarto namin dahil ang boring na sa baba.
Nang makapasok kami ni Azy ay inilapag ko siya sa kama at umupo naman ako sa tabi niya.
Nilalaro laro ko yung kamay niya kasi ang cute ang liit.
"Hi Azy baby! tayo lang dalawa ngayon tinakas muna kita sa amo mo para masolo kita gusto mo ba yon Azy?" masayang sabi ko sa kaniya.
"Alam mo ba may dalawa kapa babae na hindi pa nakikita kasi wala sila eh hindi pa sila na balik" napabuntong hininga ako.
"Si Althea mahilig yon sa pusa, sobra hindi ko nga alam na yung isang mataray na yon magugustuhan at magiging mabait sa isang pusa? hahahahaha pero kapag nakita ka non magiging masaya yon" sabi ko at humiga na katabi siya.
Inaantok ako.
Papikit na sana ako ng may makita akong babaeng nakatayo malapit sa bintana.
Kinusot ko ang mga mata ko at tiningnan ulit ang babaeng yon, ganon nalang ang pagkabalikwas ko ng makita ko si Althea.
"Kamusta na Zari?" kaswal na sabi niya.
Hindi ako umimik at tinakbo siya at niyakap.
"Ang higpit naman hindi ako makahinga tabi nga" ayon nanaman ang katarayan niya psh.
Imbis na tumingin ulit siya sakin ay tiningnan niya ang pusa na nasa kama ko si Azy.
Nilapitan niya ito at binuhat, napangiti ako dahil tama ang kwento ko kay Azy na magugustuhan niya ito.
"Kanino ito sa iyo?" tanong niya.
"Kay Zyde yan hiniram ko lang" sabi ko at ganon nalang ang pagkunot ko ng noo ng ilapag niya ito at lumapit sa akin.
"Asan si Carrissa at Sheena?" tanong niya.
"Ayon nasa bayan nag uuli daw sila ang boring daw dito eh" sabi ko.
"Oh bat hindi ka sumama kala ko ba mahilig ka mag uli?" tanong niya.
"Wala ako sa mood mag uli pati ang init init oh" turo ko sa labas.
"Bakit hindi pa kayo bumabalik dito?" tanong ko.
"Hindi pwede Zari, hindi pwede" sabi niya.
"Bakit hindi? ano ba ang problema Althea at tinataguan niyo kami? alam mo bang wala kaming clue kung saan kayo nagtatago? ilang buwan na ang nakalipas Althea alam mong hindi matutuwa sa atin ang principal dahil sa tagal natin dito sa lugar na ito at hindi kami pwede bumalik nang hindi kayo kasama at panigurado akong tambak na ang mga case natin wala na tayong dapat gawin dito kung hindi ang umuwi" sabi ko at tahimik lang siya.
"Si Zyde ang tinataguan ko Zari..." mahinang sabi niya.
"Ano ang kinalaman ni Zyde?" tanong ko.
"Pamilya ni Zyde ang nagpadukot sa amin at pamilya din ni Zyde ang pumatay sa mga magulang ko Zari sila den ang dahilan kung bakit kami naghihirap ni Cindy at panigurado kami ni Cindy na hinahanap na kami para patayin sa lumang mansion namin kami pansamantalang nagtatago ngunit kailangan din naming ibenta yon" sabi niya at hindi naman ako makapaniwala.
"Naiintindihan kong kailangan na nating umuwi ngunit paano kami ni Cindy kapag nakita kami ng pamilyang Cruz? madadamay kayo at hindi ko hahayaang mangyari yon Zari" sabi niya.
"Uuwi na tayo mamayang gabi sa University ng hindi alam ng Kingstern, susunduin ko kayong tatlo mamaya at siguraduhin niyong hindi kayo mahahalata" sabi niya.
"Sige pagkauwi nilang dalawa ay ako na mismo ang magsasabi sa kanila, mag ingat ka sa pag uwi mo" sabi ko at niyakap siya saka umalis.
Naupo ako sa kama ko at nag isip.
Tiningnan ko kung ano na ang oras ngayon at bandang alas tres na ng hapon.
Gusto ko matulog ngunit kailangan kong abangan ang dalawa.
Maya maya ay pumasok na ang dalawa sa kwarto at niyakap nila ako sabay iyak.
"Ano ang nangyari? bakit kayo umiiyak?" tanong ko sa kanila.
"Nakita namin si Cindy at alam na namin ang lahat..." sabi ni Sheena.
"Nandito kanina si Althea at kinausap niya ako at alam ko na din ang lahat, sabi niya ay susunduin niya tayo mamayang gabi ng hindi alam ng Kingstern at uuwi tayo sa University ng tayo lang at hindi dapat tayo mahalata lalong lalo na si Zyde" sabi ko.
Wala kaming ginawa kung hindi mag impake at nang matapos kami ay inayos namin ang sarili namin para bumaba.
Nandon na ang Kingstern sa lamesa at iniintay kami.
Nang maupo kami ay tinanong ni Yuan kung kamusta ang paggala nung dalawa.
"Maayos naman nakakawili, bumili din kami ng ilang pirasong mga damit" mahinahong sabi ni Carrissa pero alam kong natatakot siya sa plano namin mamaya.
"Uy Zyde si Azy pala ay ibibigay ko mamaya sa Yaya para matulog siya sa kulungan niya at para makakain din" sabi ko at tumango siya.
Nang matapos kami kumain ay mas lalo kaming kinabahan paakyat sa kwarto namin.
Inintay namin si Althea at nang dumating siya ay mas lalo kaming kinabahan na baka ay mahuli kami ng Kingstern.
"Handa na kayo?" mahinahong tanong ni Althea.
"Tara na wala na tayong oras, asan si Cindy?" tanong ni Carrissa.
"Nasa baba siya ang mag dradrive ng kotseng dadalhin natin" sabi niya.
Kinuha namin ang mga bag namin ngunit natigilan kami ng may kumatok.
Tiningnan ko sila at senenyas na itago si Althea.
Ako ang nag bukas ng pinto at nagulat ako ng makita ko si Yuan.
"Oh Yuan napunta ka dito?" peke kong ngiti sa kaniya.
"Si Azy sana ay kukunin ko na" sabi niya.
Dali dali kong kinuha si Azy at binigay sa kaniya.
"Asan ang dalawa?" tanong niya.
'Shit kumalma ka Zari si Yuan ang may pinaka malakas ang makiramdam'
"Ah nasa cr ang dalawa at nag kekeme keme alam mo naman mga babae hehehehe" sabi ko.
"Ok sige" sabi niya at tinalikudan na ako.
Sinarhan mo ng pinto at tiningan silang lahat.
Napabuntong hininga ako saka kami isa isang kumilos pababa sa bintana.
Medyo mataas yon pero buti nalang at may lubid na dala si Althea.
Nang makababa kami ay nakita ko si Cindy na nakasakay sa kotse.
Pumasok na kami at walang alinlangang pinaharurot ni Cindy ang kotse.
YOU ARE READING
Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED
General Fictiona mysterious hidden work at Harvard University that will lead to freedom of both sides