MTG 42

30 1 0
                                    

Sheena's Pov:

Ng matapos ang klase ay agad akong dumiretcho sa Police station dahil sabik na sabik na akong malaman kung sino ang taong yun, Ng makarating ako sa presinto ay agad akong pumasok sa loob

"Mabuti naman at nakarating kayo kaagad" ani ng police na humahawak sa kaso ni papcy dahil kilala ko narin sya at nakaupo ito sa desk nya.

"Asan na ho ba?" Saad ko dahil excited at may halong kaba na ang nararamdaman ko,

"here's the CCTV footage" iniharap nya sakin ang laptop at may ipinanood saakin, pero Hindi ko masyadong naaninag dahil medyo malayo ang kuha ng cctv

"Yan lang Kasi ang cctv na nakuha namin" sambit pa ng police

"may picture ho ba kayo?" Sabi ko at iniharap nya sa kanya ang laptop at may kinakalikot doon at muling iniharap sakin

Nagulat ako sa Nakita ko, hindi ako pupwedeng magkamali dahil kahit na balot na balot ito at natatandaan ko ang gamit gamit nyang hood

"kilala mo ba sya?" Ani ng police marahil siguro nakita nya ang reaksyon ko

I still shocked, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko kahit nakatalikod ito sa picture ay alam kong sya iyon, ngayon ko masasabing hindi na pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya kundi galit, ikinoyum ko ang dalawang kamay ko at napapikit dahil ramdam kong may tutulo na namang luha sa mata ko, bakit sya pa? at bakit nya ginawa Yun? bakit nya binawian ng buhay si papcy? sino ba sya?

"Kung kilala mo sya e pakisabi nalang ng buo nyang pangalan" Saad pa ng pulis, huminga ako ng malalim tsaka dumilat

"Xian Matt Claxton" Seryosong ani ko

"Sige iimbitahan namin sya bukas" Sabi pa ng pulis

"hindi ho ba pupwede ngayon?" seryosong Saad ko

"Pwede naman kung gugustuhin mo" dagdag pa ng pulis

"bukas na lang ho at si mamcy na lang ang kakausap, mauuna na ho ako" Saad ko at naglakad na palabas ng presinto, hindi ko na kaya pang makita sya dahil kung nagkataon baka gulo lang ang mangyayari dun.

Hindi muna ako umuwi sa bahay dahil dumiretcho ako sa claxton company at agad na tinungo ang office ni Mrs. claxton

"Sorry Mrs. Claxton, I need to re-sign as your model" Seryosong Saad ko ng tuloyan akong makapasok sa office nya

"Bakit? may mali ba? dahil ba kay shatel to Cassidy? pwede Naman nating ayusin kung ano mang problema" mahabang litanya nya

"Hindi ho, malaki ho ang naitulong nyo saakin at tatanawin Kong utang na loob yun" ani ko

"pero at this time, may mga bagay akong dapat pagfocusan" dagdag ko pa

"eh mukhang desidido ka naman na Cassidy, eh Wala na kong magagawa  pero kapag gusto mo na ulit bumalik welcome ka parin dito" nakangiting sabi ni Mrs. claxton at inabot sakin ang isang papel at pumirma ako dun

"Maraming salamat ho" ngumiti ako saglit at lumabas na rin ng office, pumara ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin

"Oh Sheena anjan ka na pala" ani mamcy ng makapasok ako sa bahay, umupo ako sa sofa at tumabi rin sya sa tabi ko

"Kilala na kung sino ang pumatay kay papcy" sabi ko habang nakatingin sa kung saan

"huh?, sino daw" gulat pang Saad ni mamcy

"School mate ko Lang" seryosong Saad ko

"Really? tara sa presinto at kailangan Kong makita yan" tumayo sya at agad ko namang pinigilan

"Bukas pa nila maiimbitahan mamcy" sambit ko pa

"Grabe naman" humina ang boses ni mamcy kaya Alam Kong umiiyak sya

"Mamcy Can we moved to states?" seryosong ani ko

"huh? papaano ang pag-aaral mo dito?" Sabi nya

"Dun ko itutuloy, masyado ng toxic ang paligid ko dito" ibinaba ko ang nakasukbit na bag sa likod ko, at inilapag iyun sa mesang nasa harap ko

"Are you sure Sheena?" tanong pa ni mamcy at humarap ako sa kanya
at ngumiti

"but I can't be with you" malungkot na Saad ni mamcy
ç
"it's okay mamcy mas kailangan ka dito, I can handle my self" nakangiting Sabi ko sa kanya

"Pwede ba Sheena na dito ka nalang?" ani pa ni mamcy at hinawakan ang kamay ko

"Kailangan ko muna mamcy ng kunting peace" tumingin ako sa mata nya at ngumiti

"Okay sige, pero months lang mga 3 months?" naka pout pang Sabi nya, ngumiti ulit ako Kay Nancy

"5 months mamcy" Sabi ko, dahil masyadong maikli ang 3 months para mag moved on!

"If that's your final decision then go" ngumiti na si mamcy sa akin kaya niyakap ko sya ng mahigpit

"Thank you mamcy, ma mimiss kita" ani ko at hindi parin bumibitaw sa pagkakayakap sa kanya

"Lalo naman ako, basta balik ka kaagad ahh" umiiyak na namang Sabi ni mamcy

"kayo na ho ang bahalang magpakulong sa taong yun at kung maaari mamcy wag nyo ng pagpyansahin" ani ko at bumitaw sa pagkakayakap namin

"hinding hindi sya makakalabas" galit na Saad ni mamcy

"bukas na bukas rin mamcy ay aalis na ako" ngumiti ako Kay mamcy

"oh sige ako na bahala sa school mo at ako na ang kakausap sa dean nyo" pinunasan ni mamcy ang luha sa mata nya

"alagaan mo ang sarili mo mamcy ahh dapat pag balik ko strong ka padin" tumingala ako dahil naiiyak na rin ako

"Araw araw Naman akong makikipag video call sayo para kumustahin ka" dagdag ko pa at kahit nakatingala na ako ay tumulo parin ang luha sa mata ko habang si mamcy naman ay umiiyak na rin, ayukong iwan si mamcy pero ayuko rin namang manatili pa rito ng hindi ko alam kong papaano ko sisimulan ang araw ko, naiintindihan ko din si mamcy Kung bakit ayaw nyang sumama marahil hindi nya maiwan tong bahay namin dito at mas madami syang kailangan gawin dito sa pilipinas

"i-ikaw mag-iingat k-ka d-doon ahhh" utal na sabi ni mamcy habang umiiyak pa din

"oo naman mamcy" pinunasan ko ang luha ko at pilit pinapatatag ang loob ko.

"oh sige na hahahaha, mag ligpit ka na ng mga gamit mo at magpahinga ka narin" tumawa pa si mamcy sakin at pinunasan ang luha sa buong mukha nya, ngumiti rin ako Kay mamcy bago umakyat ng kwarto ko,Ng makarating ako sa kwarto ko ay inumpisahan ko ng maglagay ng gamit sa maleta ko, naisipan kong hindi na lang magpaalam pa kila shaira dahil alam kong pipigilan lang din nila ako kaya mas mabuting kapag nandun na ako sa Canada ay tsaka ko pa lang sasabihin, Ng matapos Kong ligpitin ang gamit ko ay nagpa online book na ako ng ticket papuntang Canada, ng omokay ang transaction ay humiga na ako sa kama ko, I want to build up my self in Canada, para kapag nakabalik na ako okay na ang lahat, at wala narin yung sakit na nararamdaman ko.

Thank you for Reading!
-Moonxie_20🌙

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon