Chapter 3

17 2 6
                                    

Chapter 3

Kahit maliit lang 'yung espasyo sa loob ng tricycle at wala na 'kong mausugan ay pinipilit ko pa ring umusog para hindi magtama iyong mga binti namin.

Tahimik lang kami hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Kulay puti iyon at isang palapag lamang.

Nang bumaba siya ay napansin kong binuksan niya iyong backpack niya at kumuha ng pera roon. Hindi niya siguro napansin na nagbayad na 'ko ng para sa aming dalawa kanina.

"Kuya, bayad po."

" 'Neng, nagbayad na 'yung kasama mo."

"Ah, gano'n po ba..."

Yumuko siya para lingunin ako. Umayos ako ng pagkakaupo at tumingin nang diretso sa kalsada para 'di niya mapansing nakatuon 'yung atensyon ko sa kaniya.

"Salamat pala," sabi niya. Tumango lang ako. Pagtapos no'n ay pumasok na siya sa bahay nila.

"Kuya, sa Tesoro po ako," sabi ko sa drayber.

Nang dumating ako sa bahay ay naabutan ko si Lola na nagdidilig ng mga halaman. Pinuntahan ko siya agad at pinaalam na nakauwi na 'ko.

Pagtapos no'n ay nagbihis na 'ko at nagluto ng hapunan namin, at kumain. Saka ay natulog na.

Kinabukasan ay maaga akong nakarating sa eskuwelahan gaya ng nakagawian. Kakaunti pa lang ang mga tao nang dumating ako sa campus.

Pagkarating ko sa classroom ay wala pang tao. Binuksan ko agad iyong dalawang ilaw sa magkabilang dulo ng classroom. Inilapag ko iyong bag ko sa assigned seat ko at saka ako umupo. Kinuha ko 'yung science book ko mula sa bag at nagbasa-basa ako pampalipas-oras.

Makalipas ang ilang minuto ay biglaang bumukas iyong pintuan. Pinigilan kong mapakunot ang noo ko nang makitang pumasok si Maggie. Tinignan ko siya, basa pa iyong buhok niya at hindi pa nasusuklay, tapos ay gusot-gusot pa iyong uniform niya na para bang hindi na-plantsa.

Tinaasan ko siya ng parehong kilay at ginalaw ko 'yung bridge ng eyeglasses ko. Nakakapagtaka lang kasi hindi naman normally ganito ang oras ng pasok niya. Kadalasan ay sampung minuto bago mag-alas siyete saka siya papasok.

"Magulo sa bahay eh," sabi niya kahit hindi naman ako nagtatanong.

Tumango lang ako.

Pumunta na rin siya sa assigned seat niya, katabi ko. Binuksan niya iyong bag niya at tinignan 'yung laman no'n. Huminga siya nang malalim na para bang may gusto siyang sabihin.

"Zaiden, may ilalabas ako sa bag ko. Pangako mo sa 'kin na 'di ka magsusumbong 'kila Ma'am."

Nagsalubong ang kilay ko sa tinuran niya. Anong ibig niyang sabihin ro'n?

Namilog 'yung mga mata ko nang biglang may inilabas siyang kulay itim na tuta mula sa backpack niya.

"Hindi mo ba alam na bawal ang hayop dito sa school? Nakasulat 'yun sa rulebook natin."

Kung may makakitang authorities niyan, mapapahamak siya. Magkakaroon siya ng record. Ang alam ko pa naman kapag varsity, dapat malinis ang record.

"Napulot ko lang 'to papunta ko rito. Kawawa naman eh," pag-e-explain niya, habang nakatingin at hinahaplos iyong katawan ng aso.

Pinanood ko siya habang buhat-buhat niya iyon sa bisig niya. Nanginginig nang kaunti iyong aso kaya kinuha ko iyong panyo ko sa bulsa at binigay sa kaniya. Nagtataka niya akong tinignan.

"Nilalamig 'yung aso," sabi ko at saka niya kinuha iyong panyo sa kamay ko at pinulupot 'yon sa tuta.

"Sumunod ka sa 'kin. Ilagay mo 'yan sa bag."

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon