Chapter 2

17 2 4
                                    

Chapter 2

"Mika, nasa'n na 'yung article mo? Wala ka pang napapasa," tanong ko sa kaniya.

Yumuko siya, na para bang nahihiya. Inilapag ko 'yung magkasalikop kong kamay sa lamesa, hinihintay 'yung sasabihin niya.

"Kuya Zaiden, wala pa po eh. Ayaw po kasi magpa-interview sa 'kin ng captain nila. Gusto po niya na ikaw mismo ang pumunta sa kaniya."

Nagsalubong 'yung kilay ko. Ampucha.

Bilang Editor-in-Chief ng publication ng school namin, ang dami ko nang ginagawa. Wala na 'kong time mag-interview... isa pa, hindi ko naman 'yun trabaho. Trabaho ng sports writer 'yon.

"Sino ba 'yung volleyball captain nila?"

Matagal bago siya nakasagot, para bang nagdadalawang-isip kung sasabihin niya ba sa 'kin o ano.

"Si Maggie Anais Ocampo po."

Lalong kumunot 'yung noo ko. Ampucha, sino bang mag-aakala na 'yung madaldal kong seatmate 'yung volleyball captain sa girls.

"Sige na, ako na ang kakausap. Pagtapos ko sa kaniya ay ibibigay ko na sa 'yo para makapagsimula ka na."

Total magkatabi lang naman kami sa classroom. Kung ako talaga ang gusto niyang makausap, sige at pagbibigyan ko siya.

"Salamat po!" Pagtapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.

Napaangat ako ng tingin nang biglang may kumatok sa hamba ng pinto. Si Eve, vice president namin sa student council.

Matagal ko na siyang kaibigan, simula elementary pa lang, magkaklase kasi kami noon. Sayang ngayong highschool ay hindi na.

"Pres, mag-l-lunch ka na? Sabay na tayo!" pag-aaya niya.

Ngumiti ako, tumango at tumayo na. Sinabihan ko lang saglit 'yung mga kasama ko na tapusin na 'yung mga articles nila at sinabi ko pa 'yung iba pang reminders at deadlines bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto.

"Sobrang busy niyo na, ah."

Tumango ako. Sabay kaming pumuntang cafeteria, bumili ng pagkain at saka kumain.

Napansin kong mayroong ibang napapalingon sa amin. Pero binalewala ko na lang iyon.

Nilapitan pa 'ko ng mga pinsan ko at nag-usap-usap kami. Kinukuwento ni Kael kung paano pinatayo si Adriel kanina kasi raw hindi siya nakikinig, tinawanan namin iyon. Tapos ay inaasar nila si Dio sa bestfriend niya, kahit ako ay nakikiasar na rin, bagay kasi talaga sila.

Nilingon ko si Eve, nakikitawa rin siya sa mga kuwento ng mga pinsan ko. Pagtapos ay nag-aya na 'yung mga pinsan ko na bumili kaya naiwan ulit kaming dalawa sa mesa.

Bigla ay nahanap ng paningin ko si Maggie, kakapasok niya pa lang sa canteen habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, na kaklase namin.

Nakita ko kung paano umangat iyong kamay ni Janine at tinuro ako saka ay may sinabi kay Maggie. Agad na binaba ni Maggie iyong kamay niya. Nagtama 'yung tingin naming dalawa pero agad na iniwas niya iyong tingin niya sa akin. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya.

"Zaiden?" Biglang tawag ni Eve sa atensyon ko kaya nabalik sa kaniya 'yung tingin ko. Ginalaw ko 'yung bridge ng eyeglasses ko at tinuloy ko 'yung pagkain ko sa pancit na binili ko.

Nang malapit nang matapos 'yung break ay bumalik na 'ko sa classroom. Natanaw ko si Maggie sa katabing upuan, nauna na pala silang matapos bumili at kumain. May kung ano siyang sinusulat o dinadrawing sa notebook niya.

"Ako na ang mag-i-interview sa 'yo. Pwede ko na bang simulan ang pagtatanong?"

"Okay na kahit 'yung sports writer niyo na lang pala 'yung mag-interview sa akin," sagot niya, nihindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon