Sheena's pov:
"At dahil tulog pa si shaira ikaw nalang ang tatanungin ko" saad ko kay kian habang nakaupo kami sa labas ng clinic
"Hmmm?" sagot nya naman
"Ano bang nangyare? kasi lagi nalang sya yung pinupunterya ni natsha e" pangalan palang ng babaeng yun umaapoy nako sa inis
"Ahh, Kasi kanina tinanong kolang naman si shaira kung bakit nya ako iniiwasan" panimula nya
"tapos ayun sinabi nyang gusto nya parin ako" kalmadong saad nya
"tsskk, kala koba move on na sya" mahinang bulong ko
"oh, e bat nagkaganun yun si natasha?" tumingin rin sya sakin
at nagkibit balikat ito"Spy ang gaga" napapailing pa sa ereng sabi ko
"Nayss, may stalker kana pala ngayon" mapang-asar na saad ko,
"hindi na bago yun, simula palang nung nasa ibang bansa kami e kusa na syang lumalapit sakin" Seryosong saad nito
"Napaka desperada, tss at si shaira pa ang ginaganyan nya ah" Sabi ko
"pasensya na sa kaibigan mo ahhh," Senserong saad nya
"eh? bat ikaw ang nagsosorry?"Kumunot ang noo ko rito
"dahil feeling ko sakin talaga nagsimula lahat? at kung bakit sya laging nasasaktan?" tugon nya pa
"Pero anong naramdaman mo nung nalaman mong gusto ka ng kaibigan ko?" deretchahang tanong ko
"Syempre natuw- este"
"aysos, pumasok kana sa loob at sabihin morin yang nararamdaman mo" mapang asar na saad ko at itinutulak pa sya papasok sa loob, minsan lang din magkagusto si kian at sinisigurado nyang tamang babae ang magugustuhan nya at satingin ko perfect ang kaibigan ko sa kanya
Naramdaman kong naiihi na ako kaya patakbo kung tinungo ang cr at pumasok sa cubicle ilang saglit lang ay natapos narin ako ng pabalik na sana ako at napahinto ako sa Music Room, andyan kaya sya? kumakanta? dahan dahan kong ipinihit ang door knob ngunit tahimik ang loob at medyo madlim
Mamaya maya pa ay may humawak sa kamay ko na nakapatong sa door knob at mabilis na itinulak yun dahilan para mauntog ako sa pinto
"Ano ba?" inis na saad ko rito
"Sino ba may sabing pumwesto ka jan?" Naglakad ito papuntang stage kaya patalikod nya akong kinakausap tss, bastos
"ikaw lang ba ang may karapatang pumasok dito? Music room to kaya kahit sinong studyante pwedeng pumasok dito!" Asar na sabi ko
"Sinabi korin yan non" hindi ko alam kong anong gusto nyang ipahiwatig o kung ano man yun wala akong pake
"Makikinig ka sa pagkanta ko?" sarkastikong saad nya na para bang pinapaalis ako
"Akala mo kung sinong mahusay kumanta" Angal kopa
"alam kong gusto mokong makausap, pero makakaalis kana" Hambog na saad nito letche
"Lol, sinong gugustuhin kang makausap e hindi ka naman matino kausap!" inirapan ko sya kahit hindi nakatingin sakin, medusa bako? na kapag tumingin ka sa mata ko ay magiging bato? tss
"Why, are you still standing there?"Yabang na tugon nito na umismirk pa sa kawalan lumabas ako sa kwartong yun at padabog na isinarado, pumanhik muna ako sa classroom para ipaalam sa subject teacher namin ang nangyare at para maiexcuse si shaira, wala pa namang absent yun ng matapos kung maipag paalam ay bumalik na ako sa clinic at baka gising na si shaira para makapunta na kaki sa dean's office hindi pupwedeng ako lagi o kami lagi ang isusumbong nya kay dean, sa oras na to sya naman, kaya naman pala sumisipsip kay dean kasi may gusto kay kian tskkk, Ng tanaw kuna ang clinic ay kitang kita kong malungkot na lumabas si kian don, kaya dali dali akong pumanhik dun pero hindi kona sya naabutan dahil mabilis itong naglakad palayo, pumasok ako sa loob para sana alamin yung nangyare, at kita kong umiiyak si shaira
BINABASA MO ANG
MEET THE GANGSTER (ON-GOING)
Random"Gangster's never change but they know how to love"-sheena "ENJOY READING"