Owner
"Paano ba ito?" kuryosidad kong tanong kay Jasmin habang hawak ko ang ilang palay.
Napatingin ako sa ilang mga magsasaka sa aking harapan tila napakadali ng kanilang ginagawa. Hindi na dapat ako na gulat roon dahil sanay na ang mga ito sa ganitong gawain.
Alas once na nang umaga pero ramdam ko na ang init ng tikas ng araw sa aking balat. Kahit naka sombrero at mahabang manggas ang aking suot, hindi pa rin naging sapat.
Napaangat ng ulo si Jasmin sa akin habang nakayuko ito. Pansin ang ilang mga pawis tumutulo sa kanyang noo kaya dali niya rin ito pinunasan.
"Sundan nyo lang ako Señorita," anya nito at matiyaga tinuruan ako.
Kahit papaano naman nasundan at nakuha ko na ang tamang pagtanim ng palay. Hindi basta madali ito kung hindi mo rin sasabayan ng tiyaga at sakripisyo. Kaya malaki ang respeto ko sa aming mga tauhan kung wala sila hindi masagana ang mga tanim.
"Ako na magtutuloy Señorita magpahinga muna kayo." saad ng isang lalaki na ngangalang Jeremy kung hindi ako nagkakamali.
Matangkad, moreno at may katamtamang katawan. Maamo ang kanyang mukha na palangiti parati. Pinakilala sa akin ni Jasmin kanina na kababata nito, kagaya rin sa mga magulang nito na matagal na rin nagtatrabaho sa hacienda bilang magsasaka. 4th year college na ito at ilang buwan matatapos na rin ito sa pag aaral.
"Okay lang ako Jeremy konti na lang naman ito." tanggi kong saad rito. Napakamot ito ng kanyang batok sa hiya.
"Mukhang gusto ka ng kaibigan ko Señorita," patawang saad ni Jasmin. Mabilis naman namula ang mukha ni Jeremy sa hiya.
"Jasmin!" anya sa kanyang pangalan tila sinabihan tumigil ito pero patuloy pa rin niloloko ni Jasmin.
" Wag kayong maniwala gaan Señorita, nag aalala lang ako at hindi kayo sanay sa ganitong gawain. Hindi tulad namin ni Jasmin sanay na," paliwanag nito. Napatango na lamang ako.
"Hindi kapani-paniwala yang paliwanag mo Jeremy," kontra ni Jasmin sa kaibigan hindi pa rin pinipigilan ang tawa.
"Pakitakip niyang bunganga mo Jasmin hindi ka na nakakatawa." Pansin sa mukha nito hindi na nasasayahan ang kaibigan. Nagpeace sign nalang si Jasmin pagbigay paumanhin sa kaibigan pero hindi pa rin nawawala ang pangasar dito. Nakasimangot na lamang si Jeremy.
I suddenly remember my two friends in Manila, Joshua and Emy. Parehong pareho rin sila dalawa ni Jeremy at Jasmin. Kung mag-asaran, konti nalang magsabunutan ang dalawa. I was always the referee of those two na nakakasawa maipit sa gitna but suddenly I missed the craziness and the bond we shared.
"Jasmin!" Sabay kami napalingon tatlo sa bandang kaliwa. Isang babae ang aking na nasilayan na kababa lang nito sa tricycle habang may malapad na ngiti sa labi na kumakaway sa banda namin.
"Cora!" Gulat na saad ni Jasmin at dali ito lumapit sa babae at niyakap.
Napakunot naman ang aking noo sa hindi pamilyar sa akin ang babae.
"Kamusta? Hindi mo naman sinabi sa amin ni Jeremy uuwi ka." Tila tampong saad ni Jasmin.
"Kala ko sa isang buwan ka pa uuwi," singit naman ni Jeremy at niyakap ito.
"Napaaga bakasyon namin," paliwanag ng babae sa dalawa.
Napaayos naman ang aking pagkatayo at tipid na ngumiti ng napatingin sa akin si Cora. Mahaba at umaalon ang kulay itim niyang buhok. Mestiza ito hindi kumpara sa aking kulay na olive skin. May katangkaran rin ito na tila parang isang modelo. Simple lang ito manamit na t-shirt at maong pants lang pero ubot pa rin ito ng ganda.
BINABASA MO ANG
SL 1: Keeping the Sun's Embrace
Romance[Santa Lucena Series #1] Keeping herself together in place. Celine Suarez is hesitant to set a new chapter of her life in a new place with unfamiliar people. Living supposedly with a simple life in a province, she started to question her past when s...