Honey
Pagkatapak ng kabayo sa aming lupain nakita ko kaagad si Jasmin nakaabang sa aking pagdating na dapat kahapon rin ang balik ko kung hindi lang nadatnan ng malakas na ulan. Nang huminto ang kabayo sa kanyang harapan agad rin ako bumaba at mabilis pinasok sa loob ng kwadra ang kabayo habang wala pa ang mga tauhan.
Nang napasok ko na ito sa kanyang kulungan hinawakan ko ang kanyang ulo kasabay hinimas. Napangiti naman ako rito ng nagustuhan niya aking ginawa.
"Grabe ang pag alala ko sa inyo Señorita inakala ko may nangyari na sa inyo." Saad ni Jasmin na hindi pa rin mawala ang takot sa kanyang boses.
Huminto naman ang aking paghimas sa ulo ng kabayo at lumingon sa kanya.
"Naabutan ako ng ulan kaya hindi rin ako nakauwi kahapon." Sagot ko sa kanya. "Sila lola at lolo nakauwi na ba?" Tanong ko dito.
"Hindi pa po nakakauwi Señorita, pagkakarinig ko po nagkaroon ng landslide sa isang daan papasok ng Santa Lucena kaya hindi rin po sila nakauwi kaagad."
"Ganun ba?"
"Opo, uuwi na rin daw sila ano man oras ngayon umaga Señorita ayon kay Mang Lilith. San pala kayo tumuloy Señorita?"
"Pinatuloy ako ni Baste," walang pagaalanganin kong saad.
"Talaga Señorita?!" Hindi mawala ang pagkagulat sa kanyang mukha tila hindi inaasahan ang aking sinabi. Tumango lang ako dito at tumungo na sa Mansion habang siya ay nakasunod sa akin hindi na nagtangka magsalita muli.
Pagkapasok namin sa pintuan nakahilera ang mga kasambahay at binatian ako.
"Magandang umaga Señorita!" Sabay sabay nilang bati habang nakaluhod ang kanilang mga ulo.
"Magandang umaga rin sa inyo lahat!" Bati ko pabalik.
"Nakaahin na ang iyong almusal Señorita," saad ng isang kasambahay tila iba ang tingin sa akin. I don't know why but the way she stare at me is something that made me not comfortable.
Sinundan ko ang kanyang tingin na siyang pagdududa na sa damit ko ito nakatingin pero may pangamba sa aking loob hindi mawari kung bakit. Lumakas ang tibok ng aking puso dahil sa kaba. Napatingin ako kay Jasmin sa pagtama ng aming mga mata tila naintindihan niya ang aking pinapahiwatig.
"Maliligo lang po siya Mang Nora kakagaling ng Señorita sa labas." Paliwanag ni Jasmin.
"Samahan mo ang Señorita sa kanyang kwarto at ipapaalam ko kay Lilith." Sagot nito pero hindi pa rin nawawala ang paghihinala sa kanyang mga mata habang tinitigan pa rin ang aking damit.
"Masusunod po Mang Nora." Saad ni Jasmin dito.
Hindi na ako nakapagsalita at diretsong pumunta ng hagdan patungo ng aking kwarto habang nakasunod si Jasmin sa akin.
It made me silent for no reason. What if she finds out that I had escaped yesterday? Or am I just getting paranoid too much?
Hindi ko ipinagkakait na hindi ko sinundan ang hiling ng Papá hindi tumungo sa lupain ng mga Cervantes pero mas lalo ako nasasabik harapin ang mga bagay na hindi nabibigyan kasagutan.
BINABASA MO ANG
SL 1: Keeping the Sun's Embrace
Romance[Santa Lucena Series #1] Keeping herself together in place. Celine Suarez is hesitant to set a new chapter of her life in a new place with unfamiliar people. Living supposedly with a simple life in a province, she started to question her past when s...