MTG 34

31 2 0
                                    

DAY:2 BONFIRE DARE

Sheena's Pov:
Nakaupo kami ngayon sa isang kahoy na upuan at nasa harap namin Ang bonfire at kaming lahat ng studyante ay nakapalibot sa bonfire so bale nasa lapag lang naman ang bonfire kaya Kita parin namin ang isang isa kahit bonfire lang ang nagsisilbing ilaw namin at may kaunting liwanag ng lamp post na nagmumula sa mga cottage at liwanag ng buwan at mga bituin

"So ang gagawin naman natin ngayon ay nakakaexcite" Sabi ni Janine at tsaka tumayo kasama si Jinshane

"tinatawag namin itong Bonfire Dare" ani Naman ni Jinshane

"Madali lang naman to, from the word itself Dare, More on Dare Lang tayo" Si janine naman ang nagsalita

"Sa Garapon nato may mga dare na nakasulat so bale bubunot Lang kayo, wag kayong magalala dahil sobrang dami ng dare nato at Hindi kayo mauubosan hahaha" mahabang litanya ni Jinshane

"Let's start with ate gurl" ipinasa nila ang garapon sa babae

"Sumigaw ng (Hindi ako magkakajowa)" nahihiya pang Sabi nya

"Hiiiiiindiiii akooooo magkakajooooowaaaaa" sigaw nya naman at nagtawanan ang mga studyante, umikot pa ang garapon at iba't ibang dare ang ginawa nila hanggang sa dumating Kay kian yung garapon at bumunot ito

"titigan mo yung taong special para sayo" basa nya dito kaya napangiti sya ng malawak, lahat kami nakatingin Lang sa mata nya at nakapangalumbaba nya pang tinitigan si shaira ito namang si shaira kilig na kilig, hindi nako magtataka kung ilang araw ang makalipas sila na o baka nga sila na hindi lang maamin, nakatitig parin nyang iniabot kay shaira yung garapon kaya hinampas pa sya nito hindi ko alam pano iexplain basta alam nyo yung malanding hampas tskk.

"Scream that Special person you've known" basa nya dito at tumayo, eh sino paba edi si kian

"Sheenaaaaa my beeeeest frieeeend" sigaw nya na ikinagulat ko

"Sorry kian your special too, but Sheena is the most hahahaha" Sabi nya pa, hindi ko alam ang irereact ko pero ngumiti nalang ako nung tumingin si shaira sakin, pero isa lang masasabi ko I really appreciate it.

"your next" ani ni shaira at iniabot sakin ang garapon, medyo kinabahan ako, bumunot na ako at binuksan yung papel na nabunot ko

"Show your talent" basa ko dito at tsaka tumayo, ang kj ko naman kapag hindi ako nakisama

"maliban sa pag momodel ate Cassidy uhh" sabi ng isang studyante at umagree naman yung iba,

"Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka
Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay
O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa
Nating dalawa"
[KLWKN BY: MUSIC HERO]

Kanta ko hindi ko alam kong nagandanhan ba sila sa kanta ko o hindi dahil nanatili silang tahimik pero hindi kona yun pinansin at umupo na basta natapos kona yung dare ko

"ate Cassidy myghadddd hindi mo manlang sinabi saming maganda pala boses mo"

"Yahh, I feel like I'm in heaven ang smooth ng boses nya parang clouds"

"Ang sarap sa earrsss"

"mapatulala kana lang talaga e noh"

Nagulat ako sa mga side comments nila, aisshh

"Hoyy Sheena, hindi mo man lang sinabing may itinatago kapa palang nakakaakit na boses" kinalabit ako ni shaira at sinabi iyon, nakakailang kaya kapag pinupuri ka hindi mo alam ang isasagot mo.

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon