Sorry
The morning cold breeze from the sea woke me up. Tinignan ko ang paligid ko habang ako ay unti-unting na bumabangon. Napansin ko ang sliding door ng balcony ay naka open at ang mga puting mahahabang kurtina ay nahahanginan. Nakalimutan ko ata isara kagabi o si Jasmine ang nagbukas.
Dumiretso ako sa banyo upang maligo at magsipilyo na din. After doing my morning routine wearing a yellow flowery dress I went to the side of my bed where my coffee table is all set.
Nang natapos na ako nagtimpla ng aking ng kape lumabas ako tumungo ng balkonahe. Pinatong ko ang aking dalawang kamay sa railing habang hawak ko magkabilang kamay ang aking baso. Hinipan ko muna ang aking mainit na kape bago ako humihop. Habang tinatanaw ang dagat na malakas ang paghampas ng alon sa buhangin hindi ko maiwasan mapangiti.
Nilingon ko ang kabilang balcony kung saan ang kwarto nila Joshua at Emilie. Napatingin ako sa aking relo at alas siete ng umaga na. Mukhang tulog pa mga ito at sa dami ng kanilang nainom kagabi.
May upuan at mesa sa gilid ng balkonahe kaya umupo muna ako duon. Saglit pumasok sa aking isipan ang nangyari kagabi habang hinahalo ko ang aking kape at hindi ko mapigilang matawa at matuwa. Nakakahiya man isipin at alalahanin ang kabing iyon but I can't really forget I just kiss a man. I kissed Baste! Nakakahiya para akong desperada sa aking ginawa. Umiling na lang ako mawala sa aking isipan.
I took a sip of my coffee again as I closed my eyes. Minsan ko ulit maramdaman ang ginhawa at katahimikan. Mas mapayapa at kampante ako sa ganito na magisa para ako nakawalang ibon sa hawla. Siguro dahil parati ako may kasama at alalay parati sa tabi. Napabuntong hininga na lang ako.
Mataas na ang silaw ng araw tanaw sa aking harapan na ito nagrereflect sa ibabaw ng tubig dagat. Isang imahe na hindi ko pagsasawaan tignan.
Ang araw nagsisilbing liwanag ng lahat. Ang araw na nanatili sa itaas pinipilit paliwanagin ang lahat ng bagay kahit na dumating ang dilim. Ang gabi sa dilim ay tila isang blank canvas kinakailangan ng kulay upang magninging at magkaroon ng karaniwang ganda. Ganun siguro ako, naghahanap ng kulay para makompleto ang aking pinta sa buhay. It may take long but small steps is still a big process.
Agad ako napalingon sa kabilang balkonahe ng marinig ko ang pagkabukas ng sliding door.
"Ganda ng gising natin ngayon Amelia Celine!" bungad ni Joshua habang nag uunat ito ng kanyang katawan.
"Syempre magandang nangyari kagabi..." ngiti ko abot halos sa aking tenga pero mabilis rin napawi parang ibang ganda ata ang aking tinutukoy. Napataas naman bigla ang kanyang kilay tila na weirdihan sa akin.
"Dahil kasama ko kayo and I get to bond with you all?" Dugtong ko. Napakagat ako ng aking ibabang labi.
Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay tila sumusuko at ilang beses kumurap parang pinoproseso ang aking sinabi.
"Bakit may tanong sa huli?" May panghihinala sa kanyang salita.
Imbes na sagutin siya mabilis ako tumayo at agad pumasok sa aking kwarto binawela ang kanyang tanong. I don't want to discuss and argument about it and I know Joshua he will dig for more. Pagiingat kong hinawakan ang aking baso hindi pa nakakalahati ang aking kape habang sinara ang sliding door rinig ang sigaw ni Joshua.
"Hoy Amelia Celine! Kausapin mo ako! Wag mo ako tinataliku-!" Iniimagine ko nalang may usok sa kanyang ilong. Galit na galit na iyon panigurado. Napatawa na lang ako.
Naisipan ko na rin bumaba ng kusina maamoy ang nilulutong pagkain. Nakaramdam tuloy ako ng gutom sa sarap ng amoy. Pagkababa ko ng hagdan natanaw ko sa kusina sina Jasmine at Emilie nagluluto ng pagkain. Napatingin naman sa akin si Jasmine sakto kinukuha ang nilutong bacon sa kawali.
BINABASA MO ANG
SL 1: Keeping the Sun's Embrace
Romance[Santa Lucena Series #1] Keeping herself together in place. Celine Suarez is hesitant to set a new chapter of her life in a new place with unfamiliar people. Living supposedly with a simple life in a province, she started to question her past when s...