Chapter 6

10 1 3
                                    

Chapter 6

Kinabukasan, ngarag na ngarag ako. Ang bigat ng ulo ko.

"Ah..." daing ko saka hinawakan iyong ulo ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Ampucha, ang sakit ng ulo ko. Ampuchang hangover 'to, 'di na 'ko uulit.

Minulat ko iyong mga mata ko at ampucha! Puwet bumungad sa mukha ko!

Agad akong napabangon at napaupo. Puwet pala ni Adriel 'yon. Nagsiksikan at magkakatabi pala kaming tatlo na natulog nila Isaac rito sa nilatag naming foam sa sahig pagtapos namin mag-inuman. Tulog pa rin sila ngayon, mukhang bagsak na bagsak sila.

Hindi ko na maalala anong nangyari kagabi, ang labo na sa isip ko. Nag-blackout 'ata ako sa rami nang nainom ko.

Nang makatayo, nakita ko si Jaric at Dio na magkayakap na nakahiga sa kama ko. Si Kael, hinanap ng mga mata ko pero wala siya, mukhang siya 'yung unang nagising sa 'min, nasa sala siguro siya.

Ampucha, anong oras na ba? Buti na lang sabado ngayon at walang pasok. Kung natiyempuhan na weekdays kami uminom, naloko na. Paniguradong absent kami sa mga first subject namin.

Lumabas na 'ko at tama nga 'ko, nakita ko si Kael na nanonood sa t.v. Nilingon niya 'ko at tinawanan 'yung itsura ko.

Umiling ako, sobrang sakit talaga ng ulo ko para sagutin 'yung pang-aasar niya.

Dumiretso na 'ko sa C.R at pagkaharap ko sa salamin, na-gets ko na kung ba't ako tinawanan ni Kael, sobrang sabog ng itsura ko ampucha. Agad akong naghilamos.

Pagtapos ay pumunta na 'ko sa kusina at naabutan ko si Lola na nagluluto ng agahan. Tinanong ko kung pwedeng ako na lang ang magluto pero tumanggi siya. Ang ginawa ko na lang ay inayos 'yung lamesa at naglapag ng mga plato at kutsara't tinidor.

Nang matapos, bumalik na 'ko sa kuwarto para gisingin sana 'yung mga pinsan ko nang biglang pumasok sa isip ko na mayroon akong tinawagan kagabi, o mayroon 'atang tumawag sa 'kin, hindi ko sigurado.

Tinawiran ko 'yung mga natutulog na kumag sa sahig para kunin 'yung bag ko sa lamesa ko. Pagtapos ay hinalughog ko iyon para hanapin 'yung cellphone ko pero wala ro'n. Sa'n ko ba nilagay? Hindi ko matandaan ampucha.

Ilang minuto pa 'kong naghanap hanggang sa makita ko iyon sa bandang paanan ni Isaac. Kinuha ko iyong cellphone at dumiretso sa call history.

Napaawang 'yung labi ko nang mabasa iyong pangalan ni Maggie sa pinakataas no'n. Ampucha, ba't ko siya tinawagan?

Pinasadahan ko iyong buhok ko gamit ng mga daliri ko, sinusubukang alalahanin kung ano man 'yung mga nasabi ko sa kaniya kagabi... pero wala talaga akong maalala ampucha.

Huminga ako nang malalim. Ilang segundo pa 'kong nag-isip bago tinawagan 'yung numero niya. Naka-ilang ring iyon bago niya sinagot iyong tawag.

"Hello?"

"Uh, napindot ko lang 'yung call kagabi. Sorry."

'Yon na lang ang sinabi ko. Alangan naman na sabihin kong nag-drunk call ako sa kaniya? Baka kung ano pang isipin niya.

Hinintay ko iyong sasabihin niya, ilang segundo ang lumipas na tahimik siya sa kabilang linya. Hindi ko alam pero bakit parang kinakabahan ako. Wala naman siguro akong nasabing nakakahiya kagabi.

"Ah, sure ka? Akala ko tumawag ka kagabi kasi na-mi-miss mo 'ko," sabi niya at sinundan iyon ng tawa, halatang nang-aasar. Na-i-imagine ko 'yung malawak niyang ngiti sa likod ng telepono.

Gusto ko nang ibahin 'yung usapan. Ano bang puwede kong ipatong na topic para malihis ang usapan namin?

Ah, alam ko na!

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon