MTG 45

28 2 0
                                    

Sheena's Pov:
I stayed at Luxurious hotel since ang pagkakaalam ni shaira is 5 months pa pa ang balik ko at naniwala Naman ang loka

I was standing her inaantay Kung kelan ako introduce ni Kian bilang surprise, Lumuhod sya kay Shaira at may mga sinabi, since nasa malayo ako at Hindi ko rinig ang mga sinasabi nila, gulat namang tinignan ni shaira si Kian na parang hindi makapaniwala, tsss pupusta ako hanggang tumanda tong dalawang to sila at sila parin kahit ako ramdam ko yung spark nila e, itinuro ako ni kian at gulat na lumingon si shaira sakin at patakbong lumapit

"Sheeeeeeeeeenaaaaaaaaaa" sigaw nya pa habang tumatakbo sya tsaka ako niyakap ng sobrang higpit, medjo hindi nga ako makahinga sa sobrang higpit e

"ohh, umabot ako sa birthday mo, 12:00 pm palang hahahah" ani ko na natatawa pa

"Akala ko ba nasa Canada ka pa nung tumawag ka kanina" nagpupunas pa ng luhang sabi ni shaira

"Nasa hotel ako nun Jan lang malapit sa lewestone, to make you believe" natatawa pang Saad ko

"Adik ka talaga, ang Sabi ko kahit mga 12:00 pm kana dumating basta nakaabot ka sa birthday ko tapos ginawa mo talaga" pag bubunganga ni shaira sakin

"tapos itong si Kian akala ko mag propropose na" nakasimangot syang lumingon kay kian

"Ahhaha hindi ko alam pano ka isusurprise at sabihing andyan si sheena" napatawa na lang ako sa sinabi nya

"Mga baliw" ani ko

"wuyyy namiss kitaaaaa bwesit ka" saad ni shaira

"Same namiss ko kayo, kelan kasal hahahah" pang-aasar ko pa

"Kung may ring Lang ako kanina e why not" saad ni Kian at sinamaan sya ng tingin ni shaira

"Happy 18th birthday Shaira" Ani ko sa kanya at niyakap sya,namiss ko na kasi sya since 3 months rin akong nasa Canada

"Sayang kung may sing sing Lang ako kanina, ikakasal na sana kami diba luvs" mapang-asar na tugon ni kian kaya hinampas sya ni Shaira

"Speaking of Kasal, did you know na ngayon ang Bachelor and bachelorette Party nila since 5 days na lang ikakasal na sila" Literal ko syang nilakihan ng mata dahil sa gulat

"Whaaaat? paano sya nakalaya?" Gulat na Sabi ko sa kanya

"Magaling yung humawak ng kaso nya at hindi napatunayang sya nga Yung nasa litrato" Ani shaira

"Panong hindi?, sa hoodie pa Lang kitang Kita na sya yun" Inis na Saad ko

"Calm down Sheena" Ani pa ni kian

"Paano ako kakalma?" inis na baling ko sa kanya
"saan nagaganap ang stag party?" tanong ko kay shaira, Dahil hindi sya makukulong ng Ganon ka tagal sisiguraduhin ko na lang na walang kasal na magaganap, I'm totally moved on pero hindi sa hustisya para Kay papcy

"base sa post ng kaibigan nya nasa isang rooftop sila ng hotel" Saad ni Kian

"Saang hotel?" seryosong tanong ko

"Luxurious Hotel" saad nya pa

"Happy birthday ulit shaira, kita na lang tayo bukas" Niyakap ko ulit sya saglit

"Sige ingat ka" Ani nya pa

"Sige tuloy nyo na date nyo" ngumiti ako sa kanilang dalawa tsaka umalis at nagtaxi papuntang luxurious hotel malapit Lang naman sa lewestone yun at Alam ko rin ang hotel nayun dahil dun ako nag stay kanina para nga sa surprise para Kay shaira

Ng makarating ako sa hotel ay sinabi ko ang pangalan ni Xian at sinabing kaibigan nya ako, Nag elevator na ako para mas mabilis akong makakarating sa last floor, Ng makarating ako dun ay puro lalaki Lang ang naroon may mga nagswiswimming pero Hindi ko mahagilap si Xian

"Hi miss" may lumapit saking dalawang lalaki, mukhang nakainom sila

"Where's Xian?" seryosong tanong ko

"Bakit si Xian ang hinahanap mo nandito naman kami?" lumapit pa sila sakin at hinawakan ang braso ko

"Don't touch me" Inis na Saad ko ngunit patuloy Lang silang lumalapit sakin kaya napapa atras ako, Mali atang sumugod pa ako mag Isa dito

"Layuan nyo sya" I know that voice

"Where just playing dude" Ani ng isa at bigla syang sinapak ni Xian ganun din ang Isa pang lalaki, Gulat Naman kaming nilingon ng lahat, Hinila ako ni Xian papuntang garden ng last floor since malawak tong building na to

"Anong ginagawa mo dito" Saad nya ng hindi man lang ako nililingon tsaka umupo sa bench na naroon

"Ikaw, anong ginagawa mo sa labas dapat nasa kulongan ka" inis Kong sabi at nilingon sya kahit hindi sya nakatingin sakin

"Isa Kang kriminal" sigaw ko pa dito habang nakatayo

"Huwag Kang mag bibintang ng taong Hindi mo pa kilala" Seryoso ang boses nito

"Tss, wag mo ng linisin pa ang pangalan mo, dahil kahit anong linis mo jan patuloy paring lalabas ang baho mo" napa irap pa ako sa kawalan

"Nandito ka talaga para sirain ang stag party ko?" sarkastikong Saad nya

"Yes, Hindi mangyayaring ikakasal kayo, A Criminal doesn't deserve happiness" galit pang sabi ko, at this point gusto Kong kumuha ng kutsilyo at itarak sa kanya, kahit papaano mabawasan tong galit na matagal ng nakaimbak

"Hindi ko na kailangan pang iexplain ang sarili ko sayo,nakabasi ka Lang sa hoodie? tsskk" umiiling pang sabi nya

"Kilala ko ang tindig mo at sa galawan mo yun pa lang matibay na ibedensya na" Pigil na galit na sabi ko,

"Then your a great stalker" tumayo sya at inismiran ako ng akma na syang aalis ang hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya

ng makaharap sya sa akin sinampal ko sya

"I'm not your stalker" inirapan ko sya

"I just want a justice for my papcy at sisiguraduhin Kong makukulong na" I pointed him

"then ako mismo magdadala ng Criminal sa harap mo" tinignan nya ako ng masama tsaka umalis,
what? dadalhin nya ang sarili nya? naiwan ako na puno ng pagtataka, ganyan ba talaga kapag kriminal? palaging itinatanggi tapos ano magbabayad sya sa mag papanggap na killer tapos sya habang buhay na Malaya? hindi ako makakapayag, I'm not done yet, at kapag nakulong ka ulit sisiguraduhin Kong Wala ka ng takas, Justice is Justice!

Thank you for Reading!
-Moonxie_20🌙

MEET THE GANGSTER (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon