MTG 51

58 4 9
                                    

Sheena's Pov:
  wala akong maramdamang sakit sa kahit anong parte ng katawan ko pero nanatili pa din akong nakapikit

"Xiaaaaan!" gulat akong napadilat dahil sa sigaw ni kian

I saw Xian lying on the ground, hindi ko alam ang gagawin ko kaya napaluhod ako at inalalayan sya, my heart beat so fast na parang nahihirapan na akong huminga

agad namang may dumating na pulis para hulihin si Natasha at iba pang kasamahan nito, naisakay na din sa ambulansya si xian, habang ako nakatayo pa din at nanginginig ang buong katawan ko

" Let's go" hinawakan ako sa braso ni kian at tumango na lang ako at nag lakad kasabay sya

Nag taxi kami papunta sa hospital kung saan dinala si Xian, yes I admit I still care for him at hindi ko kakayaning may mawala pa ulit sa mga mahal ko sa buhay.

Nang makarating kami sa hospital ay pinatambay lang kami sa waiting area dahil na sa ER na si Xian

Isang malakas na sampal ang gumising sa buong pag katao ko

"It's all your fault!" iniangat ko ang ulo ko at nakita ko si Shantel

"Kapag may nangyaring masama kay Xian,pagbabayaran mo lahat" saad nito at dinuduro pa ako habang umiiyak

nagising ako sa sampal nya na ginusto ko yung taong pag mamay-ari na ng iba, may shantel na nga pala

"hey, stop hindi kasalanan ni sheena yung nangyari okay!" ani naman ni kian

"so sino, ikaw? okay both of you, mark my words kapag may nangyari sa mapapangasawa ko hindi ko kayo papagulugin" saad nito at naglakad na palayo, dobleng sampal yun sakin, My tears started to fall down di ko alam halo halo na emosyon ko ngayon.

1 WEEK LATER.

  Wala padin akong balita kay Xian and I really hope okay lang sya, si kian naman mag papahinga muna sa ibang bansa, while me mag-isa ulit gaya ng dati school at bahay lang, umalis nadin ako sa claxton company they have shantel, they don't need me anymore.

"Hi sheena" ani liemer habang naglalakad ako sa hallway at sinabayan nya ako

"hello" saad ko naman

"long time no see ahh, masyadong maraming challenges dumating sayo these past days" bigla syang humarang sa harap ko kaya napa hinto ako sa paglalakad

"don't worry I'm always here" ngumiti sya at kumindat bago umalis, I don't know how to react kaya nag patuloy na lang ako sa pag lalakad hanggang makarating ako sa classroom namin

maya maya pa ay break time na, nagulat ako dahil nakaabang si liemer sa labas ng classroom namin, syempre di mawawala yung pang-aasar ng mga kaklase ko

"Let's date, I me-mean sabay na tayong kumain HAHAHA" tumatawa pang sabi nito

"sure" saad ko at tumango,sabay kaming naglakad papuntang canteen

"what do you want? treat ko na" kumikindat pang saad nito

"coffee jelly nalang tsaka grilled sandwich" saad ko at ngumiti dito, naalala ko si shaira bigla haysss.

after that naghanap nako ng mauupuan, at may bakante naman dun sa may dulo so I decided na dun na lang umupo, I lost my precious friend at hindi naman masamang magkaroon ulit ng kaibigan

"here, beautiful lady" nakangiting sabi nito at ibinigay yung coffee jelly tsaka sandwich at ganun din ang kanya tss, gaya gaya

"Thank you" saad ko naman

Maya maya pa ay umingay na yung canteen,

"omo Xian is baaaaaaaack!" bigla akong napalingon sa sigaw ng babae, okay na kaya sya? malamang kaya nga pumasok na ulit diba? tanga lang sheena?

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon