Chapter 11

17 1 0
                                    

Chapter 11

Naging okay na rin kami ni Maggie pagtapos no'n.

Nagsasagot ako ng activity sa Science nang marinig kong nahulog iyong ballpen ni Maggie. Out of impulse ay yumuko ako at agad ko iyong pinulot nang nagtama iyong mga kamay namin.

Ramdam ko iyong braso niyang sumasagi sa akin, naramdaman kong parang biglang may kuryenteng gumapang do'n.

Mabilis kong iniangat iyong braso ko at inilagay iyong ballpen sa lamesa niya, pagtapos ay bumalik ako sa ginagawa ko.

"Tsansing ka ah," sabi niya nang makaayos ng upo. Nang sulyapan ko siya ay nakita kong mayroong mapaglarong ngiti sa labi niya.

Napatigil na naman ako sa ginagawa at nilingon siya.

"Feeling mo," ismid ko pabalik.

"Na sa 'yo."

Umiling-iling ako. Ampucha, hindi talaga ako mananalo pagdating sa mga ganiyan niya. Lugi ako.

Naagaw iyong atensyon namin nang magsalita si Ma'am Reyes. "Also class, Foundation Day is on February 7. Class President, you'll be in charge. Like last year, we will have dance competition, relay games and of course, the highlight is speech choir and cheer dance. Let's talk more about it on our homeroom class. That's all for today. Goodbye class, prepare for our quiz tomorrow. Maggie, erase the writings on the board," saad ni Ma'am Reyes. Bakas ang pagtutol sa halo-halong reaksyon ng mga kaklase ko sa naging biglaang announcement niya tungkol sa quiz. 

Tumayo kaming lahat at nagpaalam na sa kaniya. Nang makaalis si Ma'am ay agad ko siyang hinabol.

"Ma'am!" Tawag ko. Lumingon siya sa akin at bakas iyong pagtataka sa mukha niya.

"Tungkol po ro'n sa pag-v-volunteer teacher, payag na po ako."

"Oo nga pala. Salamat naman anak at pumayag ka. Sige, ililista ko na iyong pangalan mo. O siya, bumalik ka na sa classroom niyo at may susunod pa kayong klase."

Papasok na sana ako sa classroom nang mapahinto ako sa bandang pintuan nang makita ko si Maggie na nagbubura ng mga sulat sa blackboard.

Oo nga pala. Inutusan siya ni Ma'am.

'Di ko alam kung tutulungan ko ba siya o ano, baka kasi asarin na naman kaming dalawa. Ayoko pa naman nang gano'n, sobrang uncomfortable sa pakiramdam.

Huminga ako nang malalim. Bahala na.

Lumapit ako sa blackboard at kumuha ng eraser sa lalagyanan no'n at binura iyong kabilang banda, malayo kay Maggie.

At sabi na nga ba, sinimulan na naman nila kaming tuksuhin.

"Nag-s-sail na ship natin sa room! Yie!"

"Yie, First lady!" Rinig na rinig ko iyong boses ng pang-aasar ni Janine.

"Totohanan na ba 'yung pambansang loveteam natin?"

Nang matapos ko nang burahin iyong isang side ay binalik ko na iyong eraser sa lalagyan at lumabas na 'ko nang hindi pinapansin iyong mga pang-aasar nila.

Dumiretso ako sa C.R at hinugasan iyong kamay ko roon sa lababo.

Pagkalabas ko ay bahagyang namilog iyong mga mata ko nang makita si Maggie na kakalabas lang ng restroom ng girls na katabi lang nitong sa boys. Hinugasan niya rin siguro iyong mga kamay niyang nalagyan ng chalk habang nagbubura kanina.

Nilingon niya ako at bahagyang napaangat iyong parehong kilay niya.

"Salamat pala sa pagtulong kanina," sabi niya habang diretso ang titig sa mga mata ko. Napalunok ako.

Trail of Love and Chase [Medrano Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon