Sheena's Pov;
KINABUKASAN
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone kong nagriring, pilit kong inabot yun sa malapit na mesa habang nanatiling nakahiga
"Hoy sheena" bungad ni shaira ng sagotin ko ang tawag
"oh baki-"
"Anong bakit kanina pa sila nagaantay sayo dito sa guidance office" Hindi manlang ako pinatapos magtanong e kumuda na ang loka,
"hindi tumunog ang alarm ko" Saad ko rito
"palusot e lagi ka namang late, ngayon lang ako nakakita ng Sya na pinaguidance sya pa late" Ang ingay nya, kaya napa upo ako sa kama ko
"oh sige na magaayos nako andaldal mo" inend ko agad yung call tsaka naligo at nag-ayos ng sarili, ng matapos ako ay agad akong pumunta sa kwarto ni mamcy at ayun nakahiga pa rin
"mamcy papasok napo ako" hinalikan ko ito sa pisnge, at tanging tango lang ang iginanti sakin, palagi ng ganyan si mamcy simula nong mawala si papcy, narealize ko rin na imbis na magmokmok e pwede namang ituloy ang buhay at tanging ako nalang ang inaasahan ni mamcy ngayon
Agad akong Nagbike papuntang school, Gaya ng dati ipinark ko iyon sa malapit lang dahil maliit lang naman ang bike at kakasya sya sa maliit na espasyo
"Myghad Eww your so cheap with that bike" Nagmumula iyon sa likuran ko, at si natasha nanaman yun, hindi ko nalang sya pinagtuunan ng pansin tsaka nagderetcho sa guidance office
"Ohhh, sheena the late" bungad sakin ni shaira sa labas ng guidance at inirapan ko nalang sya tsaka pumasok sa loob
"Good morning dean" saad ko ng makapasok sa loob, Nandoon narin pala si mrs. gracia
"Afternoon na dahil sa tagal mo" inis na sabi ni dean, umupo ako at nasa harap ko si ms. gracia ngayon
"by the way, Bakit ganyan ang trato mo kay ms. gracia, sheena" inis na lumingon ito sakin
"Ganyan din naman ho trato nya sakin e" saad ko
"kahit na, mas nakakatanda yan, kahit kunting respeto naman" Sigaw ni dean sakin
"Sheena, hindi lang to isang beses na naguidance ka dahil jan sa kalokohan mo" dagdag nya pa
May nagbukas ng pinto kaya don na punta ang attensyon namin lahat
"sorry for disturbing, Tuloy nyo na po dean" ngumiti ito kay dean, nagtama ang paningin namin ni natasha at agad ko itong tinarayan
"So ayun nanga, bakit ganyan nalang ang trato mo kay miss gracia, ganyan kaba pinalaki ng magulang mo?" Taas boses na sabi nito na ikinakunot ng noo ko
"Yes, dean for sure ganyan din kasutil ang mommy nya" Tumatawa pang sabi ni natasha
kaya napatayo ako"Don't you ever include my mother here, Kung ano man ang problema sakin, ako lang yun at walang kinalaman si mamcy" inis kong singhal sa kanila
"Look wala kangang galang, May I remind you na nasa office kita" tumayo din si dean, at puno na ng tensyon ang buong kwartong yun
"Bakit nanatili ka lang na tahimik jan ms. gracia, Speak up" inis na baling ko rito
"Speak up" sigaw kopa rito dahil narin sa inis ko
"Patawag nyo nalang ulit ho ako kapag nagsalita na si Ms. GRACIA" pagdidiin kopa sa pangalan nya
"Sheena's You're suspended for 1 week" saad ni dean kaya gulat akong tinignan ito
"what?" tanong sa kanya
BINABASA MO ANG
MEET THE GANGSTER (ON-GOING)
Random"Gangster's never change but they know how to love"-sheena "ENJOY READING"