Chapter 43

223 18 0
                                    

Cindy's pov

Naka hanap kami ng bakanteng upuan malapit sa unahan kaya doon na lamang kami umupo.

Hindi kami basta basta tumitig at manood lamang ng mga laro, kailangan din naming mag masid at bantayan ang mga estudyante dahil hindi malayong magkaroon ng gulo ng hindi namin naaalam.

Nagsisimula na ang unang laro ng dalawang magkaibang university at eto kaming lima na hindi mapakali sa upuan namin kapapalibot ng aming mga tingin sa buong basketball court.

"Hindi ba mas maganda kung maghiwa-hiwalay tayo?" tanong ko.

"Baka may mapahamak sa atin hindi pwede" sabi ni Carrissa.

"Masyadong madami ang kailangan nating bantayan hindi natin kaya" sabi ni Sheena.

"Mag suot nalang kaya tayo ng earpiece?" sabi ni Zari.

"Pwede, pero kapag nag checheer ang mga estudyante ay baka mahirapan tayo makakinig" sabi ni Althea.

"Kaya naman natin siguro talasan pa ang pandinig natin" sabi ko.

Tumango naman sila at sinabing kaya nila.

"Ano pwesto natin?" tanong ko.

"Kaya ko mag isa pero kayo kailangan niyo ng may kasama para mapanatag akong magiging ligtas kayo" sabi ni Ate.

"Sigurado ka?" tanong ni Carrissa.

"Oo, ikaw Cindy at Zari kayong dalawa ang mag sama dito sa side na ito, ikaw naman Carrissa at Sheena doon kayo sa katapat na side at ako ay sa labas" sabi ni Ate.

Sinuot namin ang aming earpiece.

"Mag ingat ka Althea" sabi ni Carrissa.

"Ingat ate" sabi ko at pumunta na sa kaniya kaniyang lugar.

"Ano saan tayo mag sisimula?" tanong ko kay Zari.

Pero halatang hindi siya komportable.

"May problema ba?" tanong ko sa kaniya.

"Ah... oo ayos lang ako, doon muna tayo magsimula" sabi niya sabay turo sa bandang padulo.

Dahan dahan pa kami umalis at makidaan sa mga estudyante para hindi sila maistorbo sa panonood.

Hangga't sa kaya namin ay kailangan hindi sila makahalata.

"Doon tayo sa bandang taas na dulo para mas makita natin" sabi ko kay Zari.

Tumango naman siya at sumunod sa likod ko.

Nang makarating kami sa likod ay mas nakita namin ang kabuuan at mas maayos ang court.

"May problema ba Zari? hindi mo ko kinakausap eh" sabi ko sa kaniya at nagulat naman siya bigla sa tanong ko.

"Walang problema Cindy masama lang ang pakiramdam ko" sagot niya sa akin.

"Kung may problema ka man sabihin mo lang sa akin at makikinig ako" sabi ko sa kaniya at nginitian ko siya.

Ginala ko ang paningin ko at natigil ang mga mata ko sa Blairs na kasama yung nakita naming babae kanina.

"Diba iyon yung babaeng sinabi mong niligtas mo bakit kasama ang Blairs?" tanong ko kay Zari sabay turo sa di kalayuang nakatayong mga Blairs malapit sa exit ng court.

"Oo nga noh? pero parang may kamukha siya" sabi niya kaya mas lalo kong tinitigan yung babae.

"Kamukha niya si Celeste-pakshet" sabi ko at nagkatinginan kami ni Zari.

A/N: kung hindi niyo natatandaan si Celeste balik kayo sa Chapter 26:)

Ngayon ko lang narealize ang lahat.... yung babaeng nakakinig samin kanina sa hall ay si Celeste na tauhan ni Scarlet.....

"Shit! siguro ay kinekwento na ni Celeste ang mga narinig niya kanina" sabi ko kay Zari.

Pinindot ko ang earpiece ko.

"Hello? bakit?" tanong ni Sheena sa earpiece.

"Si Celeste at yung babae kanina sa hall ay iisa" sabi ko.

"So you mean?- shet!" rinig kong galit ni Ate.

"Asan kayo?!" tanong ni Carrissa.

"Andito kami sa taas malapit sa exit ng court" sabi ni Zari.

"Ok ako na ang bahala iparating sa Kingstern ang nangyayari iintayin kayo ni Zari sa pwesto namin" sabi ko at nilingon ko si Zari.

"Mag ingat ka" sabi ko at umalis na para makarating sa baba kung saan nandon ang Kingstern sa bench at naka upo.

Nalipat ang tingin ng limang lalaki sa akin marahil ay nalilito kung bakit ako papunta sa kanila.

"Yung babae kanina sa hall ay tauhan ni Scarlet na si Celeste" sabi ko.

"Sino yon?" tanong ni Zeph.

"Obob mo si Celeste! yung babaeng mahilig magpanggap!" sigaw ni Vince na pabulong.

"I knew it! nakikita ko siya minsan pero hindi ko kilala ang pangalan niya! may masamang plano ang Blairs" sabi ni Hanz.

"Kaya nga ako nandito eh!" sabi ko.

"Huwag kayo maingay magkakalapit lang tayo oh!" suway ni Yuan sa amin.

"Magsisimula pa lang naman ang second game kaya may oras pa tayo tara na" sabi ni Zyde kaya sinundan namin siya.

Pinindot ko muli ang earpiece ko.

"Hello? asan na kayo?" tanong ko sa kanila.

"Andito kami sa labas ng exit sa may dulong corridor nag uusap parin ang mga Blairs at hindi pa nila kami nakikita" sabi ni Sheena.

"OK papunta na kami ng Kingstern" sabi ko.

"Nandun daw sila sa labas ng exit sa may dulong corridor" sabi ko sa kanila at doon nga kami pumunta.

Hindi na nagpalit ng damit ang Kingstern at nanatiling naka suot ang kanilang mga jersey.

Nang makarating kami sa lugar kung saan ang sinabi ni Sheena ay naabutan namin silang naka upo at nagmamasid sa Blairs.

Napatingin naman si Carrissa sa amin at sinenyasan kaming yumuko at huwag maingay kayo nagulat kami at dali daling ginawa ang utos niya.

Dahan dahan kami kung maglakad papalapit kay na Carrissa.

"May kinalaman ang Blairs sa trabaho natin, isa sila sa mga traydor dito sa blue side" sabi ni Ate ng makarating kami sa kanila.

Sinulyapan namin ang Blairs at nang makita namin silang paalis ay sinundan namin sila.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now