MTG 38

32 2 0
                                    

Sheena's Pov:

Maaga kaming nagising dahil, maaga daw ang balik namin sa Manila, as usual naligo muna kami at kumain tsaka nag impake ng mga gamit namin, Mamimiss ko tong lugar na to dahil dito ko napa-amin ang sarili ko,Wala naman palang masama kung makikisama ka at iwasan ang pagiging kill joy in fact dun mo pa mas makikilala ang sarili mo.

"Andyan nadaw yung yate guys" Sabi ni Janine na kakapasok lang sa kwarto namin by the way It's Saturday kaya may pahinga pa kami bukas bago bumalik sa Skwelahan

Lumabas na kami ni Shaira sa kwarto kasama ng mga maleta namin

"uyy, Sabay na ako" Si kian na kakarating lang at tumabi kay Shaira tsaka sabay sabay kaming naglakad papuntang Yate.

Ilang oras pa ang nakalipas ay nakarating na kami sa Lewestone University dahil dun kami ibinaba .

"Sabay na tayong umuwi Sheena" Si Shaira na kasama padin si Kian

"Oo nga, yung kababata ko minsan ko nalang maka-usap" Saad naman ni Kian

"Busy ka na kayo sa isa't isa e" Tugon ko naman

"Hala syaaa, hoy hindi ahhh lab padin naman kita" lalapit sana sakin si Shaira para yakapin ako pero agad ko syang itinulak

"yakkkk, oh sige na mauna na kayo dadaan pa kasi ako sa Claxton Company" Ngumiti ako sa kanila

"padala nalang din ng maleta ko, padaan sa bahay nandon naman na si Mamcy" ngumiti ako ng malawak sa kanila

"Para makita yung crush mo?" mapang asar sa sabi ni kian

"Sinabi mo?" taas kilay kong tanong kay shaira

"Sa kanya lang naman ehheheheh" pekeng tawa pa nya at kinuha ang maleta ko

"Oh sige na ilayo mo na tong Girlfriend mo baka makalbo ko pa" nakahawak pa sa ulo ko ang kamay ko habang nakayukong sabi ko.

"Hahahahahah, oh sya sige ingat ka" sabi pa ni Shaira

"Ingat Sheena" ani Kian at pinanuod Ko na silang sumakay sa kotse ni Kian.
Habang nag-aabang ako ng taxi sa labas ng University, ay may bigla nalang may kotseng pumarada sa harapan ko, maya maya pa ay binuksan nito ang bintana ng kotse nya at iniluwa dun ang isang gwapong lalaki este si Xian kaya medyo nagulat ako

"Mag rereport ka kay Mrs. Claxton diba?" Ani nya pero nasa manebela lang ang paningin nya

"Ah-ahh e-eh Oo" utal pang Sabi ko, nagtataka lang ako kung pano nya nalaman yun

"Sumabay kana" Sabi nya pa na ikinagulat ko lalo at the same time naiilang rin ako

"Hi-hindi na mag tataxi nalang ako" Tanggi ko naman

"Tssss, Bilang ako Ang irereport mo naninigurado lang akong maayos Ang pagkakasabi mo kay Mrs. clacton" lumingon ito sakin saglit

"Sumakay ka nalang" dagdag nya pa, e baka sabihin nyang pakipot ako eh sumakay nalang ako, pero syempre nandun padin yung ilang,

"Dun ka sa back seat" Sabi nya pa ng sasakay na sana ako sa harapan, isinarado ko ulit ang pinto at dun sa back seat umupo. Hanggang sa Inistart nya na at nagdrive na sya, Napapapikit nalang ako dahil sa bilis nyang mag maneho, mahigpit narin ang kapit ko sa upuan, kahit may seat belt ay parang any time pwede akong lumupad, kaya laking pasasalamat ko ng nasa claxton building na kami, Syempre bumaba na ako agad, hindi naman gentle man ang isang yan tsskkk. nauna na syang pumasok sa loob ng Building at naunang pumasok sa elevator at syempre naka abot pa ako, Kaming dalawa palang ang nasa loob nun

"Pindotin mo na" Utos nito, tinignan ko syang ng masama kahit hindi sya nakatingin sakin at nakasandal sya sa dulo ng elevator, Pinindot ko naman yung 16 floor Kung saan nag o-office si Mrs. Claxton, ilang saglit Lang ay nakarating na kami sa floor nayun nauna akong lumabas sa elevator at tinungo ang office ni Mrs. Claxton

"Good afternoon Mrs. Claxton" Sabi ko ng makapasok ako ng office

"Sit down" nakangiting sabi nya at umupo ako sa harap ng lamesa nya, maya maya rin ay pumasok si kian nilingon ko sya at nanatili Lang syang nakatayo

"Oh, kamusta naman yung ginawa ni Xian dun?" tanong ni Mrs.claxton na nilingon pa saglit si Xian at nagsulat ulit dun sa papel na hawak hawak nya, nilingon ko rin si Xian at tinignan nya ako ng may pagbabanta, na para bang sinasabi nyang pag may sinabi akong masama tungkol sa kanya ay malalagot ako

"O-okay naman, he's silent but nakikisama naman ho sa mga activities" Saad ko kay Mrs. claxton at nilingon nya naman ako

"oh, that's nice, eh Wala Naman bang kalokohang ginawa yan?" Tanong ulit ni Mrs. claxton at tinignan ulit ako

"Hindi naman ho" agarang sagot ko, eh wala naman talaga syang kalokohang ginawa dun

"Hindi ka ba nya blinock mail?" paninigurado pa ni Mrs. Claxton

"I'm not that kind of person" sabat ni Xian

"Naninigurado lang, baka kasi kinunchaba motong si Cassidy para lang mabalik yung allowance mo" seryosong sabi ni Mrs. claxton Kay Xian

"Ahh Hindi po" sagot ko naman

"that's good" nakangiting Sabi ni Mrs. claxton sakin

"by the way, umuwi kana muna dahil alam Kong pagod ka dahil sa trip nyo" dagdag pa nito at tumango naman ako, at akma ng tatayo

"wait Cassidy, by the way tomorrow May photoshoot ulit tayo" paalala pa ni Mrs. Claxton

"Yes ho" sagot ko naman

"Hello Every bodddddy" lalabas na sana ako pero may biglang sumulpot na isang babae sa pintoang yun

"Miss me?" Lumapit agad sya Kay Xian at hinalikan sa pinge, ehh baka kasi kapatid nya, binalewala ko lang Yun at naglakad ulit

"oh wait" hinarang nya ako sa pinto

"Aalis na agad Yung P.A mo?" tinignan ko sya ng masama,

"Hindi nya ako P.A" Inis na sabi ko

"Then who are you?, Why are you here?" Maarteng sabi nya

"She's the new model of Claxton Company" Sabi naman ni Mrs. claxton

"ohhh, Nice to meet you, but I am better than you" Pinag sasabi nya?

"I am the old model of this company,Or may I say Star of this Company, right Xian?" malandi nya pang nilingon si Xian, Tsss hindi sya kapatid ni Xian, Sa ganyang asta? tsk.

"Then?" Sarkastikong sabi ko, Wala akong pake kahit former model pa sya dito, tawagin nya pa akong P.A? the heck?

"Gusto ko lang malaman mo yung lugar mo, since nakabalik na ako" Binigyan nya ako ng Fake smile

"Gusto kolang din malaman mo na Wala akong pake sa opinion mo" inirapan ko sya at tuluyang lumabas ng pinto, Sheeet bat nya hinalikan sa pinge si Xian, Sino ba sya at anong connection nya kay Xian at bakit pa sya bumalik.

Thank you for Reading!
-Moonxie_20🌙

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon