Sheena's Pov:
"Sheena kumain kana muna" medyo nagulat pa ako dahil sa biglang pagsasalita ni shaira habang nakatulala ako
"hmmm" tanging naisagot ko na nakayuko parin
"Sheena nakikiramay kami" napa angat ako ng ulo ng naramdaman ko ang presensya ni kian at tanging tango lang ang ibinigay ko sa kanya
"Condolence sheena" saad naman ni dean
"salamat" yumuko ulit ako dahil baka kapag nagsalita pa ako ng marami ay tutulo nanaman ang mga luha ko, marami pa ang nakiramay at tanging tango lang din ang ibinigay ko, napaangat ako ng ulo ng hindi ko naririnig ang boses ni mamcy at wala nga sya dito sa sala,
Nagaalala ako kaya agad akong tumayo, pinigilan pa ako ni shaira pero ngumiti lang ako rito, umakyat ako sa kwarto ni mamcy pero wala sya dun, pumunta rin ako ng parking area pero wala rin sya roon kaya naisipan kong lumabas ng bahay"Pero may karapatan rin akong dumalaw rito Glaze" Agad akong sumilip sa gate at may kausap si mamcy na babae
"Ang kapal naman ng mukha mo Gracia"Umurong pako ng kunti para maaninag ang mukha ng babaeng kaharap ni mamcy, dahil si mamcy ay nakatalikod sakin at yung babae ay natatakpan nya, Pero alam ko kung sino yun, Pumasok nako sa loob ng bahay at hindi na pinansin pa sila at nagderederetso sa kwarto ko.
"Pati rin pala si mamcy alam nya yun!" mahinang sabi ko at tsaka humiga, Kaya ganon nalang kalaki ang galit ko kay Miss Gracia, hindi sya dapat irespeto.
FLASH BACK
"iwanan muna ang pamilya mo Deniel magsama na tayo" sabi nung babaeng nakasuot ng uniporme ng teacher, Sinundan ko si papcy palabas ng bahay para sana surpresahin sya dahil kaarawan nya ngayon, Pero laking gulat ko ng may kinita syang babae sa park at kasalukuyan akong nagtatago sa puno malapit sa kanila
"hindi pwede gracia, matagal na tayong tapos at hindi ko ipagpapalit ang pamilya ko" sagot naman ni papcy
"Ang kapal naman ng mukha mo para sabihin sakin yan deniel, pagkatapos ng mga nangyari satin iiwan mo nalang ako basta basta" umiiyak na nasabi nung babae
"Sorry gracia pero ikaw rin naman ang unang lumapit sakin e, wala naman talagang nangyari satin guni guni molang iyon" saad ni papcy, tumakbo na ako papuntang bahay dahil baka makita ako dun ni papcy at baka magalit pa sakin dahil sa pakikinig ko sa usapan ng matatanda.
-END OF FLASHBACK
that time I was only 9 years old pero tanda ko parin ang pangyayaring yun habang tumatanda ako ay mas nauunawaan ko ang pangyayaring iyon, hanggang sa noong Nag-enroll ako sa lewestone dahil nga nag babaka sakaling nag-aaral rin don si kian, hangang sa makita ko sa registered office si miss gracia napangiti ako ng malawak at Siniguradong makakapasok ako sa paaralang yun, Kaya ganon nalang ang galit ko sakanya dahil sa pagtatangkang siraan ang pamilya namin at ngayon pupunta ulit sya dito? gaano naba kakapal yang mukha nya para magpakita pa lalo na kay mamcy, dahil buong akala ko ako lang nakakaalam ng sekretong yun alam rin pala ni mamcy.
Umupo ako sa kama ko at tumayo tsaka dumungaw sa bintana baka naguusap parin sila ron pero wala na sila doon, lumabas ako ng kwarto ko at medyo komunti nalang ang mga tayo dahil alas tres na iyon ng hapon at may gagawin padaw sila, nakita ko naman si mama na nagaasikaso sa mga nakikiramay,
inilibot kopa ang paningin ko pero bigo akong makita ang hinahanap ko, si miss gracia.
Naglakad ako palabas ng bahay at hahayaan ang aking mga paa kung saan man ako dadalhin ng mga iyon,Malamig na hangin, huni ng mga ibon at mga ilaw galing sa baba, at alam kona kung saan ako napadpad sa highsky, delikado?, private property? wala akong magagawa dahil itong lugar lang na ito ang tanging nakakapagpakalma sakin,
dahan dahan pakong naglakad sa may pampang ng highsky, patuloy na naglalakad habang nakatingin lang sa kawalan, Gusto kong sumigaw, pero baka may maistorbo ako rito. Naisipan kong bumalik na sa bahay dahil baka hinahanap na ako ni mamcy
Ng biglang...dumulas ang paa ko ng akma na akong tatalikod at ngayon ay nakakapit lang ako sa ugat ng puno at kapag bumitaw ako e malamang susunod na agad ako kay papa dahil sobrang taas ng babagsakan ko
"Anybody hereeee, Please help meeeee" sigaw ko at sana may mapadpad dito at matulungan ako pero mukhang malabo dahil private property nanga ito
"helppppppp"
"tulongggg" muli kopang sigaw pero tanging ihip ng hangin at huni ng mga ibon ang naririnig ko, kahit ganto ako ay gusto ko paring mabuhay, sino nalang makakasama ni mamcy?"tulonggggggggggggg" mas nilakasan kopa ang sigaw ko napatingin ulit ako sa baba kung san mamari akong bumagsak, sana buo parin katawan ko haysss
"Pano ka nakapasok dito" muntikan nakong makabitaw dahil sa gulat at buti nalang ay napakapit ulit ako, maliligtas naba ako? naks iniangat ko ang ulo ko and I saw him again, yung lalaking Gusto akong patayin
"ple-please tulungan moko nangangalay nako" nagmamakaawang sabi ko na ngayon kolang ginawa, as in first time at sa lalaking to pa.
Pero nanatili syang nakatayo, aba'y papanoorin pakong mahulog?.
Tangap kona na hanggang dito nalang ang buhay ko Pumatak ang luha sa mata ko
Sobrang sakit na ng kamay ko at gusto konang bumitaw nalang, naririnig kong tumutunog ang ugat na kinakapitan ko na para bang napuputol na ito unti unti"Whaaaaaaaa" sigaw ko at napapikit nalang ako ng maramdaman kong tuluyan ng naputol yung ugat, inaantay kopang tuluyan akong bumagsak sa lupa at nanatili parin akong nakapikit pero maya maya pa ay hindi parin ako bumabagsak
"Pipikit kana lang jan?, Too heavy!" Dali dali akong napamulat at hawak na nito ang kanang kamay ko at Syempre nakalambitin parin ako, kumapit ako sa mga ugat na malapit don at hila hila naman ako ng lalaking to, hanggang sa tuluyan na akong makaahon at syempre lumayo muna ako sa banging yun,
"Sa-salamat" sambit ko rito habang pinupunasan ang luha sa mata ko pero nakatalikod sya sakin at nakaharap sa bangin kong saan ako muntikang mahulog kanina habang naka pamulsa pa
"last warning, Don't come back again or else You'll Die " Naglakad na ito palayo ng hindi manlang ako tinitignan, naiwan akong nangangatog ang tuhod, dali dali akong lumabas sa lugar nayon at tinungo ang daan pauwi ng bahay.
═══════ ◖◍◗ ════════
Thanks for Reading!
-Moonxie🌙
BINABASA MO ANG
MEET THE GANGSTER (ON-GOING)
Random"Gangster's never change but they know how to love"-sheena "ENJOY READING"