Chapter 8

11 1 1
                                    

Chapter 8

"Ano, kamusta score mo sa quiz?" tukoy ko sa quiz namin sa Math na kaka-distribute lang.

Ngumuso si Maggie habang tinitignan iyong quiz niya. 'Di ko maiwasang magbaba ng tingin sa labi niya. Agad kong inangat ang tingin ko sa mga mata niya nang mapansing roon ako sa labi niya nakatingin.

"Ambaba. Ba't pa ba kasi natin kailangan i-prove na triangle 'tong mga 'to, wala bang mga mata mga nakaisip ng formula nento?"

Tumawa ako at bahagyang humilig para makita iyong score niya. 32 ang score niya, pasok naman sa passing score.

Napansin kong nilingon niya 'ko at bahagya niyang sinilip iyong papel ko. "Wow. Sa hirap no'ng quiz, na-perfect mo. Pahiram naman ng utak," puri niya na para bang sobrang bilib niya sa nagawa ko.

Umiling ako. "Kailangan mo lang alam mo 'yung basics tapos repetition at practice ang kailangan mo sa Math para ma-master mo."

Seryoso siyang tumango-tango na parang bang nililista niya sa utak iyong mga sinabi ko.

"Pero alam mo..." Humilig siya papalapit sa akin. Nag-angat ako ng parehong kilay, hinihintay 'yung sunod niyang sasabihin. "...kahit bobo ako sa Math, kaya kitang i-value," bigla ay pabiro niyang sinabi. Hindi ko napigilan ang sarili kong matawa.

'Kalain mong naisingit niya pa 'yung banat na 'yun? 'Tong babaeng 'to talaga.

Nang dumating iyong vacant period ay pinagilid ng mga kaklase ko iyong mga upuan. Mukhang may balak silang maglaro. Pinanood ko kung paano sila nagtipon sa gitna ng classroom.

"Pres., Maggie, gusto niyo sumali? Maglalaro kami ng truth or dare," pag-aaya ni Bob.

Nakita ko kung paano hinampas ni Janine iyong braso ni Bob. "Aray! Bakit ka nanghahampas?"

"Huwag mo silang istorbohin ni Maggie. Kita mong nag-m-moment sila eh."

Sa sinabing iyon ni Janine ay sinimulan na naman kaming asarin ng mga kaklase namin.

"Yie, kayo ha!"

"Baka magkadevelop-an na talaga kayo!"

"Kayo na ba ang susunod na magjowa sa section natin?"

Tumayo si Maggie, nakangiti siya na para bang enjoy na enjoy sa mga kantiyaw sa 'ming dalawa. "Parang tanga 'tong mga 'to, sali nga
'ko diyan sa laro niyo!"

Iniwas ko na iyong tingin ko sa kaniya nang makita si Arlo na papalapit sa 'kin. Nang makalapit, umupo siya sa braso no'ng arm chair ko at inakbayan ako.

"Tara, sali tayo sa laro, Zaiden!"

Inalis ko iyong braso niya sa balikat ko. "Ikaw na lang, busy ako," sabi ko at inilagay iyong quiz ko sa bag. Pagtapos ay kinuha ko iyong libro namin sa Science, mag-a-advance study na lang ako.

"Nga pala, napansin ko parang napapalapit ka na kay Maggie. Kayo ha." Mapang-asar na ngumiti ang kupal. Ampucha.

Tumayo ako. "Tara na."

" 'Yun oh!"

Kung saan-saan pa ipupunta 'yung usapan eh, kaya sige, pagbibigyan ko siya.

"Wait lang, sali kami ni Zaiden!"

Umupo ako katapat ni Maggie. Iyong tukmol naman, tumabi siya sa 'kin at katapat niya si Janine. Hindi na nagtagal at nagsimula na rin 'yung laro.

Ilang minuto na iyong lumipas at ilang beses nang pinaikot iyong bote pero hindi pa naman tumatapat sa akin. Buti naman.

Akala ko sa buong duration ng laro ay hindi tatapat iyong bote pero nagkamali ako. Ampucha.

"Truth or dare, Zaiden?" Nakangiting tanong ni Maggie. Dahil sa kaniya nakatapat iyong puwetan no'ng bote, siya iyong magtatanong o magbibigay ng dare sa akin.

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon