Chapter 7

10 2 0
                                    

Author's Note: I changed Airah (Student Council's Vice President and Zaiden's friend) into Eve. I noticed that I have a lot of characters with their names that start with letter A and it might cause confusion. That's all. Thank you

Chapter 7

"Zaiden, pa-fill up naman nitong slambook ko," sabi ng katabi ko at inilapag niya iyong kulay pink na libro sa arm chair ko.

Buti na lang wala pa 'yung susunod naming teacher, dahil kung nakita 'to, malamang ma-c-confiscate 'to.

Tinignan ko siya at inangat ko iyong parehong kilay ko.

"Ayaw mo? Sige, ayos lang, sino ba naman ako para magpa-fill up ng slambook, 'di ba?" Pinigilan ko ang sarili kong matawa. 'Di gagana 'yang style mo sa akin.

Akmang kukunin niya na iyong slambook niya nang pigilan ko iyong kamay niya. Napansin kong magkapatong iyong mga kamay namin, pero hindi ko na 'yun pinagtuunan nang makitang parang hindi niya iyon pansin.

"Sasagutan ko 'yan sa isang kondisyon..." Pinanood ko kung paanong nag-angat iyong parehong kilay niya at nagtataka akong tinignan. "...Kailangan mong magkaroon ng honors ngayong quarter."

Tumawa siya nang malakas. "Ikaw ha, gumagaling ka na mag-joke," aniya.

Akala niya 'ata nagbibiro ako, pero hindi.

Kung bakit ko nasabi iyon sa kaniya ay nakikita ko 'yung potential niya, na matalino naman siya sa academics pero natatago lang iyon, kailangan nang kaunting tulak. Sayang naman kasi kung hindi niya mapapakita sa lahat kung ano 'yung kaya niya.

Nang mapansing seryoso ako ay napakamot siya sa ulo niya at ngumuso. "Ang hirap naman."

Hindi pa nga nasisimulan, mahirap na? Pa'no ba 'to...

"Tutulungan naman kita," impulsive kong sinabi. Nakita ko kung paano nagliwanag iyong mukha niya na para bang nagkaroon siya ng pag-asa sa tinuran ko.

"Sabi mo 'yan ah!" Malawak niyang ngiti. Tumango ako.

Bumaba iyong tingin niya sa mga kamay namin. Nakita ko kung paanong nanlaki iyong mga mata niya at agad inalis iyong mga kamay niya kasama no'ng slambook. Binalik ko na rin iyong tingin sa binabasa kong libro.

Nang dumating ang break, inayos ko na iyong mga gamit ko sa loob ng bag ko. Ayoko kasi 'pag hindi organized mga gamit ko.

"Tara na sa canteen, Zaiden!" pag-aaya sa akin ni Arlo. Nakatayo na siya malapit sa pintuan.

Akmang tatayo na sana ako nang mapansin ko si Maggie na nakaubob lang iyong ulo sa lamesa. Tumingin ako sa paligid at napansing wala na 'yung mga tropa niya sa classroom.

"Uy."

Inangat niya iyong ulo niya at naguguluhan akong tinignan.

"Hmm?"

"Hindi ka ba kakain?"

"Ah, ano, hindi na, busog pa 'ko."

Hindi ko inalis iyong tingin ko sa kaniya, pero siya, iniwas niya iyong mga mata niya sa titig ko na para bang gusto niya nang matigil iyong usapan namin at iwan ko na siya rito.

Huminga ako nang malalim at pinili nang samahan si Arlo sa canteen. Nang makarating kami ro'n ay tahimik lang ako.

Bumili ako ng dalawang sandwich. Ang isa ay para sa 'kin. Napansin iyon ni Arlo kaya nagtanong siya nang makahanap kami ng pwesto. "Bakit dalawa? May nagpabili ba sa 'yo?"

Nilapag ko iyong isang sandwich samantalang iyong isa ay tinanggalan ko no'ng wrapper.

"Wala. Kumain ka na lang diyan." 

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon