Chapter 9

4 0 0
                                    

Chapter 9

Sa gilid ng mga mata ko ay pinagmasdan ko si Maggie. Nilabas niya iyong dilaw niyang highlighter at ginamit 'yon doon sa libro.

"Huwag ganiyan, i-highlight mo lang 'yung mga mahahalagang parte, madalas iyong first two sentences iyon ng mga paragraph," sabi ko nang mapansin ang dami niyang hinihighlight, paniguradong mahihirapan siyang mag-review kung ganiyan ang gagawin niya.

Tumigil siya at nilingon ako, pagtapos ay bigla niyang nilagyan ng highlight iyong braso ko. Nag-angat ako ng kilay sa ginawa niya, nagtataka.

"Sabi mo i-highlight 'yung mahalaga eh, edi ayan. Mahalaga ka sa 'kin eh," ngiting-ngiting pag-explain niya.

Umiling ako. Mga kalokohan niya talaga.

Binalik niya na iyong tingin niya sa libro. Doon lang lumabas iyong pinipigilan kong ngiti.

Ilang minuto na rin kaming nandito sa library. Nag-aaral naman siya pero hindi niya napipigilan talaga na haluan ng biro.

"May tanong ako," bigla ay sabi niya ulit habang seryoso kong ineexplain kung paano i-solve iyong isang equation sa Math na namali niya sa quiz. Iniangat niya iyong ulo niya kaya nagtama iyong tingin namin.

"Ano?"

"Ikagagalit ba ng grades ko, kung sa 'yo ako babagsak?"

Mahina kong hinampas ng ballpen iyong noo niya. Hindi talaga nauubusan ng kalokohan, ampucha, napakakulit na babae.

"Maggie, focus."

"Sorry na nga. Ito na, mag-f-focus na."

Itutuloy ko na sana iyong pag-e-explain kung sa'n ako huminto nang tumunog na iyong bell, hudyat ng susunod naming klase.

Sinimulan na naming ligpitin iyong mga gamit namin.

"May practice ka ba mamaya?" tanong ko sa gitna ng pag-aayos ng mga gamit ko.

Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong napahinto siya sa ginagawa niya. "Meron, bakit?"

"May meeting din ako sa school paper. Gusto mo bang sabay tayong umuwi?" kaswal kong tanong. Tapos ko nang ilagay sa loob ng bag ko iyong mga gamit ko.

Humilig siya papalapit sa akin, kakaunti na lang iyong espasyo sa pagitan naming dalawa. Bumaba iyong tingin ko saglit sa labi niya at agad kong ibinalik iyong tingin sa mga mata niya. Napalunok ako.

"In love ka na sa 'kin, 'no?" pabiro niyang tanong.

Ampucha.

"Baliw."

"Sa 'yo."

Nagsukatan kami ng tingin. Siya, nakangiti sa akin, habang ako, seryoso lang iyong tingin sa kaniya.

Ako na ang unang nag-iwas ng tingin. "Tara na," pag-aaya ko at tumayo na.

"Sige na, sige na, sasabay na 'ko mamaya. Sino ba naman ako para tumanggi sa crush ko, 'di ba?"

Umiling-iling ako.

Lumabas na kami ng library.

Habang naglalakad ay natanaw ko si Eve na papunta sa direksyon namin. Nang tuluyang makalapit ay huminto siya sa harap ko.

"Zaiden, kanina pa kita hinahanap."

Nagsalubong iyong kilay ko. "Bakit?"

"Hinahanap ka ni Ma'am Reyes."

"Sige, uh," Nilingon ko si Maggie. "Mauna ka na. Susunod na lang ako."

Tahimik siyang tumango at naglakad na papunta sa classroom.

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon