Chapter 1

45 3 1
                                    

Chapter 1

"Zaiden, balita namin 'yong nagkakacrush sa 'yo naging seatmate mo ah."

Mabilis na lumipas ang mga araw. Papatapos na naman ang christmas break namin. Kaya sinulit-sulit na ng mga pinsan ko at naisipan na naman nilang tumambay dito sa bahay. Nilabas namin lahat ng foam at nilatag sa sala katapat ng T.V. at namili ng movie na papanoorin. Si Isaac at Adriel ang nakaisip nito.

Napabangon ako sa pagkakahiga at nakakunot 'yong noo kong nilingon si Isaac. Sa'n niya naman nalaman 'yan? Tsismoso talaga kahit kailan.

"Gwapo mo talaga, eh 'no? Dami ring nagkakacrush sa 'yo sa section namin e," may halong pangngangantyaw na sabi ni Adriel. Bumangon na rin siya at umupo. Tuluyan nang nawala 'yong atensyon namin sa pinapanood.

"Lakas 'ata ng dating sa mga babae kapag matalino. Sa bagay, gano'n rin naman para sa 'kin," si Isaac.

"Kaya pala walang pumapatol kay Adriel, bobo kasi," pang-aasar ni Kael.

"Ako? Wala?" si Adriel. Bumuga pa siya sa hangin, 'di matanggap ng ego niya 'yung biro ni Kael.

Alam naman naming lahat na sa mga babae, si Adriel 'yung pinakasikat. Maliban kasi sa friendly at approachable siya, basketball player at nag-m-modeling pa siya.

"Ang ingay niyo," sabi ko.

Akala ko bibitawan na nila 'yong usapan tungkol sa 'kin, pero hindi. Ampucha.

"Ano nga ulit pangalan no'n?" boses ni Jaric. Siya naman ang nilingon ko. Nakahiga pa rin siya at nakatutok sa T.V.

"Ba't mo tinatanong?"

Napansin niya 'ata iyong pag-iiba ng tono ng boses ko kaya natawa siya. Umahon na rin siya sa pagkakahiga at umayos sa pagkakaupo. Si Kael, nakaupo na rin, nakikinig sa 'min. Si Dio mukhang tulog na.

"Curious lang. Masama?"

"Kailan mo ba nalaman na may crush siya sa 'yo?" Bigla namang tanong ni Kael.

Napahinto ako nang ilang segundo. Binabalikan 'yong mga alaala ko at sinusubukang tandaan kung kailan nga ba.

"Malay ko," kibit-balikat ko.

Dahil sa totoo lang, hindi ko talaga sigurado kung kailan. Basta sa pagkakatanda ko, nasa mga huling buwan ng school year ng nakaraang taon no'ng kumalat sa buong campus na ayon, may gusto raw siya sa 'kin, kaya ko rin nalaman. Hindi siya umamin nang harapan, sa ibang mga tao ko na lang nalaman. Nagulat na lang ako biglang may nangangantyaw na sa 'kin, binabanggit 'yong pangalan niya. Pati tuloy mga kumag kong pinsan, kilala siya.

No'ng nakaraang taon, tuwing lumalapit siya, naiiwasan ko pa kasi hindi ko naman siya kaklase. Pwede pa 'ko magpalusot at magdahilan. Pero ngayong taon, nasa iisang section na kami kaya ang hirap na.

"Sarap ng tulog ni Dio ah," pagpupuna ni Jaric.

Nilingon ko si Dio at nakatulog na nga talaga siya. Tulog mantika talaga. Hindi ko alam pa'no niya nakakaya na hindi magising kahit sobrang ingay namin. Skill na, pwedeng ilagay sa resume.

Tuluyan nang naiba 'yong usapan nang may maisip na kalokohan sila Isaac at Adriel. Dahil sira-ulo rin 'yong iba- kami pala, sumakay kaming lahat.

"Gago, ikaw gumawa," si Isaac kay Adriel, pinasa 'yung unan sa kaniya

"Tanga, 'Pag ako, makita niya pa lang mukha ko maiisip niya agad na kalokahan 'to," sabi naman ni Adriel.

"Ay, oo nga, akin na nga 'yan!" Binawi ulit ni Isaac 'yung unan mula sa kaniya.

Pinalibutan namin si Dio. Nasa tabi ng natutulog na tao si Isaac na may hawak-hawak na unan. Nagbilang muna siya sa daliri saka siya kumuha siya ng buwelo.

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon