After One week Ago
Kian's Pov:
Isang linggo na ang nakakaraan ng mawala si tito ang daddy ni sheena at maging sa klase ay napakatahimik nya wala syang gustong kausapin maging ang kaibigan nyang si shaira, Tinry korin syang kausapin pero tumatango lang ito at mabilis ding umaalis,
Kasalukuyan akong nakasandal sa pader sa may hallway habang pinagmamasdan si sheena na nakaupo sa ilamin ng puno,"Hoy matutunaw yang kaibigan ko" medyo napaayos pako ng pagkakasandal dahil sa gulat, napatingin ako sa likuran ko kung saan sya naroroon
"Hindi naman hahahah" natatawang saad ko
"Gusto konga syang kausapin e, kaso ayaw naman nya" nakacross arm itong pumunta sa gilid ko habang ako ay ibinaling ulit kay sheena ang paningin
"hayaan nalang muna natin sya" inilagay ko sa bulsa ang dalawang kamay ko ng nakasandal padin sa pader
"oo nga pala, buti kinausap muna ako ahhaahhaha" natatawa pang sabi ko at nilingon sya
"Hindi na kasi kita gusto duh" tumaas pa ang isang kilay nito
"Bakit naman?" tanong ko dito pero binigyan nya lang ako ng nagtatanong na tingin
"I mean Bakit hindi na e parang dati lang gustong gusto mo sa mga dancers hahahah" pageexplain ko pa
"Eh kasi crush lang naman yun madaling mapalitan hahaha" iniwas nya ang tingin sakin at tumingin sa malayo
"Haahhahaa okay" natatawa pang sabi ko tsaka muling tumingin kay sheena na ngayon nakatulala parin sa malayo na parang sobrang dami ng iniisip
"tara" saad ni shaira at nanguna sa paglalakad patungo kung saan naroon si sheena ngunit ng makalapit kami ay saktong pagtayo nya tsaka naglakad at kami naman ay nanatiling nakasunod sa kanya
"ohh, balita ko namatay papa mo sheena" nakasalubong ni sheena si natasha habang kami ay nasa likuran nya parin akma namang lalapit ako para awatin si natasha pero hinawakan ako ni shaira sa braso ko at umiling ito sakin
hindi ito pinansin ni sheena at nagtuloy lang sa paglalakad ng hawakan sya ni natasha sa kamay at para matigil si sheena sa paglalakad na agad din namang iniwaksi ni sheena dahilan para matanggal ang pagkakahawak ni natasha sa kamay nito
"hahahaha" tumawa pa ito ng bahagya
"Anong pakiramdam ng mawalan ng ama?" mapang asar na tono ni natasha, ngunit tinignan lang ni sheena ito mula ulo hanggang paa at tumalikod uli
"bastos" sinabunutan ni natasha si sheena at agad namang humarap si sheena at ginamit ang tuhod nya para sikmuraan si natsha dahilan para mapahawak sya sa tyan nya at mapaluhod sa sahig dahil narin sa bilis ng pangyayare ay hindi na kami nakagalaw sa pwesto namin ni shaira at pinanood nalang na lumayo si sheena
"Hoy kian hindi mo manlang ba ako tutulungan?" as a gentleman e mabilis akong lumapit dito at tinulungan sya
"samahan moko sa daddy mo at magrereport tay-"
"ang kapal ng mukha" napaangat ako ng ulo at napatingin kay shaira na ngayon ay palayo na
"Ikaw ang nagumpisa nyan natasha isa ka pamanding SSG president" napapailing na sabi ko rito at tsaka sumunod kung saan patungo si sheena.
-----------Shaira's Pov;
Mabilis akong umalis sa lugar nayon hindi dahil nagseselos ako dahil tinulungan ni kian yung babaeng yun aishhh kagaya na lamang ng sabi ko wala nakong gusto kay kian, as in wala na
Mabilis kong sinundan si sheena at patungo iyon sa classroom namin, kaya mabilis akong humabol sa kanya, dahil ayuko na ng ganito gusto kona syang magtaray ulit.
"hoyyyy" hinawakan ko ang braso nito dahilan para mapatigil sya sa paglalakad habang nasa harapan parin ang dereksyon ng kanyang buong katawan
"Di kaba talaga mamamansin?" malumanay na sabi ko na wari'y nagpapaawa tchhh sa kanya lang ako nagpapaawa ng ganito
ilang saglit lang ay nagtuloy ulit sya sa paglalakad kaya hinawakan ko ulit sya sa braso pero bigla nyang tiningnan ang kamay kong nasa braso nya kaya napabitaw ako aishhh baka masikmuraan ako
"Pansinin muna kasi ako" nakangusong saad ko kaya seryoso syang napatingin sa mukha ko
"Papansinin kita with a deal" seryosong sabi nya pa kaya medyo napangiti ako
"yesss"sigaw ko pero mahina lang sabay talon ay oo nga pala medyo lang yun
"ano yun?" dagdag kopa pero hinila nya lang ako papuntang classroom saktong wala namang tao sa room nayun
"sabi kasi ng pulis, may pumatay kay papcy tulungan mokong hanapin sya" walang paligoy ligoy na sabi nito ng makapasok kami sa loob ng classroom
"huh? sino naman ang may galit kay tito?" gulat na tugon ko
"kaya nga hahanapin natin diba?" inirapan nya ako!
basta talaga may nagkakasala sa kanya kailangan hanapin e kagaya na lamang nung dalawang lalaking pinagtripan sya, balita ko dun umalis na e kaya hindi na namin naituloy ang balak namin gwapo pa naman saya hayssss saya-
"nakikinig kaba?" sarkastikong saad nito
"Oo dalawang tenga ko bukas" inirapan ko rin sya
"tsss, deal is a deal" nakacross arm na sabi nya, tch kala mo naman talaga
"oo na oo na, pero pano?" Idinikit nya sa muka ko ang papel dahilan para wala akong makita at nung tangalin ko yun ay wala na sya sa harap ko, ibinaling ko ang tingin sa papel at may nakasketch dito na pustura ng isang lalaki siguro ito ang hahanapin namin, detective ba kami? Sherlock ehem baka naman
"Wala po kaming yelo" napabalikwas ako ng may nagsalita na nagmula sa likuran ng classroom, agad akong tumingin don at mga kapwa studyante ko rin
"ahh wala ba" nag fake smile pako nakakahiya, tas ayun nagtawanan sila,kaya mabilis akong umalis sa classroom nayon.
"Uy Shaira" Tskk, Nanatili akong naglalakad hindi pinansin ang ano mang tumatawag sakin mula sa likuran, pero dahan dahan lang akong naglakad kasi? wala trip kolang
"Shaira" agad itong pumunta sa harapan ko dahilan para mapahinto ako
"what?" nakataas kilay na tanong ko
"Nahanap mona si sheena?" nakangiting tanong nya kaya tumango ako
"San nagpunta?" Tanong nya ulit
"Sa classroom" Saad ko at tinarayan sya
"salamat" ngumiti ito tsaka patakbong umalis, at sa classroom nga namin ang punta nya, Itinupi ko yung bond paper na hawak ko tsaka inilagay sa bag, San naman kaya namin hahanapin yun? aishhh Siguro gusto na ni sheena agad bigyan ng hustisya si tito, I felt bad for sheena kasi sunod sunod yung di magandang nangyare sa kanya.
═══════ ◖◍◗ ════════
Thanks for Reading!
-Moonxie🌙
BINABASA MO ANG
MEET THE GANGSTER (ON-GOING)
Random"Gangster's never change but they know how to love"-sheena "ENJOY READING"