Chapter 49

222 18 0
                                    

Sheena's pov

"Ano?! bakit pupunta don si Zari?!" sigaw ni Carrissa.

"Nagulat din ako! baka kung ano nanaman ang gawin nung nanay non sa kaniya!" sigaw din ni Althea.

"Kailangan na nating umalis" sabi ni Cindy.

"Magdala kayo ng pampalit niyo pagkatapos nating sunduin si Zari ay pupuntahan natin ang Kingstern at susugod sa lugar na sinabi ng Principal" sabi ni ni Althea.

"Natatakot ako para kay Zari sana ayos lang siya" hindi parin maalis ang pag aalala sa hoses ni Carrissa.

"Wala na tayong oras mahaba ang biyahe tara na" sabi ni Althea kaya nag madali kaming kinuha ang gamit namin bago sumunod kay Althea na papunta sa parking lot.

"Ako na ang magdadrive" sabi ni Cindy kaya binigay ni Althea ang susi sa kaniya at pinaandar ang kotse patungo sa bahay nina Zari.

"Isang oras at kalahati ang oras patungo sa bahay ni Zari" sabi ni Carrissa.

"Wag ka mag alala tanda ko pa ang daan sa bahay nila" sabi naman ni Cindy.

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang tinatanaw ang mga nadadaanan namin at parang familiar ang daan na ito kaya biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako sa ulo ko.

"Ayos ka lang?" tanong ni Carrissa sa akin habang naka alalay sa akin na isandal ang ulo ko.

"Deja vu" maikling sabi ko.

"Oo posibleng matandaan mo ang ibang pangyayari o lugar kapag nakita mo ito, wag ka mag alala hihilom din ang kirot sa ulo mo matulog ka muna malayo layo pa tayo" sabi sa akin ni Carrissa kaya unti unti kong pinikit ang mga mata ko at tuluyang naka tulog.

"Gising na Sheena andito na tayo" sabi sa akin ni Carrissa habang tinatapik tapik ang balikat ko kaya umayos na ako ng upo at lumabas sa kotse.

Tinanaw ko ang isang maliit na bahay at bigla nanamang sumakit ang ulo ko.

"Ok lang kung mag paiwan ka sa kotse kami na lang ang kakatok sa pinto" sabi ni Cindy.

"Hindi ayos lang kaya ko pa naman" sabi ko at lumapit na kami sa bahay at kumatok.

"Sino ba yan?!" isang babae ang sumigaw at binuksan ang pinto.

"Si Zari po?" tanong ni Cindy.

"Aba hahahaha parang naulit ang pangyayaring ito ah! yung bwisit na babaeng yon?! dala dala niya kahapon ang mga gamit niya at sinabing gusto nya na bumalik dito! pero syempre hindi ako pumayag kaya pinalayas ko siya! bwisit na babaeng yon! oh ano pa?! kung wala na kayong tanong ay umalis na kayo nang iistorbo kayo!" sabi muli nung nanay at pabagsak kaming sinaraduhan ng pinto.

"Ang taray parin talaga tsk tsk tsk walang pinagbago" sabi ni Cindy.

"Ano na? saan naman pupunta si Zari?" tanong ni Carrissa.

"Sa bahay nung lola niya" sabi ni Althea.

"Malayo yun abot ba sa oras natin?" tanong ni Cindy.

"Oo apat na oras lang yon tara na" sabi ni Althea kaya nagsi sakayan na kami sa kotse at umalis na kaagad.

"Tumigil muna tayo jan, order tayo ng makakain natin hindi pa tayo nagtatanghalian" sabi ni Carrissa.

Bumaba kami ni Carrissa sa kotse at pumasok sa isang maliit na restaurant.

"Kuya order kami ng apat na burger tapos apat na coke den at apat na fries tapos isang bucket ng chicken take out" sabi ni Carrissa.

"Sige po ma'am wait lang po tayo ng ilang minuto debale 760 pesos po ang total" sabi nung Kuya.

"500 lang ang pera na nadala ko ikaw may dala ka?" tanong ni Carrissa kaya naglabas ako ng 500.

"Ok ma'am eto na po yung order niyo take out eto din po yung sukli at resibo thank you po" sabi nung Kuya kaya nag thank you kami bago bumalik sa kotse.

Naghati hati naman kami sa binili naming pagkain at ang tinira namin ay yung isang bucket ng chicken para pasalubong.

Nang makarating kami sa isang maliit na bahay pero may bakod ito at puno ng magagandang halaman.

"Tao po" sigaw ni ko.

"Sino yan?" tanong ng kilala kong boses.

"Zari..." sabay sabay naming sabi ng makita namin ang mga pasa sa muka at katawan ni Zari meron ding mga hiwa.

"Carrissa, Althea, Cindy, Sheena....." sabi ni Zari at walang ano ay niyakap niya kaming apat kaya umiyak kami at niyakap din siya.

"Zari anong nangyari sayo? bakit andami mong sugat? sinaktan kaba ng nanay mo?" tanong ni Carrissa.

"Hindi napahamak ako sa daan nung pauwi ako dito isang grupo ng mga lalaki at ang lalakas nila pinagtulungan nila ako buti nalang at nakita ako ni Tita kaya naka ligtas ako kung hindi siya dumating ay patay na ata ako halika pumasok kayo sa loob" sabi ni Zari kaya pumasok kami sa loob.

"Anak sino ang mga yan? oh jusko kayo yung mga kaibigan ni Zari diba?! hayyy namiss ko kayo!" sabi ng isang babae mukang ito ang tita ni Zari at niyakap niya kami ng mahigpit.

"Jusko kayong mga bata kayo hindi niyo manlang sinabi na darating kayo edi sana ay nakapag handa ako" sabi ulit nung Tita.

"Naku Tita ayos lang po nakakain na po kami at may dala po kaming chicken" sabi ni Althea at binigay yung bucket ng chicken.

"Salamat! saglit lang kukunin ko lang si Mama" sabi nung Tita at umalis.

"Zari kailangan mong bumalik wala na tayong oras kailangan natin sugudin yung base ng kalaban" sabi ni Carrissa.

"Pero naka alis na ako sa grupo niyo at wala akong maitutulong dahil sa kondisyon ko" sabi ni Zari.

"Huwag ka mag alala hindi ko pinermahan yung papel kaya hindi kapa tanggal sa grupo" sabi ni Althea.

"Mga apo" mahina pero masayang bati ng isang lola na naka upo sa isang wheel chair.

"Lola!" sigaw nung tatlo at nagmano isa isa kaya nag mano din ako.

"Mga apo ang lalaki niyo na mga dalaga na kayo" sabi nung lola.

"Kayo Lola kamusta na kayo? iniingatan niyo ba ang sarili niyo ng mabuti?" tanong ni Cindy.

"Ayos lang ako Apo" sabi ni Lola.

"La, kailangan ko pong umalis kailangan ako ng mga kaibigan ko tutulungan ko sila wag kayo mag alala Lola bibisitahin ko ulit kayo, Tita tawagan niyo ako kapag may problema bibisita ulit ako" sabi ni Zari.

Kinuha ni Zari ang mga maleta niya at lumabas ng kwarto.

"Sige Apo iintayin ko muli ang pag bisita niyo mag iingat kayo" sabi nung Lola.

"Lola, Tita aalis na po kami ingat kayo" sabi ni Althea at isinakay na namin ang mga gamit ni Zari at ikenewento ang problema habang bumyabyahe pabalik sa University.

Squad Fight(Harvard University series #1) COMPLETED Where stories live. Discover now