MTG 49

51 3 4
                                    

Kian's Pov:

[Play: You said You'd grow old with me by: Michael schulte for better Reading!]

Dahan dahan akong naglakad papunta kabaong nya, Ngayon ang burol ni shaira pero fresh padin sa akin lahat ng nangyayare, Pinipigil ko ang luha ko ng palapit ako sa kanya hanggang sa tuluyan na akong makalapit, She looks so beautiful, dahan dahan ng tumulo ang mga luha ko

"bakit ambilis mo namang nawala" hinawakan ko ang salamin ng kabaong nya

"ba-bakit ng iwan ka agad, diba sabi mo sabay tayong tatanda, Hindi mo ako iiwan diba" mahinang Saad ko kay shaira

"luvs you said you'd grow old with me bakit mo ako iniwan" Kagat labi Kong sabi dahil konting konti na lang hihikbi na ako

"Babalik pa tayo sa Isla diba?, do-doon tayo mag ce-celebrate pag nag 1 year na tayo diba luvs, gumising ka na jan Sabi mo magtatapos ka pa ng Pag-aaral mo kasi para sayo isang achievement na yon" Hindi Ko na kaya pang pigilan ang sarili ko kaya humagolgol na ako habang umiiyak

"Pa-parang na-natutulog Lang sya noh" boses ni tita na umiiyak din

"I can't imagine na mag kakaganito sya, kaya pala nung 18th birthday nya paulit ulit nya akong niyakap she always says I love you" tumingala si tita

"Ta-tapos pagtumitingin sya sakin she always give me a big smile, Yun nga lang Wala kami palagi ng daddy nya para alagaan sya, Hindi ko man lang nakasama ng matagal ang anak ko" niyakap ko si tita dahil parang anytime tutumba sya, Kung masakit sakin mas doble yung kanya

"but she's still strong, kaya nung minsang nagusap kami sabi nya si Sheena daw model na, as a bestfriend daw ni Sheena proud na proud daw sya sa naabot ni Sheena pero samantalang sya daw Wala man Lang isang achievement, ang Sabi ko Naman sa kanya Yung pagiging independent nya isa na yun sa achievement na ibinibigay nya sa Amin ng daddy nya" mahabang kwento ni tita

"Shaira is happy what she have at nakukuntento sya sa bagay na meron sya, ayos na sa kanya Kung nasaan nya at kapag nasanay sya sa isang tao mag sstay at magsstay sya, like Sheena, I like to transfer shaira in abroad para dun na sya mag aral ang dahilan nya naman mas gusto nya daw sa lewestone para makasama nya so sheena at nung nakilala ka nya mas ayaw nya ng umalis" umiiyak pa ring sabi ni tita

"Pe-pero Wala na e Wala na ang anak ko" tinapik ko ang likod ni tita, pinunasan ko ang luha ko gamit ang panyo ko, inalalayan ko si tita paupo sa may upuan, madami ding tao ang nakikiramay may mga studyante din at mga kasamahan ni shaira sa SSG council pero hindi ko napansin si Sheena, padalos dalos pa Naman ang isang yun

"Justice for shaira" ayan ang pumapasok sa isip ko, Hindi ako makakapayag na hindi rin mamatay ang pumatay sa kanya, be ware Xian kahit gaano kapa ka demonyo,

I just staring at her all the time, inaalok nila ako ng pagkain pero tumatanggi ako

"Son, I know it's hard for you but, don't forget to eat, I am sure na hindi magugustuhan ni Shaira na pinapabayaan mo yung sarili mo" hindi ko namamalayang nandyan na pala si daddy sa likoran ko, pinunasan ko ulit ang luha sa mga mata ko

"I-I s-still ca-can't believe dad"utal na sabi ko

maya maya pa ay may tumawag sa cellphone ko kaya agad kong kinuha yun sa bulsa ko at lumabas sa bahay nila tsaka ko sinagot ang tawag

"Hello" saad ko na pinunasan pa ang luha

"Kian pumunta ka dito sa may highsky, handa mo na din ang sarili mo" Sabi ni sheena sa kabilang linya at inend na yung tawag alam ko ang nasa isip nya.

