Carrissa's pov
'Wrong timing talaga...'
Kasalukuyang nasa harapan namin ang Kingstern ngayon at nakikipag titigan sa amin at walang umiimik.
"Pede bang tumabi kayo?" sabi ni Zari na para bang naasar.
"Pinapatawag tayo ng principal" sabi ni Hanz.
"Para saan?" tanong ni Cindy.
"Malalaman niyo den" sabi ni Yuan.
Nauna kaming maglakad papunta sa principals office.
Naabutan namin don ang principal na naka upo.
Nag bow kami sa kaniya at pina upo kami.
"Dederetsyohin ko na kayo, may magaganap na College Intrams sa susunod na linggo at kayong dalawang grupo ang aatasan kong asikasuhin yon" sabi nang principal.
"Pero sir-" aangal pa sana si Althea pero nag salita muli ang principal.
"Walang pero pero, maaari na kayong umalis" sabi ni Principal.
Wala kaming nagawa kundi ang lumabas sa office.
Naglalakad kami papunta sa canteen pero napansin ko ang suot namin na pawisan.
"Pede ba tayong mag palit?" tanong ko sa kanila.
Napansin din nila ang suot nila at dali dali kaming bumalik sa aming dorm para maligo at magpalit.
Nang matapos kami ay dumiretso na din kami sa canteen para mag breakfast.
Nadito na kami sa canteen at nakain na at ang tahimik namin.
"So pano na?" tanong ni Zari.
"Hindi tayo lahat ang pede mag desisyon kailangan natin nang suhestiyon nang Kingstern" sabi na na ni Sheena.
May lumapit sa amin na isang lalaki.
"Ah, pinapa utos po nang Kingstern na pumunta kayo sa Meeting Office ngayon na" sabi ng lalaki at umalis na.
"Tara na" utos ni Althea sa amin.
Naka simangot so Zari nang tumayo kasi hindi pa daw siya tapos kumain.
Naglakad kami sa dulo ng corridor kung saan nadoon ang Meeting Office.
Pumasok kami at kompleto na ang Kingstern.
Isang mahabang lamesa at 10 upuan ang naka palibot, at isang white board ang nasa harapan namin.
Umupo ako sa tabi ni Althea.
"Sa may open area natin ilalagay ang mga booths, so ang pag uusapan muna natin ay kung anong booths ang ating papayagan" sabi ni Zyde.
"Jail booth" sabi ni Zeph.
"Marraige booth?" tanong ni Sheena.
Walang umimik sa amin pero alam kong payag sila.
"Photo booth" sabi ni Yuan.
"Hair styles booth" sabi ni Zari.
"Cooking booth" sabi ni Vince.
"Truth and Dare booth" sabi ko.
"Haunted house booth" sabi ni Hanz.
"Make up booth" sabi ni Cindy.
"The one with a game and then if nanalo may premyo na stuff stoys like that" sabi ni Althea.
"Ok then the booths are finish, let's move to the sports dalawa lang ang pede" sabi ni Zyde.
"Basketball" sabi ni Zeph.
"Volleyball" sabi ni Zari.
"Ok then I have an idea, ako ang mag hahandle ng Pageant Contest" sabi ni Cindy.
"Then ako ang mag hahandle ng mga banda na tutugtog" sabi ni Hanz.
"Ako ang mag hahandle ng dance at singing contest" sabi ni Sheena.
May tumatawag sa cellphone ni Althea.
"Excuse me" sabi ni Althea at lumabas muna ng office.
"Sorry kailangan na namin umalis ng Gunner pinapatawag kami ng principal kayo na ang bahala" sabi ni Althea.
Nagsi tayuan kaming Gunner at lumabas na sa office at naiwan ang Kingstern.
Pumunta kami sa Principals office at pumasok na.
"Ano po ang kailangan niyong sabihin?" tanong ni Althea.
"Alam kong kilala mo si Attorney Riego, dadating ang kaniyang anak para sa College Intrams sunduin niyo siya maya maya dahil parating na siya kayo muli ang aatasan ko sa kaniya" sabi ng Principal.
"Masusunod po" sabi ni Althea at lumabas na kami.
"Sino si Attorney Riego?" tanong ko.
"Siya ang Attorney ng pamilya namin" sabi ni Althea.
Dumiretso na din kami sa gate para abangan ang sinasabi ni Althea.
Maya maya ay nakita namin ang isang itim na kotse hindi ko alam ang tatak nito pero alam kong mamahalin ito.
Lumabas don ang isang lalaking matangkad, gwapo, moreno, casual na pananamit, nakaka baliw na bango at hindi kalayuan ang edad sa amin.
Lumapit siya sa amin at ngumiti.
"Long time no see" sabi ng lalaki.
"Hmmm, asan si Attorney?" tanong ni Althea.
"Hindi siya nakasama dahil may kailangan siyang asikasuhin" sabi niya at napansin kong naka tingin siya kay Cindy.
"Eto nga pala ang Gunner and baka nakalimutan mo na ang name ko ako si Althea Karyl Mendez" sabi ni Althea.
"Hi I'm Zari Mae Alvarez" sabi ni Zari at nakipag kamay doon sa lalaki.
"My name is Sheena Avea Herrera" sabi ni Sheena at nakipag kamay din.
"I'm Carrissa Villanueva" sabi ko at nakipag kamay din.
"Cindy Keesha Mendez" sabi ni Cindy at nagulat na lang kami ng biglang siyang yakapin nung lalaki.
"Sabi na ikaw yan eh! na miss kita" sabi nung lalaki at bumitaw din sa pag yakap.
Humarap siya sa amin at ngumiti.
"I'm Isaac Lucas Riego, Lucas nalang" sabi niya at ngumiti ulit.
"Tara na baka gutom kana" sabi ni Althea.
Pumasok na kami at pumunta na sa Canteen naririnig ko pa ang bulungan ng mga nadadaanan namin.
"Gosh ang pogiiii"
"Kuya anong name mo?"
"Kuya dito po ba kayo mag aaral?"
"Ang tangkad niya bhieeee"
"Kuya ako si Luisa!"
"I'm quite famous now huh?" sabi ni Lucas at natawa.
Author's note:
hi guys para naman jan sa mga quiet reader ko vote naman kayo sa mga chapters ko👉👈 and follow me na! thank you ingat kayoooo
And sabihin niyo naman sakin if may incorrect spelling ako or wrong grammar para maayos ko and yung request ko about don sa mga examples outfit sana bigyan niyo ko ng mga examples thank youuu❤️
YOU ARE READING
Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED
General Fictiona mysterious hidden work at Harvard University that will lead to freedom of both sides