Agad akong nagtungo sa Highsky at ng makarating ako dun ay nakita ko si Sheena kasama si kleanton yung tumulong samin makatakas

"hey" ani kleanton kaya tumango na lang ako

"sasamahan nya daw tayo" walang emosyong sabi ni sheena at naunang lumakad at ganun din si kleanton kaya sumunod na din ako sa kanila, tumawid kami sa hanging bridge at nakarating sa kampo nila, hindi ko din alam kong bakit sugod kami ng sugod pero gusto kong makaganti sa pagpatay ni xian kay shaira, ng makarating kami sa kampo nila ay may humarang samin mga kaedaran din namin at sa pagkaka alam ko taohan to ni xian, ng tumingin ako sa likoran ko ay may humarang na din

Suddenly kleanton laugh at may kinuha sa tagiliran nya

"It's a prank" mala demonyong tawa ang ibinigay nya samin at tinutukan kami ng baril

"ambilis nyo kasing mag tiwala e HAHAHHAA, by the way hindi naman talaga si Xian yung pumatay kay shaira e" tumatawa pading sabi nya at nakatotok padin samin yung baril kaya nanatili lang kaming nakatayo, don't trust anyone even they help you yan ang tumatak sa utak ko, wala naman ng kawalan kong mamamatay ako.

"I pay someone to do it, and play the role of Xian" may pumuntang lalaki sa gilid nya at kasing tangkad ni Xian at kasing laki ng katawan na kapag nakatalikod ay mapagkakamalan talagang si xian

"good joob" tinapik pa ni kleanton ito sa balikat

"salamat boss" ani nito at bumalik na sa kinatatayuan nya kanina

"any last word?" demonyong ngiti ang ibinigay nya samin

"ikaw mamamatay ka nanga lang nag aangas angasan ka pa" tinutok nya kay sheena ang baril kaya napatingin ako sa kanya, nakangisi ito

"wala namang mawawala sakin kong papatayin mo ako, kaya go" ani sheena

"masyado na kasi kayong maraming nalalaman e, lalo kana ng dahil sayo nagkasira sira tong gang na binuo ni Xian!" galit na saad ni kleanton kay Sheena na dinuduro pa sya gamit ang baril

"I really don't care" sabi ni sheena

"at pasabi jan sa xian na yan wag nyang takasan yung ginawa nyang pag patay sa papcy ko!"galit na pagkakasaad ni sheena

"HAHAHAHAH, kumalma ka muna last word na nga lang hinihingi ko e andami nyo naman satsat"

"tsaka sheena alam mo ba ginawa mo kung bakit nagkasira sira tong gang?" tanong pa nito lay sheena

"wala akong balak alamin" sarkastikong saad ni sheena

"wala ka mang balak, ipapaalam ko parin sayo" nakangising saad ni kleanton kay sheena

"Umalis sya sa pagiging leader ng gang dahil gusto nyang magbagong buhay HAHAHAHHA" tumatawang saad ni kleanton

"oh anong kinalaman ko dun?" inis na saad ni sheena

"nagsimula yun nung nakapasok ulit sya sa lewestone University" pinaglalaruan nya ang baril na hawak nya

"alam mo ikaw lang nagpapatagal ng buhay namin" asar na saad ni sheena

"gusto mo ng mamatay e noh!, mag antay ka ipapaalam ko muna sayo kung anong dahilan ni xian kung bakit sya aalis sa gang" ani pa ni kleanton tsk, nakaka umay

"gusto nya ngang mag bagong buhay diba sabi mo, end of the story" ani pa ni sheena

"dahil may gusto sya sayo!"

Thank you for Reading!
-Moonxie_20🌙

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon